"Mr. Donofrio and...Miss Cajucom." Tumayo ang babae at naglahad ng kamay sa akin matapos kamayan si Ram.

Tumingin ako saglit sa kanya at nagtataka na bakit ba lahat ng tao ay alam ang pangalan ko. Hindi ko naman iyon pinagbibigay-alam sa mga kung sino. Dahan-dahan kong pinatong ang kamay sa nakalahad na palad ni Atty. Autea dahil sa hiya.

"Shall we?" Ngumiti itong propresyunal.

Naupo na rin kami. Kamuntik ko pang mabasag 'yung vase na dekorasyon ngunit mabilis kong nadampot ito. Humingi akong paumanhin habang nakayuko. 

Dumating na rin ang waiter at kaniyang menu. Sa isang saglit ay nakita ko ang sarili sa kanya kaya naman ngumiti ako rito. Kahit na ayaw kong um-order dahil sa kawalan ng pera ay napasubo na rin.

"Miss Cajucom, I either need or want honesty. Simpleng kaso lang naman ito." Tumingin si Atty. Autea kay Ram at ngumisi. Para bang may nakakatuwa sa sitwasyon na ito. "Anyway..."

Kinausap lang naman niya ako tungkol sa nangyari. Wala akong iniwang kahit anong bahagi. Pinasulat niya sa akin ang nangyari. Um-oo ako bilang pagsukli sa ginawa ni Ram na alam kong hindi mahihigitan.

Sumulyap ako sa kanya habang nagsusulat. Hawak ni Ram ang kanyang cellphone ngunit saktong nag-angat din ng tingin sa akin.

Tumaas ang kaniyang dalawang kilay sa akin. Binabalik niya ang sulyap sa cellphone ngunit binabalik din sa akin kamakailan.

"Hmm?" Binalingan niyang muli ang mga titig ko.

Kinagat ko ang labi at mabilis na umiling.

Mabilis ang nangyaring paglalahad ng aking statement. Natagpuan ko na ulit ang sarili na nakasakay sa kotse ni Ram. Muli, sinalakay nanaman kami ng ugong ng katahimikan. Nang hindi ko natiis ay marahan ang naging pagtikhim ko.

Naningkit ang mga mata ko sa bintana. Humugot ako ng sasabihin. "Babayaran na lang kita sa in-order ko saka sa pamasahe dahil ihahatid mo nanaman ako."

"Its nothing, Cristina. Don't worry about it..." iling ito habang nakatingin sa daan.

Tila ba natulala ako sa pagrolyo ng aking pangalan sa kanyang dila. Pinilig ko ang ulo.

"Kahit na, Sir." Pinagdiinan ko ang kanyang titulo. "Marami ka nang ginawa para sa'kin. Kahit ito lang sana ay masuklian ko." Pinisil-pisil ko ang kinukuryenteng palad.

"I feel so insulted right now..." 

"Sir...?"

Napanguso si Sir Ram habang nagda-drive. Kumislap ang kaniyang mga mata sa hindi ko alam na dahilan. Nanumbalik kaagad ang pagiging kalmado sa mukha nito.

Napaawang ang aking mga labi. Paano ito nainsulto? 

"Chrissy na lang po...at wala naman akong balak mang-insulto," marahan kong sabi atsaka bumunot ng isang limang daan mula sa bag.

Naalala ko ang isang libong tip niya sa akin. Miski iyon ay gusto kong isoli sa kanya.

"Trust me, maliit na halaga lang iyon. Its fine. You should keep that to yourself." Umiling siya sa nilalahad kong gintong pahabang papel na para bang isa itong disapointment na isinabagay.

"Bayad ko po sa kinain ko at...sa pamasahe..." Tumagilid na ang labi ko roon sa disgusto.

Kahit na nagda-drive ay sumulyap si Ram sa nakalahad na limang daan. Pumitik ang tingin niya sa mukha ko at ngumisi. Binalik niya ang tingin sa kalsada.

"No. You're insulting me, girl." Nakikita ko ang pinaghalos inis at komikal na ekspresyon sa kanyang mukha. Tila ba may pumipigil sa pagtaas ng isang gilid ng kanyang labi.

Tumaas ang kilay ko. Umiling ako sa kanya at tinuloy ang pakay. Inipit ko sa compartment ang five hundred peso bill. Lumapat ang tingin niya sa akin ngunit hindi na nagsalita pa.

Binalik ko ang tingin sa ginagawa nang may nakita ako roong parisukat na black at gold! Hindi ko ito dapat makita kaya naman sinarado ko kaagad!

"Oh my god." Napatakip akong bibig at napaungol na lamang.

