"Grace?"

Napaiwas si Stan ng tingin.

Grace is Stan's ex girlfriend at halos pareho ang ginawa ni Grace kay Stan sa ginawa ni Ice sa akin.

"Timi, I need to talk to you. Please? Kahit hindi ngayon agad agad but please?"

"Okay. But first, ipatingin muna natin yang sugat mo."

Umiling siya.

"No. I gotta go."

He gave me a peck on the cheek at dire-diretso na siya sa kotse niya.

Napatingin ako kay Ice and I caught him staring at me.

Seryoso.

Naiinis.

Nag seselos?

Ipinasok siya ng mga staffs sa loob.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong sa akin ni Nica at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Nginitian ko siya.

"Yes, I'm fine. Don't worry about me."


~*~


"Bakit kasi bigla-biglang nanununtok ang kaibigan mo?!" sabi ni daddy habang nandito kami sa office ko. Nakaupo sa isang sulok si Ice. Buti na lang at tumigil na ang pagdudugo ng labi niya.

"Tito, okay lang po. Wala pong kasalanan si Timi," sabi naman ni Ice.

"Eh paano yan?"

Napakapit si Ice sa gilid ng labi niya at kita ko sa expression niya na-nasaktan siya.

"Ako na po ang haharap kay Rochelle."

Napapikit ako. Malamang mag wawala si Rochelle. Naalala ko yung init ng ulo niya nung nagulpi si Jasper.

"Timi, gamutin mo sugat ni Ice," utos ni daddy.

"Huh? Baket? Dalhin na lang natin siya sa ospital!"

"Wag! Baka magka-issue," sabi naman ni Ice.

"Oo nga! Gamutin mo! Kasalanan mo 'yan!" pag u-udyok ni daddy sabay abot pa ng yelo na ibinalot sa cloth.

"Ang sakit talaga," sabi naman ni Ice habang hinahawakan niya yung pasa at sugat niya.

Bwiset! Bwiset!

"Dali na Timi!" at medyo tinulak pa ako ni daddy palapit kay Ice.

"Ito na nga po!" irita kong sabi.

Napangisi yung dalawa.

Anak ng!

"Iwan ko na kayo!" sabi ni daddy at lumabas siya sa room. "Yahahahahay!!" dinig ko pang sigaw niya nang makalabas siya.

Feeling ko na set up ako.

Hindi kaya magkasabwat si Stan at Ice at si daddy para malagay ako sa ganitong sitwasyon?!

Pakiramdam ko talaga eh!

"Sakit," naka-ngiting sabi ni Ice habang tinuturo yung pasa.

Lumapit ako sa kanya at dinampian ko ng yelo ang pasa niya.

"Ow..."

"Stop grinning like an idiot! Nababanat pasa mo eh!" inis kong sabi.

"Sorry I can't help it," nakangiti pa rin niyang sagot.

I rolled my eyes at him at nagfocus ako sa pasa niya. Buti naman at tumigil na rin siya sa pag ngiti.

Bwiset na Stan 'to. Sa susunod sasabihin ko wag sa mukha ni Ice ang suntok lalo na kung ako ang gagamot sa kanya.

Shit naman na labi yan oh. Nakakainis naman oh. Ba't kahit pumutok yung labi niya ang ganda pa rin. Bwiset naman oh!

Feeling ko nakukuryente ang mga daliri ko. Naiimagine ko na hinahawakan ko ang mga labi niya.

Ah! Ano ba 'tong imagination na 'to!

His lips curved into a smile again.

Napatingin ako sa mata niya.

Napalunok ako.

Ba't ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa?!

"Timi..."

"H-hmm?" iniwas ko agad ang tingin ko at ibinalik doon sa pasa niya na nasa ilalim ng labi niya at yung labi naman niya natititigan ko.

Bwiset na buhay 'to.

"I-is he courting you?"

Napabalik ang tingin ko sa mata ni Ice at medyo napalayo ako sa kanya.

"Huh?"

"That guy. Is he courting you? He's your ex right? And the way he reacts, alam kong gusto ka pa niya.

"Ice...paki mo ba?"

Napaiwas ng tingin si Ice. I feel a tight knot in my stomach.

Not the right thing to say Timi!

"I-I know wala akong karapatan. Sinabi ko rin sa'yo na kahit hindi mo na ako mahalin basta mapatawad mo lang ako. But Timi.."

Biglang tumayo si Ice and at mas lumapit siya sa akin.

Parang nag aalburoto ang puso ko.

Ang bilis.

Ang hirap huminga.

Parang sinakop ni Ice ang bawat espasyo sa kwartong 'to.

Kinakabahan ba ako na ganito siya kalapit at ganyan siya makatingin sa akin?!

"Yung thought na may magugustuhan kang iba, it's killing me Timi. Hindi ko pala kaya."

He raised his hand and then he touched my cheek using the back of his hand.

Parang biglang kinuryente ang buong katawan ko.

"Ang gago ko para sabihin 'to matapos ng ginawa ko sa 'yo, pero inaamin ko na selfish akong tao. Ayokong mapunta ka sa iba. Gusto ko sa'kin ka lang. Please?"

To be continued...

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon