42. Share Bed With Me

8.7K 230 18
                                    

bliss1990, Marshyll and JayEmcii, thanks for the support^_^◆

NINA'S POV

IT HAS BEEN ANNOUNCED. Pinapanood ko na lang ang replay ng video sa youtube.

"Sabi sakin ni Blake sa graduation pa ang announced ng pagkatao ni Cleah, excited talaga si Papa." Kinakausap ko ang sarili ko. Nagpaorganize agad ng conference si Papa para maipakilala nya si Cleah as his real daughter.

I push the play button para mapanood ko ang video.

["My real daughter has been found. Matagal na naming pinapahanap ang nawawala kong anak, I want the public to know na this beautiful lady beside me is my real descendant."

"What about Hera? The girl who used to be your daughter?" Tanong ng media kay Papa.

"Well, she's still my daughter, ako ang nagpalaki sa kanya kaya anak ko pa din sya, but she'll use her real name."

"Why did you let a young girl pretend as your daughter? Any valid purpose, Lord Clinton?"

"I am protecting my daughter, my real daughter. I know, if I'll announce that on public that she's missing, marami ang magpapanggap na sya at there's a lot of bad guys na maghahanap sa kanya."

"So saan galing ang batang Hera na nagpanggap na anak nyo? Her real name?"

"Her parent signed the papers, legal ang pag-ampon ko sa kanya. Her real name, its private information, I wont answer that."]

"When money talks, everybody listens. Andaling natanggap ng public ang pagkatao ko."

Nilingon ko ang nagsalita.

"Cleah!"

"Hi best friend! How are you? Nakakainip ba sa mansion na to?" Nakangiti nya akong kinindatan. "Naisip ko lang na bisitahin ka."

"Super nakakainip dito." Nakapout kong sagot.

"Kahapon lang yung interview namin na yan."

"Oo nga eh, andami agad na views."

"Why dont you invite your mother and sister to live here with you. Tutal naman ay okay na ang pagkatao nating dalawa." Suggestion ni Cleah.

Iinvite sina Nanay? Ni hindi ko nga alam kung nasaan sila.

"Owwwss... Nga pala, tinago nga pala ni Kuya ang Nanay ko at kapatid mo." Sabi ni Cleah. "Nag-uusap na ba kayong dalawa?"

Napabuntong-hininga ako. Paano ko sya kakausapin eh ang cold nya.

"Its hard to talk to him na Cleah. Mas masungit na sya ngayon."

"Its because, nagseselos sya kay Blake."

"No... Si Hillary na ang gusto nya diba?"

"Silly... Figure it out then... Kausapin mo si Kuya."

"Paano? Di ba bawal ako sa main mansion?"

"Bawal ka, kapag wala ako, pero kapag kasama kita, you can do whatever you want there. Ano? Para makita mo na sina Mina."

Napatingin ako kay Cleah. "Bakit mo alam ang pangalan nya?"

"Hey Nina! Ano ka ba? Napapag-usapan namin ni Papa yung case mo and nabanggit nya si Mina once kaya tinandaan ko. Ano, tara na? Nasa mansion ngayon si Kuya Clyde."

"Natatakot ako kay Kuya eh..." Nakangiwi kong sabi.

"Pwede ba? Ngayon ka pa ba matatakot? Para kina Mina to."

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon