"Bakit, Ma?" Nag-aalala kong tanong dahil natataranta siya.

I heard her heavy breathing before she answered. "X-Xiel! Si Xia, sinugod namin sa hospital!"

Umawang ang labi ko. My heart hammered in my chest immediately.

"Bakit, Ma? Ano'ng nangyari? Si Papa?"

"Naglaro kasi sila, anak. M-masyado yatang nasobrahan si Xia sa paglalaro kaya inubo siya nang inubo. Si Papa mo, nandoon at inaasikaso ang kapatid mo."

I sighed and bit my lower lip.

"Magpapadala kaagad ako ng pera, Ma. May savings naman ako—"

"Nako, anak. Hindi na, Xiel. Tinawagan kita kasi h-hindi talaga ako mapakali."

"Ma," I sighed as my shoulders fell. "Magiging maayos lang din si Xia, okay? At saka... ito po muna ang gamitin niyo. Alam ko rin namang pati kayo ay nagkakasakit. Gamitin mo rin 'yan para makapagpa-check up."

It took her a minute to answer.

"S-sige, anak. Salamat ng marami. Isasauli ko lang din 'yan kapag nakalabas na si Xia sa hospital."

I smiled softly. "Kahit huwag na, Ma. Paki-update ako kay Xia, ha? Babalik na rin po ako sa klase."

"Hays, fuck. 'Di ako nakapag-aral." Kio grunted as I sat beside him. Bumalik na kami sa classroom pagkatapos ng vacant namin.

Kaagad akong lumingon sa kanya. "Bakit? Ano'ng mayroon?"

Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. "Hindi ka rin ba nakapag-aral? May oral recitation si Sir Venny ngayon daw. Gagi, e, sinasagutan ko pa nga 'tong seatwork niya!"

Kasabay ng pag-awang ng labi ko ay ang pagngiwi ni Kio. Shit. I was too preoccupied with my call with Mama that I forgot about it.

Gaya ni Kio, nagsasagot pa lang din ako ng seatwork niya sa vacant namin!

It seems like we aren't the only ones who were oblivious dahil ganoon din ang reklamo ng mga classmates namin.

I was so nervous when our instructor started choosing from the index cards. Ang subject pa naman na 'to ay dapat base talaga sa mga napag-aralan at hindi basta-basta opinyon mo lang.

Alangan namang makikipag-debate ako sa buhay ni Jose Rizal? Nag-aalala pa nga ako sa kalagayan ng kapatid ko.

"Figueroa."

Fuck.

Iyon lang.

I bit my lower lip and shut my eyes while slowly standing up.

Today must've been my unlucky day.

Just like what I've expected, hindi naging maayos ang sagot ko sa recit. He was firing a lot of follow-up questions that the thoughts in my mind got mixed up!

Mabuti nga at nakakasagot pa rin ako at hindi talaga tumunganga nalang sa harap niya, but still, it wasn't enough to satisfy him.

Two more of my classmates were called at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maawawa dahil pati sila ay nahirapan ding sumagot.

Just like that, after the class ended, all of my classmates came up to us to cheer us up.

"Cheer up, everyone. Don't let this recitation be the starting point of the second semester, okay? Bawi tayo." Our class mayor said.

Tumango naman ang vice mayor namin. "Every semester may start with a bad recitation but we can let it end with a good one, guys."

May isang class pa kami after ng isang vacant kaya tumambay kami ni Kio ulit sa library. This time, I really started reading in advance.

Nang makabalik kami sa classroom ay bumungad sa ang pag-uusap ng mga kaklase namin.

"Uy, ano'ng mayroon?" Kio asked Reniel, one of our classmates.

"Alam mo ba? Nag-uusap 'yung mga seniors natin kanina," he answered. Tumabi sa kanya si Eunice na nakiusisa rin.

"Ano'ng pinag-uusapan?"

"Si Ryx kasi, kilala niyo, 'di ba?"

Kumunot ang noo ko. Pati si Kio ay napatingin sa akin.

"After pala ng subject natin ay subject nila. It seems like Sir Venny told them about our failed recits," iling niya habang kinukwento.

"Oh, tapos? Ano'ng mayroon kay Ryx? Did he also have a failed recit?" Bianca asked, curious.

"Nope. More like, the tables turned."

"Ha?"

"After daw ng discussion ni Sir, nag-ask siya ng questions tapos si Ryx ang sumagot. Then his opinion was different from Sir's and then it ended up in a debate."

Umawang ang labi ng mga kaklase namin habang ang iba ay tuwang-tuwa dahil sa nangyari.

"What? Really?"

"Yup! Ang ending, pikon na pikon si Sir dahil napahiya siya sa klase. Grabe! Bawing-bawi ang pagpapahiya sa atin kanina."

I turned to Kio who was just eating a shawarma dahil bigla siyang tumikhim at siniko ako.

Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil hindi siya tumitigil kakatikhim kaya inabutan ko na ng tubig.

"Ano? Dadalhin na ba kita sa clinic?" Tanong ko, panay rin kasi ang pagsiko sa 'kin.

He laughed and shook his head. He smirked and looked at me meaningfully.

"Naks, ginanti ba naman."

In Between Calms and StormsWhere stories live. Discover now