No One Raised Me, But You (Completed)
29 parts Complete Started:6/24/25
Ended: 7/1/25
> Wala akong gabay. Wala akong tinig na nagsabi kung tama ba 'yung ginagawa ko. Wala akong kamay na humila sa'kin palayo sa gulo.
Iniwan ako ng nanay ko para sa ibang lalaki. At ang tatay ko? Lagi siyang wala. Abala sa trabaho, sa kumpanya, sa kung saan. Hindi niya alam na unti-unti na akong nawawala.
Akala ko okay lang maging bastos, sumagot, maglayas, manakit. Akala ko normal lang maging ako-yung walang pakialam.
Pero dumating siya.
Tahimik. Palaging seryoso. Ayoko sa kanya nung una-masungit, preskong presidente ng school. Pero habang tumatagal, siya 'yung tanging tao na... pinagsabihan ako. Hinintay akong magbago. Tinuruan akong rumespeto. Hindi dahil kailangan-kundi dahil gusto niya akong matutong mahalin ang sarili ko.
No one raised me... but you did.
And now, I don't know how to live without you.