Nanigas ako sa aking kinauupuan. Balisa ang mukha ko ng humarap sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit para sakin ay mahirap siyang kausapin. Ayaw bumuka ng aking bibig, hindi naman ako natatakot sa kaniya. Medyo lang. At hindi ko rin naman siya kilala. Pero, parang nahihiya ako na ewan.
Maybe because he has that aura that can make everyone shut up with just one look?
He seems intimidating yet easy to approach, I guess? Or maybe not?
"Hindi ba mainit yung binuhos niya sayo?" Tanong niya na ikinabigla ko.
Ang lamig ng boses niya. Parang nakakatakot!
Umiling lang ako at napabuntong-hininga. Tumingin ako sa kaniya at sakto namang tumingin rin siya sakin.
He look at me that made my mouth shut. "Bakit ka ganiyan makatingin?" Sabi niya sabay upo sa gilid ko. "I don't know what happened earlier and I don't have anything to do with that, but can you clean that thing on your uniform? It's dirty and bothering me." Napakagat ako sa aking labi at tiningnan ang dibdib ko.
Huh? Bakit naman? Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumagot sa sinabi niya.
"W-why does it bother you?" Sagot ko na may pagka utal-utal pa.
"Because...." Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi niya tinuloy. "Nevermind. I have an extra shirt, if you want."
Na conscious tuloy ako at napatingin ulit sa aking dibdib. Nanlaki ang mata ko ng makita ang black na bra kong tumambad na nakita dahil sa pagkabasa nito. Gusto ko nalang magpalibing sa lupa!
Nakita niya siguro ang reaksyon ko kaya nakita ko ang ngiti niya sa may gilid ng labi. "I told you, I have an extra shirt."
Ayokong tanggapin pero nakakahiya kung maglalakad akong ganito. Hindi man bukal sa loob ko pero wala na akong magagawa.
"Okay then, if you insist." He took the shirt on his bag and handed it to me. Tiningnan ko ito at ng laki naman nito! Parang hindi ito kaysa sakin. Pero bahala na, kaysa naman makikita ako ng mga tao na ganito.
"Madali ka lang naman palang kausap eh." Sabi niya sabay kuha sa dutch mill na nasa bag niya at nilantakan agad ito. What the heck, he drinks dutch mill? Sa mukhang yan? "I'm not sure if this fits you but I guess you don't have a choice but to wear it, right?" Talaga lang! "Unless, you want other people to see that?"
Syempre hindi no! Sino bang tanga ang gagawa niyan?
Ofcourse. Wala akong magagawa kundi suotin ito. Hindi ko siya sinagot at aalis na sana ng bigla na naman siyang nagsalita.
"I deserved a thank you atleast, don't you think?" Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.
"Thank you." I said casually.
Hindi siya kumbinsido sa narinig at napakamot sa kaniyang ulo. "It sounds so insincere, come on. Do it genuinely."
Aba, t-shirt lang naman to ah. Kung hindi ko sana gagamitin to, isasaksak ko to sa baga niya. Nakakainis na ah! Nanonose-bleed pa ako sa kakaenglish niya.
Pero tama naman siya, when someone helps you, you should thanked that person genuinely.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga mata niya. "Thank you." Sabay ngiti ko ng matipid.
He gave me a thumbs up and nodded like he approved it. "What's your name, dear one?"
Ano? D-dear one? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako tinawag ng ganiyan. Rich kid ang atake ng accent niya.
Bakit ba andaming gustong malaman ang pangalan ko? Ganoon na lang ba sila ka curious?
Wala na mang bago sakin kaya sinabi ko na. "Atherine."
"Hmm, what a unique name." Gusto ko ng umalis. Masyadong awkward.
"Aren't you curious what's my name?" Tanong niya sakin.
I am. I am indeed curious. Pero syempre, hindi ko masyadong ipinahalata.
"Maybe?" I acted as if I don't care.
He licked his lower lip. "Really? Then maybe, next time, you'll want to know and I'll tell you." Tumayo siya sa kinauupuan niya at pinagpagan ang sarili.
"See you when I see you." Sabi niya sabay talikod sakin at naglakad papaalis.
Gago. Ako pa talaga inunahang umalis eh. Sa bagay, medyo awkward din kung hahaba pa ang aming pag-uusap.
I just shrugged and went to our classroom. Hindi pa ako nakakakain dahil sa nangyari kanina pero busog pa naman ako. Mamaya nalang pagka-uwi ko dahil ayokong magsayang ng pagkain.
Pumasok na ako sa classroom namin at agad napasalampak sa upuan. Parang binugbog ang katawan ko sa sobrang pagod.
Tumitingin-tingin lang ako sa classroom namin nang mahagilap ko ang tingin ni Leanne, ang class president namin.
She mouthed something but I can't point that out. "Bakit ganiyan damit mo?"
"Ha? Hindi ko maintindihan." Sigaw ko kaya't walang pag-alinlangang pumunta siya kung saan ako nakaupo.
"Bakit ganiyan suot mo?" Bungad ni Leanne pagkatapos tumabi sakin habang tinuturo ang suot ko.
Gusto ko sanang sabihin dahil kay Aubrey pero mas pinili kong sarilihin na lang. Ayoko rin kasi sa gulo.
"Maghuhugas sana ako ng kamay kaso saktong pagkabukas ko ng gripo sa CR ay nasira kaya nabasa ako." I think it'll make a good excuse, right?
"Really? Nag CR ako kanina and maayos naman siya. Maybe they fixed it already." Tumango ako sa sinabi niya. "Are you okay?"
"Yeah." Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Don't worry, I'll tell Chevy what happened. Hindi ka niya e-mamark as absent for not wearing a uniform."
Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat ah." Napangiti rin siya pabalik. "No worries."
Leanne is really kind, and that's what I admired about her the most. She's so friendly to everyone. Hindi na ako magtataka na marami siyang mababait din na tao sa paligid niya.
Tinapik niya ang balikat ko at bumalik na sa upuan niya. Atleast, napangiti ako ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at titignan na sana ang mga sinend ng mga teachers namin na notes ng biglang may nag pop-up sa ibabaw ng screen ko.
"Atherine, it’s your running competition today, where are you?"
Oh, shit! I forgot.
YOU ARE READING
If Only You Stayed
RomanceMarami tayong pinagdaanan, pero mas pinili nating hayaan. Hanggang kailan ba tayo magkakaintindihan? Kung pati sarili natin hindi maintindihan. If only you stayed, we could have been the happiest person in the world. If only you stayed, we could hav...