Matipuno si Ram. Unang tingin pa lamang ay...playboy na. Hindi kabigla-bigla kung iilan na bang babae ang sumailalim sa kanya. Lalong pumula ang pisngi ko sa naisip. Cristina naman!

Nakita ko ang bahagyang gulat sa kaniyang mga mata ngunit tamad lamang nito akong sinulyapan. Wala itong bayolenteng reaksyon sa aking pagkakagulat.

"I don't have to explain anything. Dahil hindi akin iyan..." marahan nitong sabi.

"Hindi naman po ako nagtatanong. Wala na akong sasabihin kung sa inyo man iyan," namula pa lalo ang aking pisngi.

"This isn't  my car. Hiniram ko lang ito sa kapatid ko," paliwanag pa niya.

"Pareho lang po kayo ng dugo, Sir," mabilis kong sabi. 

Tinakpan ko kaagad ang bibig. Cristina!

Tinaasan niya ako ng kilay at unti-unting ngumisi ng pagalit. Tumaas ang aking balahibo. Hindi na siya nagsalita kaya naman ayoko nang umapila pa sa katahimikang nanaig. Hiyang-hiya ako sa nasabi.

Pinako ko na lamang ang tingin ko sa mga sumasayaw na buildings na nadaraanan namin. Tanging ang paghinga lamang namin ang nadidinig ko at ang hiyang nag-iikot sa aking sistema.

Nang manataw ko ang university ay umayos na akong upo. Huminto iyon sa ikalawang gate. Malayo pa sa building para sa susunod kong subject pero hindi ko na sinabi pa.

"I'll see you again tomorrow, Cristina. It will be your last statement, and it will also be our last meeting." Humilig si Sir Ram sa driver's seat. Nanunuri ang kanyang mga mata sa akin.

Last meeting? Ibig sabihin ay susunduin niya akong muli kinabukasan?

Tumango ako at nagpasalamat sa maliit na boses. Nagsusuot ako ng bag at ayoko ng may nakatingin sa akin pero nakikinig naman ako sa kaniyang mga reminders.

"Anong oras 'yon, Sir?" Kinawit ko ang buhok sa tenga. Nasusulyapan ko na ang mga tingin ng mga estudyante sa labas ng gate na nakatingin sa kotse.

Tumingin si Ram sa kaniyang gintong relo. "I don't know yet. When are you free? Hindi ba makakaabala sa klase mo?" 

Lumunok ako at nag-isip. "H-Hindi naman kapag vacant. Uhm. 9:00 am? Pwede na iyon, Sir?"

"That's fine for me, then. Susunduin ulit kita bukas." Tumango ito. Tamad siyang humawak sa steering wheel.

Hindi na muli kami magkikita after tomorrow? Pero, ang bistro? Hindi na ba siya interesado roon? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit niya ako tinawag kaya narito kaming dalawa ngayon?

Hindi ko na 'yon tinanong. Nakakabighani man ang tingin ng kanyang mga mata ay alam kong sagabal ang pagsakay ko sa mamahaling kotse na ito at sa daloy ng kanyang mamahaling araw.

Tumango na lang ako at umiwas ng tingin. Hinila kong bahagya ang aking palda paibaba dahil tumaas ng ito kaunti. Nagkatinginan kami. Tumikhim ako at binuksan na ang pinto.

Dumungaw ako sa pinto para makapagpaalam. "Salamat po ulit, Sir. Ingat po sa pagda-drive."

Tumango ito ngunit mabilis na kinuha ang five hundred pesos na inipit ko sa compartment kanina. Nanlaki ang mga mata ko. "Alright. I'll be seeing you tomorrow but this one... Kuhanin mo na. I insist, Cristina. Please..."

"H-Hindi po, Sir! Bayad ko po 'yan. Hindi niyo po pwedeng isoli dahil naibigay ko na." Numipis ang labi ko.

"Pambili mo na lang ng mga kailangan sa eskwela. Take your money." Dumiin na ang kaniyang kunot-noo at pababa ang tingin mula sa mukha ko. Pumula ang pisngi ko sa kaniyang iritasyon.

Ngunit umiling pa rin ako. "Ayoko, Sir..."

"Fine. Close the door, then. Kikitain na lang kita bukas," mabilis niyang putol sa akin. Nagsalubong na ang mga kilay niya.

Tumango ako at mabilis na sinarado ang pinto. Pinagtitinginan ang kotse at pati na rin ako ng mga estudyanteng nagdaraanan. Napanguso na lamang ako sa nawawala nang kotse.

The PristineWhere stories live. Discover now