41. Welcome Back

6.4K 199 8
                                    

NINA'S POV

HABANG LUMALAPAG ang private plane na sinasakyan ko, I can feel the quiverring of my knees. Anytime, magkikita na naman kami.

Alam ko malaki na ang galit ni Kuya Clyde sakin ngayon.

"Lady, tara na po. Nasa labas na ang kotse na sasakyan natin pauwe."

Ang isa pang nakakapagtaka ko, sa Main Mansion ako uuwe. I thought sa kabilang mansion muna ako kasi hindi papayag si Papa na magkasama kami ni Kuya sa iisang bubong.

"Okay." Huminga ako ng malalim saka tumayo. This is it. Kailangan kong lakasan ang loob ko at salubungin kung ano man ang naghihintay sakin.

Sana hindi galit sakin si Cleah kasi nagpanggap akong si Hera.

You're an eighteen year old lady, Nina. Teach your feet to stand still firmly.

"Heraaaaaaa!!!!!" I heard someone called my name nang lumabas ako sa airplane.

Brylle! Cleah!

Napangiti ako habang lumalapit sa kanila.

"Welcome home, Hera." Niyakap ako ni Cleah nang mahigpit. Looking at her now, grabe, ibang-iba ang looks nya ngayon, mayaman na mayaman talagang tingnan. Sya nga talaga ang totoong Coronel.

"Nice to see you again, Hera." Sabi ko naman, smiling.

"Ay ayoko nun, call me Cleah okay?"

"Well, I prefer Nina naman."

Sabay kaming nagtawanan. Walang magclaim ng Hera saming dalawa.

"Hey beautiful ladies, pansinin nyo naman ako dito." Singit ni Brylle sa usapan naming dalawa.

"Hi Vice President! How are you?!" Bati ko sa kanya.

"Pwede ba Nina, call me Brylle wala tayo sa Royal Blood." Nakapout nyang sabi.

Nina.... He called me Nina...

Biglang tumulo ang mga luha ko.

Grabe...

"Naman Brylle, anong ginawa mo sa best friend ko." Tinaasan sya ng kilay ni Cleah.

Eto namang si Brylle, biglang nagulat. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

"Hey.., hey! Anong ginawa ko? May nasabi ba akong mali?" Puno ng concern nyang tanong.

Umiling ako sabay pahid ng luha at ngiti. "Wala. Natuwa lang ako kasi tinawag mo akong Nina, I dont have to pretend anymore."

Niyakap akong bigla ni Cleah. Kitang-kita ko ang luhang gustong lumabas sa magaganda nyang mata. I know na totoo ang yakap nyang iyon. "I'm on your side Nina. Palalayain kita sa mga utang mo kay Papa. Being me is a nightmare, right Nina?"

Gumanti ako ng yakap sa best friend ko. Lalo akong naiyak.

"Thank you Cleah for undesrtanding. Akala ko magagalit ka sakin kasi ninakaw ko ang pagkatao mo."

"We are both victims here, Nina. I know that."

"Ladies, lumalamig na, pasok na tayo sa kotse. Naghihintay sa Mansion sina Antonette sa pagdating mo." Putol ni Brylle sa pagdadrama naming dalawa.

Bigla akong kinabahan. Malamang, andun din si Kuya...

at si Hillary...

Hinila na ako ni Cleah papasok ng kotse.

"Lady Cleah, dahan-dahan po, baka masugatan kayo." Alalang-alala si Lincon kay Cleah. Syempre, totoong anak na ang nasa harapan nila.

"I can do it, dont guard me too much, okay?"

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon