69. Go To Hell

6.5K 173 15
                                    

SWEETIES SORRY FOR THE LATE UPDATE. BEEN SUPER BUSY THESE PAST FEW DAYS.

DEDICATED TO: kasandralei, clairecampomanes, glotica, Mich_Ozera, Tamadnaprinsesa11, redbellevet, jessyjessMM, Zaynieeelubss, kaname_aries, kenyeolly, SweetneyLascona, pache_13, 114megablockbuster, BhadzMacabinguil, mzcakepop, YoRiTaa_, FlordelizaNolasco9, annieten29, 104zeldaxlove, mrs_suba, catefullante, RobertLopez, jory2407, CharmaineTamayo, YlereRey, angelykavizcayno.

NINA'S POV

ANG NAGLALAMBING NA si Clyde ang gumising sakin. Naka-uniform na sya kaya alam kong ready ma syang pumasok sa RBA.

"Goodmorning beautiful." Nakangiti syang sinalubong ako ng kiss sa labi. "Okay ba ang tulog ng future wife ko?"

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Hmmmmnnn..." Bigla kong naamoy ang pabango nya. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pagbaligtad ng sikmura.

Tinulak ko sya palayo and I rushed to the toilet. Nagpunta ako sa sink and vomitted.

"Nina!"

Nagmamadali din si Clyde na sumunod sakin. Hinahaplos nya ang likod ko habang nagdududuwal ako sa banyo.

"Urrggghhh!!! Hmmmmpppp!!!" Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nararamdaman ko.

"Naglilihi ka na!" Ewan ko ba kung nag-aalala sakin si Clyde o na-eexcite sya sa nangyayari sakin. "Daddy na talaga ako!"

Matapos kong magduduwal eh binigyan ako ni Clyde ng towel. Inalalayan nya akong bumalik sa kama.

Nang makapahinga ako ng saglit ay napatingin ako sa kanya na nakatingin din sakin. Giliw na giliw syang pagmasdan ako.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit kong tanong. Nagblush tuloy ako!

"Ang ganda-ganda talaga ng Mommy ng anak ko." Kindat nya sakin. "Napakaswerte ko naman."

Ewan ko ba pero bigla akong naiyak. Ganito ata talaga ang mga buntis, sentimental kadalasan.

"Nakakainis ka naman!" Inirapan ko sya. "I dont like your scent! Change it!"

Iiling-iling syang tumango. "Naglilihi ka na talaga. Dont worry, hindi ko na lang 'to gagamitin para hindi ka mahilo sa amoy."

Mabilis syang nagpalit ng damit sa harapan ko.

Gosh! Buntis na ako pero hindi ko pa din maiwasang hangaan ang katawan nya. Grabe ang muscles!

"Nina, yung laway mo, tumutulo." He teased me. Niyakap nya agad ako nang makapagpalit sya ng uniform.

"Ayoko mang iwan ka dito pero marami akong aasikasuhin sa Royal Blood." He said while planting small kisses all over my face. "Graduation is coming... Busy ang lahat especially ako kasi I am the President. Baka ma-late ako ng uwi mamaya."

Kumunot-noo ako. "Late kang uuwi?"

He nodded. "May tatapusin kaming reports nina Brylle. Dont worry, I will rush here as soon as I finished it."

Malungkot akong tumango na lang. Kasi naman gusto ko syang laging nasa tabi ko.

"Okay."

He pinched my nose. "Hey, dont be sad. Promise bibilisan ko para matapos agad."

Nagliwanag na ang mata ko after that. "Faster as you could okay?"

"Yeah."

HARRIS' POV

NAKAKAINIP ANG MAGHAPON NA'TO.

Malapit na ang graduation and we need to complete all the requirements. I guess we will spend the whole day doing that.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon