CHAPTER 4: I Started Looking Away

3 0 0
                                        

I am now officially a college student, pursuing a Bachelor of Science in Nursing — a new chapter filled with challenges, growth, and purpose.

Tuwing Miyerkules, lumalabas siya sa hallway ng school namin.

May dala siyang Arnis gear, nakasuot ng jersey. Parang wala lang. Parang hindi niya ako kilala. Pero ramdam ko—hinahanap niya ako sa dami ng estudyanteng dumadaan.

Ako? nakikipag usap lang sa kaibigan, nagpapanggap na kami lang sa daanan.

Hindi ako tumitingin. Hindi ako nagtatagal sa corridor. Minsan, nagpapanggap pa akong may kausap sa phone. Minsan, sinusubukan kong hindi maglakad sa usual kong daan.

Pero sa totoo lang...

Nakikita ko siya.

Bawat hakbang niya. Bawat sulyap. Bawat pagkakataon na parang gusto niyang lumapit, pero hindi niya magawa.

At ako naman, umaasa pa rin—na sana, huwag niya na akong lapitan.
Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pa 'yung biglang pagbalik ng damdamin.
Bawat araw na nandun siya, pakiramdam ko para akong hinahabol ng alaala na ayokong harapin.
Kasi paano kung lumapit siya, at sinabi niyang nagsisisi siya?

Paano kung sabihin niyang pinili lang niya 'yon kasi akala niya hindi ko siya gusto?

Paano kung... sabihin niyang ako pa rin?

Pero paano kung hindi rin pala?

Mas mabuti na 'yung kunwaring hindi ko siya nakikita.
Mas mabuti na 'yung hindi na kami nagkakausap.
Kasi baka kapag narinig ko ulit ang boses niya, bumalik lahat.
In my whole life, he was the first man I ever loved — and it really hurts.
At 'yung puso ko—na ilang taon ko nang sinanay magmahal ng sarili lang—baka bumigay ulit.

So every Wednesday, I did what I had to do.

I walked faster. I looked away. I held my breath.and talking my friend's

At tuwing tumitingin siya...
...Ako 'yung unang umiwas.

"If Only He Waited"Where stories live. Discover now