Chapter 3

27 8 4
                                        

Lumipas ang mga araw at naging abala kami sa pag-rereview dahil papalapit na ang final exam sa 1st sem. Ang bilis ng araw no? Pero sariwa parin sakin ang usapan namin ni Raven.

Hindi ko maitatangging namangha ako dahil hindi naman kadalasan na may mga lalaki talagang nagbabasa. Hindi lang ako namangha dahil nagbabasa siya kundi pati na rin kung paano niya bigkasin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

May time pa kaya siyang magbasa ngayon?

Napakurap-kurap ako.

What the hell, at bakit ko na naman siya naiisip? Simula noong pag-uusap namin, hindi na siya natanggal sa utak ko. Pero wala namang malisya yon, right? I was just really impressed. Yes, yun lang talaga.

Napailing ako sa sarili. Lakas ng amats mo, Atherine. Ang dami mong pwedeng maisip pero yun lang talaga nag stay sa utak mo? Aba, ibang klase ka din eh no.

Tatlong araw na lang at final exam na namin. Hindi ko maiwasang kabahan pero na excite na din since makakapagpahinga na din kami after nito.

Balak ko sanang pumuntang library pero wag nalang, baka kasi nandoon siya.

At ano naman kung nandoon siya? Ano bang nangyayari sakin? May crush ba ako sa kaniya? Napangiwi ako sa naiisip.

Ew, no way. But maybe, I did find him.... attractive?

What do you mean crush ko siya? He's still a stranger to me and we just met recently. Pero diba kung crush mo yung tao walang pinipiling lugar yon? At tsaka, gaya ng iba kahit hindi nila kilala yung tao na-lolove at first sight sila?

Tsk, bahala na nga! Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Pupunta ako sa library. And that's final. Okay lang naman since dito lang sa classroom pero ang ingay. I can't focus.

I'm overreacting! Paki ko ba kung nandoon din siya?

Dala-dala ko ang mga reviewers ko papuntang libary. Parang hindi ako mapakali na ewan. I just shrugged and walk faster. Ayoko rin nag sasayang ng oras.

I was in the middle of the stairs when I suddenly bumped into someone. I almost lost my balance, but I felt a hand on my waist pulling me closer - keeping me from falling.

I flinched a little about the hand on my waist. Pero kung hindi ginawa ng kung sino man yon, talagang mahuhulog ako!

I was about to thanked that person but when I looked up, It was the guy who's bothering in my mind.

"Okay ka lang ba?" He asked worriedly.

Hindi agad ako nakasagot kaya kinuha niya ang mga reviewers ko na nahulog at binigay sakin.

My lips parted. "Y-yes. Thank you."

"Sa susunod, mag iingat ka at baka mahulog ka. Pero okay din naman mahulog ka, basta sakin." He bit his lower lip to stop himself from smiling.

"I'm sorry, what?" Hindi ko narinig ng buo ang sinabi niya dahil nakatunganga ako.

"I said, mag-iingat ka." Sabi niya ulit habang may mapaglarong ngiti.

I nodded. "Hmm, salamat ulit."

Akmang lalagpasan ko na siya ng hinarangan niya ako.

"Kung talagang nagpapasalamat ka sakin, sabay na tayong pumuntang library." He said, smiling.

Napangiwi ako. "At paano mo naman nasabing sa library ako pupunta?"

"Obvious naman siguro. At tsaka, nagkita din tayo sa libary diba?"

"Yup, but hindi ka ba busy? Malapit na final exam natin."

Umiling siya. "Kaya nga pupunta tayong library para mag review?"

"Uh, okay." I awkwardly said.

Sobrang awkward naman. Pero hindi niya naman pinaramdam sakin yon. The way he approached me is like parang feel niyang matagal na kaming close. But, I think he's that type of a person talaga.

Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga reviewers at sumunod na sa kaniya. Isang hagdanan nalang at classroom na ng mga STEM at sa gilid naman ay libary.

Napahinto ako ng makarating na kami. Napansin kong wala naman siyang hawak na reviewers ah? So paano siya mag rereview? Ginagago lang ata ako nito.

Napalingon siya sa likod ng makitang hindi ako sumunod sa kaniya papasok.

Kumunot ang noo niya at pumunta sakin. "Bakit?" Tanong niya agad.

"What are you doing?" I asked him seriously.

"Huh? What do you mean?" He seems so confused.

"Talaga bang mag rereview ka?"

"Oo naman, malapit na final exam diba?"

Tumaas ang isang kilay ko. "Talaga? Eh bakit wala kang reviewers na dala?"

"Nasa classroom, kukunin ko pa sana kaso gusto ko munang makapasok ka."

"Bakit naman? Pwede namang sabay tayo."

He laughed. "Yun naman pala, gusto mo rin pa lang makasabay ako. Sabihin mo kasi sakin para sabay tayong kiligin."

Ano na naman bang mga pinagsasabi niya? Sinamaan ko siya ng tingin kaya dali-dali siyang nag peace sign at tumawa.

"Joke lang, halata na sigurong gusto mo na 'kong suntukin." Tumawa siya. Pumasok ka muna kasi ang init. Susunod ako."

Napairap ako at pumasok na sa libary. Rinig ko pa rin ang tawa niya pero ganyan naman talaga siguro siya. Kailangan ko ng masanay.

Pucha naman. Anong kailangan kong masanay? Bakit? Magkasama ba kami palagi? Parang tanga naman mag isip.

Binuklat ko na lahat ng reviewers ko at nagsimula ng magbasa. Mabuti sana kung gaya to ng mga librong mga binabasa ko kaso hindi talaga eh.

Umupo na siya sa tabi ko at nag simula na ring magbasa. Bakit dito pa siya umupo sa tabi ko? May upuan naman sa harap ah? Ang awkward tuloy.

Ako lang ata nag-iisip ng ganito eh. Bahala na nga. I need to focus.

If Only You Stayed Where stories live. Discover now