Tahimik kami sa loob ng library. Parang kami lang ang tao kahit maraming estudyanteng nag-aaral.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang aware ako sa bawat galaw niya. Yung paglalapag niya ng ballpen. Yung pagbuklat niya ng reviewer. Yung tahimik niyang buntong-hininga.
Wala naman akong pakialam sa mga ganun dati.
"Ano nga pa lang strand mo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"ABM," sagot ko agad.
"Is that really what you want?"
Napaka curious naman nitong taong to. "Oo na hindi."
"Bakit naman?" Napalingon siya sakin.
"Ayoko sa math pero wala akong choice kasi ayaw ko ring mag HUMSS." Napangiwi ako. "I mean hindi naman sa hindi ko gusto ang math pero mas okay na siguro yun kaysa palaging nagsasalita sa harap tas puro essay pa."
Napangisi siya ng marinig ang aking sagot. "Literal na si Ms. No Reaction ka nga talaga. Halata din naman sayong hindi ka ganoong palakiusap at palahubilo sa mga tao."
Siguro nga ganiyan ako. Hindi ko rin kasi alam kung paano magsimula ng conversation.
"Ang swerte mo naman yata na kinakausap kita?"
"Hindi ako naniniwalang kinakausap mo lang ako dahil funny ako, feeling ko mas malala pa yung naiisip ko." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sakin.
Ayos ah. Lumevel-up ang ka feelingero niya.
Nakipagtitigan ako pabalik. "Bakit? Ano bang naiisip mo?" Naghahamon kong sagot.
That question made his mouth shut. I raised my brows while looking at him.
"Wala, masyado kasi akong advance mag isip." He playfully licked his lower lip.
"Pero for sure, dadating din naman tayo sa puntong dun."
Tinignan niya ako nang diretso at ngumisi. "Kinikilig ka 'no?"
I made a face. "Ba't naman ako kikiligin sa ka corny-han mo? Tigil-tigilan mo 'ko at baka di kita matansya."
Siguro na adapt niya yung personality niya ngayon sa mga librong nababasa niya. Or maybe, since birth ganiyan na talaga siya?
"Corny ba 'yun para sayo? Sakin kasi, parang kinikiliti ako."
Tsk, parang bata. Napangiti na naman sa sariling salita. May saltik ata to eh.
"Ba't parang proud ka masyado sa sarili mo?" Tanong ko habang nakatingin sa reviewers ko.
"Eh kasi 'di ba, akala mo tanga ako?"
Buti alam mo. Pero syempre hindi ko sinabi sa kaniya yon.
"Wala akong sinabing ganoon."
Tanga naman talaga siya. Sa mga corny-ing salita nga niya lang.
"Pero na-feel ko. I can sense judgment." Napailing siya sakin.
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Puwede ba? Can you let me review in peace?"
"Okay, then." Sabi niya sabay kindat sakin.
Tumawa siya ng makita ang reaksyon ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Ang dugyot!
Sumasakit na ang utak ko kakabasa. Napatingin ako sa kaniya at nakitang seryosong-seryoso siya. His eyes really caught my attention. Hindi lang dahil kulay abo ito kundi nagliliwanag din at kumikinang. Habang tinititigan ko siya, napansin ko ang hulma ng kaniyang ilong. Ang ganda pala kapag side view tapos ang tulis. Sinuwerte yata siya ilong. Napatingin naman ako sa mata niya. Shux, ang taas ng pilikmata at maganda tingnan. Maayos din ang buhok niya, bagay sa mukha niya yung style. At ang panghuli ang labi niya, may pagka pink ito na parang linagyan ng lip balm pero hindi naman dahil hindi naman shiny. Ganiyan na yata yan. Ang ganda din ng pagka kurba nito, parang nahuhulma ito na parang heart shape pero sa harap ay normal naman siya. Ganda pala ng features niya kung tititigan mo ng maigi.
Napansin niya sigurong nakatingin ako kaya dali-dali akong umiwas ng tingin. Muntik na ako dun ah! Nagpanggap akong abala sa pagbabasa pero totoo din namang nagbabasa ako.
I sighed in relief nung bumalik ang tingin niya sa mga binabasa. Nag focus na lang ako at ipinasok lahat ng binabasa sa kokote ko.
Pagkatapos ng isang oras, nagpasya kaming mag-break muna.
"Bibili lang ako ng tubig," sabi niya habang tumayo. "Gusto mo rin?"
"Gusto ko ng choco drink kung meron." Hindi na ako nagdadalawang isip na sabihin kung anong gusto ko. Nakakapagod din kaya bumaba.
"Choco drink? Akala ko pa naman hardcore ka."
"I am. Hardcore na may sweet tooth."
Tumango siya. "Noted."
Hindi ko na alam kung ilang irap na ba ang nagawa ko dahil sa kaniya. Natatawa pa siya tuwing iniinis ako!
Habang papalayo siya, napatitig ako sa table namin. Puno ng reviewer, scratch paper, ballpen, at yung hawak-hawak kong highlighter.
Kakaiba.
Kakaiba ‘to sa normal kong routine. Hindi ko naman kailangan ng kasama sa pagre-review. Pero ngayon... parang okay lang. Mas magaan. Mas nakakagana.
"Atherine!" Mahinang sigaw ng kung sino.
Napalingon ako at nakita si Alexandra at Aubrey. Hindi ko alam kung matatawag ko ba silang kaibigan kung sila lang ang palaging magkakasama.
"Bakit?" Walang emosyon kong sagot.
Naglakad sila palapit sa puwesto ko at umupo kung nasaan nakaupo si Raven. Shit! Baka bumalik na yon. Si Aubrey naman ay nasa harap.
"Turuan mo naman kami sa Gen Math please?" May pa awa effect pang nalalaman.
Nakakatawa. Lalapitan lang nila ako kung may kailangan sila. I don't know but whenever I'm with them, I feel like I didn't matter.
Napalingon ako sa entrance. Buti nalang hindi pa siya bumabalik.
I faked a smile...Again. "Mamaya nalang siguro, nag rereview rin ako eh."
"Ano ba yan, Atherine? Kahit saglit lang hindi mo pa kami mapaglaanan ng oras? Kaibigan ka ba talaga namin?" Sabi ni Aubrey na ang sama ng tingin sakin.
My mouth dropped open. Pucha, ako pa talaga sinabihan na "kaibigan?"
"Oo nga! Palagi nga namin sinusunod gusto mo tapos samin hindi mo man lang magawa?" Sabi naman ni Alexandra.
Nilingon ko silang dalawa. "Kailan niyo pa akong tinuring na kaibigan? Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nakipag friendship-over before, eh tinatrato niyo akong parang bula. Hindi ko din alam kung bakit nakipag-kaibigan ako sa kagaya niyo." Hindi ko na mapigilan ang sarili.
"Anong sinabi mo?" Napatayo si Aubrey at nahulog ang inuupuan niya.
Ang galing, nasa library pa naman kami.
"Anong nangyayari diyan?" Tanong ng librarian, mukhang naiinis sa nakikita.
Napalingon na rin samin ang mga estudyante sa loob. Nakakahiya naman, baka na distract namin yung pag-aaral nila.
"Pasensya na po." Paghingi ko ng paumanhin.
Ang sasama ng tingin nila sakin. Kung nakakamatay na siguro ang tingin, siguro nakaburol na 'ko ngayon.
"Mag-uusap tayo sa labas." Bulong sakin ni Alexandra.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman 'yata ikakamatay kung mawala sila sa buhay ko. Ni minsan nga, wala silang narinig na reklamo sakin kahit neleleft-out ako palagi.
May e-susuwerte pa ba tong buhay ko?
YOU ARE READING
If Only You Stayed
RomanceMarami tayong pinagdaanan, pero mas pinili nating hayaan. Hanggang kailan ba tayo magkakaintindihan? Kung pati sarili natin hindi maintindihan. If only you stayed, we could have been the happiest person in the world. If only you stayed, we could hav...
