Tumango ako.
"People's identities and expressions are way more nuanced than just masc or fem. Someone can be masculine in style but soft in mannerisms, or feminine in looks but assertive in behavior, or androgynous, or none of the above. And like... constantly putting people into strict categories can make them feel pressured to 'fit' an image they didn't choose."
I was glad that Kio had this kind of mindset. Magkakaparehas kami ng opinyon kaya nasanay na kami na mag-usap tungkol sa ganitong topics.
I'm glad, even, because I know that there are still some controversial topics in society that I may not be fully aware of.
Dapat talaga, we should surround ourselves with people who are aware and knowledgeable.
"Thank you for attending! Hanggang doon na muna tayo since sa susunod na mga buwan pa naman ang activities natin."
Daisy clasped her hands. "Thank you, guys! We appreciate you showing up today. If you have any questions, just ask us lang."
"Ano raw pong IG username ni Kuya Koen, Ate?" A high school student's question made everyone laugh.
Kahit si Koen na may sinusulat ay nagtatakang umangat ang tingin nang sikuhin siya ng katabi niya.
Our eyes met and he suddenly smiled at me, nginitian ko siya pabalik. Hindi pa kami masyadong nagkakausap pero madalas kaming nagkikita.
Just as Koen was about to raise his wand to wave, someone blocked my view.
My eyes rolled automatically.
"May utos ka na naman, Pres?"
"Reis called me, he said that you can come with me if you're also going to his house because he can't pick you up," sabi niya na parang labag pa sa loob niya.
Gusto ko rin pumunta kasi miss ko na si Tita Ria, ang nanay ni Reis na parang second nanay ko na rin. Kaso ay...
"Hindi na." Pag-iling ko. "May lakad pa ako mamaya, e. Tatawagan ko nalang sina Tita."
Doon din naman ako galing sa bahay nila Reis nitong nakaraan. Hindi naman siguro magtatampo si Tita kung hindi ako makakapunta ngayon.
"With whom?" Takang tanong niya.
I shrugged at him. Hindi ko naman siya kailangan sagutin! At saka, tatawag na nga lang ako kay Reis para ipaalam sa kanya.
Nakita ko pang nagtatakang tumingin sa 'min si Koen.
"Really?" Reis sounded excited nang malaman niyang ipapakilala ako ni Kio sa mga kaibigan niya rito.
Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "May mga kaibigan daw siya sa kabilang schools."
Nitong nakaraan pa nga ako pinakilala no'n kaso ay hindi matugma-tugma ang mga schedule namin kaya naman ay ngayon lang natuloy.
"Okay," Reis responded. "Tell me if magpapasundo ka."
I smirked. "Kaya ko nang mag-commute, thank you."
I even heard his laughter before ending the call.
Nang binaba ko ang call ay napaigtad ako dahil nakatingin pa rin si Ryx sa 'kin. His arms were crossed and he was leaning on the wall sideways, bahagya pang nakakunot ang noo.
I looked around and saw that the others were conversing with each other. When my eyes darted to Koen's side, he was tilting his head while looking at Ryx.
Pagkatapos ay bumaling ang tingin niya sa 'kin at wala sa sariling tumawa at umiling bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.
I looked at Ryx again. "Ano?" I mouthed.
"You're really not coming with me to Reis' house?" Tanong niya pa ulit.
I sighed. "Hindi nga. May ibang lakad ako, nagpaalam na nga ako kay Reis. May ibang circle na rin ako rito, 'no? Ikaw lang ba pwedeng magkaroon?"
Ang dami kasing ganap ng buhay niya sa stories niya sa social media. Lalo na tuwing weekends na parang presentation ng slides! Saka iba't-ibang mukha rin.
He shrugged and walked away.
Maaga rin akong nagpaalam sa mga tao sa org at dumiretso sa library kasi iyon ang sabi ni Kio kanina.
Nandoon nga siya, natutulog.
"Sir, 'di po pwedeng matulog dito."
He immediately stood up which even made the students near us flinch.
"Gago," he shouted in a whisper. Tawang-tawa ako hanggang sa nakalabas kami.
Sa isang café na malayo-layo sa school kami pumunta dahil doon ang parang gitnang landmark sa school namin at sa kabilang school.
They said it'd be fair for all of us to meet there para lahat kami ay dumayo at walang malapit sa school nila.
I've already talked to Theo and Everett, Kio's friends in high school, on the phone kaya magkakilala na kami.
Although, this is the first time we've seen each other.
Nang magkita-kita ay para kaming magkakaibigan na ang tagal nang nagkakilala at ngayon lang nagkita ulit. I was overwhelmed but it also touched my heart that they're this open to new friendships.
"Nagkita na rin tayo, long time bff." Everett joked.
Umupo kami ni Kio sa harap nilang dalawa ni Theo.
Theo's like a nerd, pero malaki ang katawan niya. Bumagay naman sa kanya 'yung eyeglasses niya. Soft-spoken din siya. 1st Year, Nursing.
On the other hand, si Everett itong parang ang ingay-ingay at hindi mapirmi. Hindi pa 'yan nauubusan ng sasabihin. Mahaba 'yung buhok niya pero nakatali naman at may strands na nakawala sa tali. Civil Engineering 'yung course niya.
Pero isang bagay ang napapansin ko—pinagtitinginan sila ng mga tao. May nagpa-picture pa nga kay Theo nung um-order kami! Saka si Everett ay panay kaway kapag may nakilala na parang nangangampanya. Kulang na lang ay handshake, e.
"Nagtataka ka ba?" Kio nudged me and asked. Natawa siya nang tumango ako. "Sikat kasi 'yang mga gago sa kani-kanilang school."
Narinig iyon ni Eve kaya tinulak niya nang marahan si Kio. "Ulol. Sikat ka rin naman sa inyo. 'Di ba, Xiel?"
I nodded. Pero 'yung atensyon na nakukuha ni Kio sa school, akala ko nga ay may kakilala niya lang, ngayon ko lang na-realize na parang kilalang tao rin pala siya.
"We're kind of known in some universities because of our friendship—lalo na't magkaiba kami ng schools. Hindi nagc-compliment ang kulay ng uniforms kapag nagkakasama kami." Theo explained.
Mahina akong tumango.
"Kaya 'wag ka nang magtaka—I mean, feel ko nga may fanbase ka na rin sa school kasi ang daming nagtatanong sa 'kin ng pangalan mo!"
Kumunot ang noo ko roon dahil hindi naman ako aware! May mga kumakausap nga sa 'kin, pero nagtatanong-tanong lang naman. Minsan, hinihingi ang pangalan at department ko.
"Kasali ka na sa friend group, okay? Although unfair slightly dahil dalawa na kayo sa same school." Eve declared that made me chuckle.
Nami-miss ko tuloy 'yung mga barkada ko sa probinsya. Kapag na-stress talaga ako rito, uuwi at uuwi ako.
YOU ARE READING
In Between Calms and Storms
RomanceRyx's city life was flawless, like a glass tower untouched by storms. Though messy at times, it was still perfectly his. But when Xiel came, a boy from the province, he became a contradiction dressed in calmness - an imperfection that felt dangerous...
Chapter 07
Start from the beginning
