Chapter 5

29 7 3
                                        

Hindi na ako nagdalawang-isip na sumunod sa kanila. We we're known as 3A's because of the first letter of our names. Inaamin kong medyo sikat naman talaga sila Aubrey at Alexandra. Magaling din silang makapaghubilo sa mga tao, friendly kumbaga. Pero ewan ko ba kung bakit sila nag-iba. May mali ba sakin? May nagawa ba ako sa kanila? Puwede naman nilang sabihin sakin na ayaw na nila akong maging kaibigan, rerespetuhin ko pa yun. Kaysa naman sa ganito, they only need me when it's convenient for them.

Pumunta sila sa stock room at hinigit ako roon. Winaksi ko ang kamay ni Alexandra na nakahawak sa kamay ko. Ni-lock nila yung pinto pagkapasok namin. Ano na naman to?

Hinarap nila akong dalawa. "Anong attitude yon, Atherine?"

My fist clenched. "My normal attitude." Sagot ko na ikinainis nila lalo.

"Aba, nasa loob pala ang kulo mo? Tama nga sigurong hindi ka namin sinasama kasi nakakahiya ka. Hindi mo ba alam sa sarili mo na nakakahiya kang kasama?" Dinuro-duro ako ni Aubrey.

Pinigilan ko ang sarili pero sumusobra na sila. I caught her hand and pushed her. Natumba siya at agad naman siyang dinaluhan ni Alexandra.

Pinagpag ko ang uniform kong nadumihan. Ganiyan ba talaga pag may duming dumidikit sayo? Nadudumihan ka din?

Napasinghap ako bago nagsalita. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung nakakahiya ako, pano pa kaya kayo? Mas nakakahiya nga 'yung ginagawa niyo sakin." Hindi ko na hahayaan ang sarili kong walang sinasabi.

Alexandra's jaw dropped. Nakaupo na si Aubrey ngayon at ang sama ng tingin sakin. It's not my fault anyway, and I think she deserves it too.

"Alam kong hindi niyo 'ko sinasama dahil may mga mata ako. Anong akala niyo sakin, walang nararamdaman o bobo? Kasi kung trinato niyo 'kong kaibigan, syempre alam niyo dapat mararamdaman ko. Pero hindi, and that's what I hate about myself, for letting you take advantage of my kindness." Dagdag ko pa.

Huminga ako ng malalim. It's my first time showing them my other side. Hindi nga nila nakitang galit ako or whatsoever. Sila ang mas nakakaalam nun dahil kung may hihilingin sila saking pabor, okay lang talaga sakin at tsaka walang problema. Wala akong reklamo kung hindi sinusunod gusto nila, kasi syempre kaibigan ko sila? But they never saw me as one and never treated me the way how I treated them.

Hindi ko naman inaasahan na aabot kami sa ganito pero sign na siguro yun para rin masabi ko lahat ng nararamdaman ko na inaako ko lang.

Walang kaso sakin yung hindi nila ako inaaya, okay lang. Tuwing recess na lalabas sila sa classrom na hindi ako sinasama, okay lang. Kung may partners sa groupings, silang dalawa ang palaging partner, okay lang din. Pero mahirap bang sabihin sakin yun? Naiisip kaya nila na nandito din ako? Trio kami diba?

But....

I never feel included. I never feel loved. I never feel that I mattered.

At 'yon ang mahirap. I treated them like my real sisters. Pero sa kanila, wala lang ako. Pero hindi na mahalaga 'yon, basta alam ko rin sa sarili ko na kailangang may mga taong kapag umalis sa buhay mo, mas gumagaan.

Pinagsingkitan ko sila ng tingin. Linagpasan ko na sila at hindi na ulit lumingon pabalik. "Hindi pa tayo tapos, Atherine!" Sigaw ni Aubrey pero wala na akong pakialam. Pagod na ako.

Pagkaalis ko, pakiramdam ko lumuwag ang dibdib ko. Parang may matagal nang masikip na tali sa loob ko na biglang naputol. Akala ko kapag nangyari 'yun, masasaktan ako. Pero hindi. Mas naramdaman kong... napagod ako.

Bumalik ako sa library at nakitang wala pa siya kaya umupo ako pabalik sa upuan ko. Ang tagal niya naman 'yata?  Kinuha ko ulit ang ballpen ko, nagkunwaring babalik sa pagbabasa, pero hindi ko na talaga kaya. Hindi dahil sa stress. Hindi dahil sa inis. Pero dahil sa pagod na pagod na rin akong magpanggap na okay lang ako.

Palaging kalmado. Palaging tahimik. Palaging available.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at ibinagsak ang ulo sa mesa. Mas may importante pa akong dapat aalahahin kaysa dun.

Napaangat ang tingin ko ng kinalabit ako ni Raven. Malaki ang ngiti niya nang ipakita sakin ang bitbit niyang dalawang bote at may kasamang fudgee bar.

Napasalampak siya agad sa upuan niya habang hinahabol ang hininga. "Hays, ang init! Ang taas pa ng pila, pero worth it naman dahil may discount daw basta pogi."

Napanguso ako sa sinabi niya.

Huh? May discount ba? Ang sungit nga ng tindera don!

"Joke lang, may sukli pala ako kahapon na nakalimutan ko."

Inabot niya ang inumin ko at ang fudgee bar. "Choco drink para sa hardcore na may sweet tooth."

Kinuha ko 'yun. "Salamat."

Hindi agad siya nagsalita. Tinititigan lang ako ng tahimik. Bakit? Naiilang tuloy ako.

"Okay ka lang?" Tanong niya ng mapansing pinagpawisan ako kahit may aircon naman.

Nabigla ako sa tanong niya. Ganoon ba ako kahalata?

"Hindi ko alam." Pag-amin ko. Wala akong lakas magsinungaling ngayon.

Tahimik ulit.

Tumayo siya at naglakad pabalik sa kabilang side ng mesa at umupo. Hindi siya nagtanong pa. Hindi niya ako pinilit magkwento. Binuksan lang niya 'yung tubig niya at tumungga, tapos kumuha ng scratch paper, parang walang tension sa paligid.

At sa totoo lang, 'yun 'yung kailangan ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa presensya niya, hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko.

"Wag mo itago lahat ng problema mo, may mga tao namang handang makinig sayo." Sabi niya, parang hindi mapigilan ang sariling magsalita.

Meron nga ba?

"Kung nagtatanong ka sa isip mo kung meron nga ba, oo, kasi nandito ako. Hindi pa gaano natin kilala ang isa't isa pero ewan ko ba, magaan ang loob ko sayo." Walang bakas na biro sa boses niya.

He sounds so sincere. Hindi ko din alam kung bakit pero nung marinig ko yun, parang guminhawa ang pakiramdam ko.

Para bang hindi lang tainga ko ang nakarinig, kundi pati rin yung mga bagay na hindi ko napapansin sa sarili ko.



If Only You Stayed Where stories live. Discover now