CHAPTER ELEVEN (WITHOUT YOU)

Magsimula sa umpisa
                                    

Abala sila sa pagkain ng bigla nalang nagsalita si Rowena.

"Hoy mga Pate!" Tawag nito sa dalawang estudyante sa kabilang lamesa. Nagpalinga linga muna ito bago tumingin at tila natakot sa pagtawag ni Rowena. "Oo ikaw nga, kayo ngang dalawa." Mataray na sabi nito. "Kayong dalawa. Tigil tigilan niyo nga ang pagpapa-cute sa kasama ko noh?! Kanina pa kayo bungisngis ng bungisngis diyan. Itong gwapong kasama ko." sabay turo kau Paul. "E may asawa na. At ito siya kasama namen." turo naman sa kanya. "Kaya kahit anong gawin nyong pagpapapansin diyan wa effect yan. Hindi tatalab yan. At tsaka mag aral nga kayo hindi puro pagpapa-cute inaatupag nyo. Kawawa naman ang mga magulang nyo nagpapakahirap magtrabaho para makapag aral kayo tapos ganito lang inaatupag nyo. Hai naku mga kabataan talaga ngayon. Tapos mag aasawa ng maaga tapos pag nag hirap sa gobyerno ang sisi. Tsk! tsk!" tuloy tuloy sa salita ni Rowena.

Natulala lang si Sabina at Paul sa sinabi ni Rowena, hindi nila inaasahan na mag speech ito sa canteen. Nagtinginan na din ang iba pang kumakain dahil sa haba ng sinabi niya.

Agad naman nagmadaling umalis ang dalawang estudyante na muntikan pang madulas dahil sa pagmamadali.

"Hahahaha!" Hindi na napigilan pa ni Paul ang tawa dahil sa nangyari. Nasamid pa ito at uminom kagad ng mineral water na in-order din nito.

"Para saan yun Rowena?!" tanong ni Sabina, hindi niya alam kung matatawa siya o maa-amaze sa ginawa nito.

"E kanina pa titig ng titig, with matching pa -cute pa. Naisip ko baka matunaw si Prince P." balewalang sgait nito.

"Kakanditado ka bang kapitana Rowena?, ang haba ng speech mo pati gobyerno nasali pa." natatawa pa ding sabi ni Paul.

"Prince P?!.. Wala ka ng pag asa Rowena, isa kang hopeless case." - Sabina.

"Prince Paul." maikling sagot nito tyka sumubo ng mais. " Isa pa may point naman ako di ba, Prince P?  dapat mag aral muna sila, aba hindi puro kalanturan ang ginagawa."

"Pag tumatanda nga naman." pabulong ni Sabina

"May sinasabi ka Sabina?!"  - Rowena

"Wala." binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"O mga kuya, mga ateng tapos na ang SONA kaya magsibalik na kayo sa pagkain!!" dagdag pa nito sa mga nanunuod sa kanya. Hindi talaga maawat ang kakulitan.

Nang matapos na sila sa pagkain ay nagpaalam na din si Rowena at may date daw ito mamayang hapon. Mag papa-salon daw para magandahan sa kanya ang ka-date.

Bago ito umalis ay bumulong pa ito kay Sabina. "Mare 'wag mo masyadong titigan nagpahahalata ka, medyo pakipot naman ang konti. Sige ka kakatitig mo matunaw yan. Sayang naman!" 

Gusto sana niyang kurutin ito ulit pero mabilis itong nakatakbo at nakapara ng taxi.

"It's nice to have a friend like her. NO dull moment." komento ni Paul habang papunta na sila sa sasakyan nito. "Malilimutan mo pansamantala dahil sa ingay niya."

"Pasensya ka na, mabait naman yun may pagka taklesa lang minsan. Dire-diretso sa pagsasalita. tigan mo nga kanina nag-speech ka." napangiti siya ng maalala ng litanya nito kanina.

Papansinin sana ni Paul ang ngiti ng dalaga, pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ma-conscious ulit ito at hindi muling ngumiti sa kanya.

 "No need to apologize, I enjoyed her company. At least may kaibigan kang laging nandyan para sa'yo.. Uhm... May pupuntahan ka pa ba?"

