49. Change of Heart ♡---->♠

6.1K 204 23
                                    

Dedicated to monicraagas, RgeAndLve, jemiron, Charevell Consigo, loucellelovesgray, ajtanilon, MaybelMalate, crooowwn, jgmeneses, kainalyn, febuanegne, Chinita03, Mystery Eyes, Hazel Siapno, monbis, agniskarose, Hello8Kitty and akiremay.

Big Thanks sweeties sa votes, comments or pag-follow.

Next update na yung iba, ha? I misplaced my list pero sana kumpleto yung nasa scratch ko, sana mapasalamatan ko kayong lahat. Masyadong malayo na kasi yung mga notifications for me to track down one by one.

CLEAH'S POV

FIRST DAY OF COLLEGE LIFE.

I am a college student now. Papasok ako bilang si Hera Dorothy Coronel, my real name. But, I prefer to call me as Cleah. Yun ang pangalan na binigay ng totoong ama ko sakin.

["Oh ano na, anak? Kelan ba natin uumpisan ang plano? Nababagot na ako dito.]

That's my Itay. Ilang linggo na syang nangungulit sakin.

"Itay, masyado pang maaga. I need to spy more."

["Yan ka na naman eh, inienglish mo na naman ang Itay mo. Antagal ko nang naghihintay anak. Nag-eenjoy ka na ata sa mga Coronel. Baka nakalimutan mo na kung bakit namatay ang Mama mo."]

May kasamang tampo at pangkukonsyensya ang tono ni Itay. May naisip na kasi syang plano kung paano pababagsakin ang mga Coronel.

"Itay naman! Syempre hindi po! Ang plano natin pinaghahandaan Itay, hindi padalus-dalos." I explained. Atat na atat na kasing makaganti itong si Itay.

"Cleah, honey, are you ready?"

Naitago ko ang aking cellphone at my back. Paano naman kasi, biglang sumulpot si Papa. Ewan ko ba pero iniwan nya ang meetings nya just to accompany me today.

"Okay Papa. Wait a second, I'll just finish this call."

"Okay."

Nang makalayo si Papa ay kinausap ko na agad si Itay. "Itay, tawag na lang po ako ulit."

["Sige anak, narinig ko ang boses ng magaling na si Clinton ah."]

"Opo Itay, lumapit sya dito, sige na po. Ingat kayo lagi." Ibinaba ko na agad ang cellphone.

Dumiretso kami sa Admin's office then kinausap ni Papa sina Mrs. Salvacion. After fifteen minutes, they were done talking. Umalis na din si Papa para sa business nya.

Then I saw my best friend na kabababa lang din ng kotse. Mukhang medyo pumayat sya ngayon.

Mapuntahan nga. Buhat nung kunin sya si Blake hindi na kami nagkausap eh.

Malapit na ako kay Nina when I saw Brylle walking towards her direction. I think mas mauuna syang makalapit sa best friend ko.

NINA'S POV

WELCOME NEW STUDENTS AND TRANSFEREES.

Binasa ko ang malaking tarpaulin na nakadisplay sa gate ng College Department.

I am going to take up Business Administration like Clyde. Sana lang makaya kong maipasa ang mga subjects dito.

"Nina!!!"

Dahan-dahan kong nilingon ang tumawag. Mukhang excited ang boses na yon.

"Vice President!" I smiled and waved at him. Start na talaga ng school year, nakauniform na ulit sya.

"Welcome sa college department, Nina Sarmiento." He offered me a handshake so I responded.

"Thank you." I tried to smile kahit na kagabi pa akong kinakabahan. Alam ko mamaya makikita ko na sya.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon