"We're at homes. Street...yes, officer...nakaparada lang...." Umatras ang kaniyang kasama dahil sa katawagan.

Humangin muli at nang sulyapan ko si Ram ay matigas ang lakad papunta sa akin. Humawak ito sa magkabila kong braso atsaka kinagat ang mapupulang labi. Nasa aking utak pa rin kung papaano ko nilingon ang bistro ngunit paparating na ang sasakyan. 

Patay na ba ako ngayon o tumurit sa kabilang kalsada?

"Jesus, you're cold!" Humugot ito ng malalim na hininga.

Tumakbo si Ram patungo sa parte ng sasakyang hindi wasak at bumalik nang may dalang jacket. Dinampi niya ito sa mga balikat ko.

Amoy na amoy ko ang bango nito. Mamahaling pabango. Iyong pabangong kapag naamoy mo ay nakakapaglagay kaagad ng imahe sa utak mong may kaya ang nagbigay. Lumunok ako sa kanyang panunuri.

"A-Andiyan lang 'yung apartment na tinutuluyan ko. Uuwi na ako..." Kinagat ko ang labi.

Para akong mas nanlalamig pa sa nangyari. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang maramdaman ang lambot ng bed sheet sa maliit kong kwarto. Gusto ko nang mayakap ang mga unan ko.

"I'm sorry. Kung hindi kita tinawag..." Umiling si Ram at suminghap. Mabilis pa rin ang kanyang paghinga na parang kahit kailan ay aarangkada. Binitiwan niya ang haplos sa braso ko na parang ako ang apoy.

Mabilis ko siyang inilingan kahit na gulat pa rin. "Hindi! Hindi mo kasalanan! Aksidente naman iyon!"

Kung hindi ko ito kinilala at nagtuloy lamang sa paglalakad ay maaaring hindi niya ako pinansin. Kung hindi ko napansin ang walang emosyong mukha nito, paggalaw ng kanyang mga matitipunong braso at ang sumisilip na liwanag ng streetlight sa kanyang buhok ay tulog na ako sana ngayon para sa klase mamaya. 

May klase pa ako! Napaungol ako.

"Ikaw ang sumagip sa akin." Umiling ako para na rin mawala ang gulat at tensyon. "Tumurit na siguro ako sa kabilang kalsada. Maraming...salamat!"

"Its okay..." Napako lamang sa akin ang kaniyang mga mata.

Pinilig ko ang ulo. Muntik na akong mamatay! Nagugulantang pa rin ako hanggang ngayon.

Tumango na lamang ako sa kanya. Nadidinig ko na ang wangwang ng mobil ng kapulisan.

"Aalis na ako. Abala pa 'ko dito....s-salamat ulit." Nanginginig ang labi kong ngumiti. Hindi ako makapaniwala.

Nakatingin lamang sa akin si Ram habang mumunti ang lakad ko dulot ang papabagal na takbo ng puso. Nilipat ko ang tingin sa kalsada habang humihigpit ang kapit sa jacket. Binalik ko ulit ang tingin kay Ram. Pabaling-baling ang titig niya sa akin hangga't pumikit itong mariin tapos ay nag-jogging patungo sa akin. Niyukom ko ang nanginginig na kamao.

"I'll walk you there."

Sa pagkalito ko ay lumakad akong hindi siya sinasagot. Nasa gilid ko na ito, sinasabayan ang akin. Estranghero nga pala ang isang ito. Hinayaan ko na lamang sa pagiging tensyunado ko sa nangyari.

Nang marating na ang apartment ay hinubad ko ang kanyang jacket saka nagpasalamat ulit.

"Maraming salamat talaga. I-Ito na 'yung jacket. Salamat ulit." Humugot akong hininga.

Tumango siya ngunit sumusulyap lamang sa jacket niyang inaabot ko sa ere. Nagtiim-bagang ito tapos ay kinuha na iyon. 

"You're welcome. I'm really sorry about what happened..."

Pumasok na akong apartment nang halos mabaliw-baliw na sa nangyari. Napapailing ako dahil hindi talaga madalas ang ganoong sitwasyon. 

Hindi ko aakalain na sa mga hindi namamalayang oras ay pu-pwedeng bawiin lahat ng pinagkaloob sa'yo sa iilang segundong umiikot. Estranghero man ang sumagip sa akin ay hindi talaga mapipigilan ang pasasalamat. 

The PristineWhere stories live. Discover now