"Wala naman na. Ikaw baka may ibang lakad ka pa, Ok lang sakin kung ihahatid mo na ko sa condo." 

"Actually meron... Pero sama ka dapat."

Naisip ni Sabina na wala din naman siyang gagawin at bilang pasasalamat na din sa pagsama nito sa kanya para kunin ang mga gamit sa dating apartment.

"Ok."

-----------

Naalimpungatan si Sabina ng maramdaman niyang may gumigising sa kanya.

Pagmulat niya ng mga mata ay nakangiting mukha ni Paul ang una niyang nakita. For a second ay tumitig lang siya dito na hindi naiilang. As if walang mali sa pagtitig dito.

"Nagiging habit mo na ang pagtitig sakin, my wife. It will be a hard habit to break."

Tsaka lamang siya na natauhan at nakaramdam ng hiya dahil sa pagkakatigtig at kagigising lang niya!!! Naisip niya kung anong itsura niya kanina. Agad na tinignan niya ang sarali sa salamin kung may dumi sa mata o kaya ay tulo laway siya.

Nakahinga siya ng maluwag ng masiguradong maayos ang itsura niya. Nang tumingin siya sa pwesto ni Paul ay wala na ito duon.

"Wala ka bang balak bumaba?" Narinig niya boses nito sa labas ng pinto. "We're here. You will love it for sure. Come on!"

Agad siyang bumaba ng sasakyan at sumunod dito. Pumasok sila sa isang building. Gamit ang elevator ay pumunta sila sa pinakatuktok nun.

"Pwede ba tayo dito? Baka may makakita satin paalisin tayo." Pigil niya dito ng papasok ito sa pinto na may nakalagay na 'No Entry'.

"Wala yan. Wala naman nakakita na pupunta tayo dito. Hayaan mo lang. Masyado kang mabait. Sometimes its fun breaking some rules."

At hinila na siya nito papasok duon sa pinto.

Bumungad sa kanila ang malamig na simoy ng hangin at ang lawak ng dilim ng kalangitan. Kitang kita sa kinatatayuan nila ang ningning ng mga bituin sa kalangitan.

"Ang ganda." Manghang mangha si Sabina. Ngayon lang niya napagmasdan ang ganda ng langit sa gabi.

Malayo sa ingay ng kalsada at sa polusyon ng hangin kung nasaan sila ngayon. Sa baba na hindi natatanaw ang mga bituin dahil sa liwanag ng mga ilaw ng gusali at natatakpan ng usok.

Iginala pa ni Sabina ang mga mata sa paligid ng gusali. Sa taas ang mga nagningning na bituin sa kalangitan sa baba naman ay para ding mga bituwin ang mga ilaw na nanggagaling sa mga building sa buong syudad. It looks like a sea of thousand lights.

"Parang outer space.. na punong puno ng mga stars." Hindi pa din maalis ang ngiti at saya sa mga labi niya

"Glad you like it."

"Like? You're kidding me. I love it!! Hindi ko alam na may ganito pala sa gitna ng city. Napakaganda Paul. Parang fantasyland. Parang may magic. Sobrang ganda!!" Kasabay ng pagnining ng mga bituin ay ang pagningning din ng mga mata ni Sabina.

Halong lungkot, sakit at saya. Lungkot at sakit dahil hindi natupad ang pangarap niyang maikasal sa taong pinapangarap niya. Saya dahil sa ganda ng nakikita niya ngayon. Ganda ng mundo na akala niya ay sobrang lupit dahil sa nangyari sa kanya.

"I feel so free."

She take a deep breath and close her eyes to feel the soft breeze of cold air. Ibang iba sa mausok at mainit na hangin sa ibaba. Sa nakikita niya ngayon, ang ganda ng mundo na hindi madalas makita ng ibang tao.

A new life. A new experience. 

A new day without you. Kaya ko. Kakayanin ko 'to. I will start my new life without you by my side. Hindi man ganun kadali pero alam ko magagawa ko. 

My first day without you is not so bad comparing to what I thought of.  

Kaya kong maging masaya. Even without you....



-----------------------------


I'm His Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon