Chapter 6

25 7 3
                                        

Bakit may mga taong dumarating sa buhay natin na pinapahalagahan natin ng buong puso, pero parang hindi nila nakikita ang halaga natin? Kahit anong kabutihan ang gawin natin, iba naman ang ibinabalik nila. Tadhana kaya ito, o katotohanan lang na hindi lahat ng inaalagaan natin ay magpapanatili ng pagpapahalaga sa atin?

"Salamat." Tiningnan ko siya at nginitian. Ngiting totoo.

Hindi ko din siya lubos na kilala pero nagpapasalamat ako ngayon dahil sa presensya niya.

"Mas gumaganda ka lalo kapag ngumingiti ka, kaya smile ka palagi, ganda." Hirit niya.

Napangiti ako pero hindi ko rin napigilang mapa "tsk." Hindi naman sa pagmamayabang pero tama naman siya. Maganda naman talaga ako kahit hindi nakangiti.

Ang ngiti ko? Bonus na lang 'yon.

His smile reached his eyes.
"Mukha ka kasing masungit pag hindi ka nakangiti. Parang mysterious person ang dating mo!" Sabi niya, halos pasigaw pero may halong aliw.

Gusto kong matawa, kaso alam kong 'pag natawa ako, panigurado aasarin niya ako nang walang katapusan. And knowing him, hindi niya 'to makakalimutan. Parang nakatatak na agad sa utak niya.

Ang mas nakakainis?

Nasa library kami. Tahimik ang paligid, nag-aaral ang mga kapwa ko estudyante,  abala naman sa pagbabantay ang librarian, at may mga guro namang nag titipa sa kanilang mga kompyuter at laptop, pero 'yung hirit niya?

Ang lakas mang-istorbo ng puso.

"Ewan ko sayo!" Sabi ko habang may maliit na ngiti sa labi.

Nagpatuloy na kami sa pag rereview namin hanggang sa nag lunch-break na. I wanted to skip lunch but he insisted that I should eat. Kung puwede daw sabay kami, para raw may kasama ako.

Tumanggi ako. Hindi dahil ayokong makasama siya. Sa totoo lang, masarap siguro 'yung feeling na may kasabay kumain, may kausap, may kasama. Pero hindi iyon dahilan para hayaan ko siyang gawin ang isang bagay na hindi naman niya responsibilidad. Hindi niya kailangang isantabi ang oras niya para sa akin.

Sanay akong kumain mag-isa. Sanay akong mag-isa, sa totoo lang. At ayokong may ibang tao ang mapipilitan lang dahil ayokong magmukhang malungkot.

"I appreciate the offer pero wag na." Sabi ko, pilit na hinahaluan ng ngiti ang boses para hindi niya maramdaman na may bigat ang pagtanggi ko.

Hindi ko alam kung napansin niya ang bahagyang pag-aalinlangan sa tono ko. Pero kitang-kita naman sa mukha niya na hindi niya gusto ang pagtanggi ko. Naiintindahan ko naman siya kung ganito ang nararamdaman niya, kase ako mismo sa sarili ko ay kaawa-awa.

Ayoko rin siyang abalahin. Baka may kasama siyang kumain o may gagawin pa siya tapos mapipilitin niya akong samahan dahil lang wala akong kasama.

Sabi niya pa, kahit utak na lang walang laman, wag lang tiyan.

May point din naman siya.

Inayos na namin ang aming mga reviewers, pens, highlighters, at lahat ng ginamit namin. Ang kalat pala namin mag review! Para kaming isang detective na naghahanap ng clue sa isang kaso dahil sa karamihan ng mga papel. Nagkalat-kalat pa 'yun tapos may mga nahulog pa sa ilalim ng mesa.

Yumuko ako at kukunin na sana yung mga nahulog na papel pero pinigilan niya ako.

"Ako na." Saad niya. "Ligpitin mo nalang ang mga gamit mo para makalabas na tayo."

Well...If you say so.

"Are you sure you don't want to eat together?" Paninigurado niya ulit kahit halata namang gusto niya talaga akong samahan.

Lumingon ako sa kaniya at tumango.

"May kasama akong kumain, yung mga kaklase ko."

Masamang magsinungaling pero minsan, kailangan. Wala akong kaibigan sa classroom namin, except kay Alexandra at Aubrey. Hindi ko rin naman gustong makipag interact sa iba, nahihiya ako at ayoko ng masyadong maraming kilala. Ang hirap rin kasi magtiwala sa isang tao tapos sasaktan at pagtataksilan ka lang pala sa huli.

Gaya ng naranasan ko, pero sana hindi ito mangyari sa iba, kahit alam kong marami ring nakaranas nito.

Mag-isa lang akong kumakain sa isang sulok sa likod ng building. Walang kasama pero hindi ko nararamdaman na mag-isa ako.

"Hmm," He's not convinced but he just shrugged. "Tara na, dapat magkalaman na mga tiyan natin." Pinauna niya akong lumabas sa library at sumunod naman siya sa likod ko.

Pagkalabas namin, napaidtad ako sa biglaang pagsigaw ng kung sino.

"Huy, Raven! Tama na landi, kain muna tayo!" Sabi ng isang lalaki pagkalabas namin. Hindi ko masyadong kita pero halata ang kayumanggi niyang balat at parang mas matangkad pa kaysa kay Raven.

"Pag inggit, pikit. " Sigaw ni Raven pabalik habang natatawa.

Ngayon ko lang din napansin na may kasama ding dalawang lalaki 'yung lalaking sumigaw kanina. Nasa tapat kasi sila ng classroom nila, medyo malayo nga sa library pero kitang-kita mo naman, hindi nga lang klaro. Nagtatawanan sila habang nakatingin samin. Parang inaasar nila si Raven o baka naman kaming dalawa dahil nakita nilang magkasama kami! Tinubuan ako nang hiya at aalis na sana ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"See you later." Tinikom niya ang bibig niya at dumila.

Napatunganga ako sa sinabi niya.

Huh? Anong pinagsasabi niyang see you later?

"Sa...library ulit?" Dagdag niya pa.

Sa library? Buong araw na akong nasa library, pagod na braincells ko! Parang uuwi ako agad dahil alam mo na, si Mama. Wala rin naman akong gagawin, except sa pag-rereview syempre.

"S-sige." Tanging naisagot ko kahit walang kasiguraduhan dahil gusto ko ng bumaba sa kahihiyan.

Binitawan niya na ang palapulsuhan ko at kumaway. Tiningnan ko siyang naglalakad patungo sa mga kaibigan niya at agad siyang inakbayan.

"Gago, amp. Hindi ako makahinga, tanga!" Rinig kong sigaw niya habang pababa ako.

Napabuntong-hininga nalang ako at pumunta na kung saan ako palaging pumupwesto sa likod ng building. Tumambad sa akin ang sarap ng simoy ng hangin, tahimik at parang saglit kong nakalimutan ang lahat ng problema.

Sumasabay ang mga puno sa himig ng aking damdamin. Napangiti ako sa tanawing nakikita ko.

"Oh, there you are. Diba sabi ko hindi pa tayo tapos?"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Aubrey, hindi niya 'yata kasama ang lintang kaibigan niya? Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga ang tingin niya kay Alexandra o alipin. Pero bahala na sila sa buhay nila, I don't care about them anymore. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, may hawak na plato ng pagkain at tiningnan akong may halong pang-aasar sa mga mata niya.

"At ano 'yan? Dito ka pala kumakain kapag hindi ka namin sinasama? Oh my gosh, kawawa ka naman!" Sabi niya sabay tawa. "Parang sa kalye lang, dito kakain!"

Bago ko pa masagot, tinapunan niya ako ng pagkain na may lamang sabaw at kanin na sumabog sa dibdib ko.

"Ha! Yan ang lugar mo, 'di ba? Sa basura," Sabi niya sabay irap.

Nanahimik 'yung tao dito oh!

Tatayo na sana ako nang may malakas na yabag mula sa gilid namin.

"Excuse me."

Sabay kaming napalingon ni Aubrey sa nagsalita.

Maliit lang ang sinabi niya pero ang tinig niya, malamig, matatag, at walang bahid ng emosyon. Parang yelo na dumaan sa iyong gulugod.

Tumitig siya sa amin at namangha agad ako sa tindig niya. Matangkad siya, naka-dark jacket. Ang kanyang mga mata ay malamig, at halos kinikilabutan mo sa alab ng tingin niya.

Si Aubrey na karaniwang palaban, biglang napahinto sa kahihiyang ginawa. Nakatitig siya nang matagal, na parang kinakabisado ang pagmumukha nito.

"Can I sit here?" Tanong ng lalaki nang walang halong emosyon, sabay tingin sakin.

Hindi ko alam ang isasagot, pero nagtatanong ang isip ko.

Sino siya?

If Only You Stayed Where stories live. Discover now