BLOOD 13: MOMENTS

Start from the beginning
                                    

“Anong ibig mong sabihin, Daniel?” –Ako.

“Wala.”

Matapos noon, pinaandar na ni Daniel ang kotse at tuluyan na kaming umalis. Mula noong moment na ‘yun, hindi na matanggal sa utak ko ‘yung mga bagay na nangyari sa kotse. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Kung totoo ang pinagsasabi ni Daniel, magiging kumplikado ang lahat. Mahal ko rin naman siya pero kasi… eh paano kung trip trip lang ‘yung pinagsasabi niya kanina? Ay!!! Ewan nga. Ayaw ko namang masabihan ng assuming at ayaw na ayaw ko ang magpe-pretend. Isa pa, ano na lang ang sasabihin ni Tito at Tita?

Ang gulo! Ang gulo-gulo!  Sa buong panahon namin sa kotse, hindi na kami muling nag-usap. Lalo tuloy akong kinabahan. Halos mangilid-ngilid na ang luha ko sa sobrang gulo ng utak ko.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at isinubsob ang mukha ko sa kama. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kaya’t pagmulat ng mata ko, ramdam na ramdam ko ang gutom na kumukuryente sa mga ugat ko. Tumingin ako sa orasan at, “Oh my gosh! It’s… it’s almost twelve o’clock in the midnight?!” Napatayo na lang ako bigla at lumabas sa kwarto ko.

“Wala pa akong assignments at plans para sa play. Nakakainis. Bakit ba kasi ako nakatulog at nakapagtataka namang hindi nila ako ginising?!” Bulong ko habang bumaba sa hagdan. Dumiretso kaagad ako sa refrigerator.

Sinilip-silip ko kung ano ang pwedeng kainin sa refrigerator kaso… “Bakit walang pagkain dito?! Hindi ba sila kumain? Baka naman naubos na? Hay. Mukhang hanggang bukas pa ako magtitiis ng gutom ha?” Kinuha ko na lang ang tubig at naisip ko na lang na magtimpla ng gatas pero laking gulat ko ng may isang nilalang ang biglang lumitaw sa harapan ko ng isinara ko ang pinto ng refrigerator.

“Ay anak ng tokwa!” Halos mabitawan ko ang hawak-hawak ko sa gulat, “B-Bakit gising ka pa, Daniel?”

“Gutom ka na rin?” Tanong ni Daniel.

“Ah… eh… oo. Bakit?” Sabi ko at inilapag ang tubig sa mesa. Unti-unti ko ring kinuha ang mga kailangan ko para makapagtimpla ng gatas, para kahit papaano may laman ang tyan ko.

“Hindi pa rin kasi ako kumakain.” Sabi niya.

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now