[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?

498K 3.5K 570
                                    

GUYS!!! Dahil maraming pumapatay para maka FIRST Comment kung sino ang mag first comment sa kanya ko idededicate ang chapter! =)

Chapter 5B

Hope's POV

O_____O

Hinila ko si Miks sabay bulong..

'Teh, narinig mo yun?! Hihimatayin ako kaya sambutin mo ako please!'

Tapos piningot niya ako at sinabing..

"Kelan pa pinlano ang pagkahimatay?!"

Kaya nagroll eyes na lang ako sakanya. Yes. Roll Eyes! Lam niyo naman, vocabulary ko dumadami.

"So? Hope?" 

AY JUSKO. Teka. Totoo nga pala ito. O////O Weh? Inaaya ako ni Enzo sa lunch?! Kami lang? Date? Kanina apple ngayon lunch.

Yung matagal ko ng crush.. 

Crush din ako?! 

OMAYGHAD HIGAD!!! KALURKI NA PORKY!! Hindi ko na keri parang strawberry!! 

"Si--Sige." Mangangatal ngatal ko pang sinabi at baka bigla akong banatan ng 'Joke lang' eh di napahiya pa ako.

"Let's go."

Nagsmile ako tapos tumalikod at humarap sa section ko. Nagaja aja fighting with matching kilig at Can-You-Believe-This look.

Lahat sila nakanganga! Aha! Kala nila! May asim pa ako ano!

Di ako naligo kanina..

Pero di nga.

Di ako naligo kanina. >__< Lamig! 

Naglakad siya sumunod ako. Ayoko naman sumabay sakanya kasi naiilang ako. Hindi pa sa ganoong level ang relationship namin kasi kaninang umaga lang talaga naging solid kami. Haaay. Kaya ayoko naman madaliin. :"> 

Habang naglalakad andaming tumitingin sa akin. Yung iba gulat, yung iba inis. Kilala nila ako siyempre. :|

Ako yung lowest sa grades sa batch namin eh. For sure jinujudge nila ako kung bakit dinadate ko si Enzo.

Haaay. Wala sila magagawa. Maganda ako eh. Or talagang exotic lang gusto nito. 

So habang naglalakad kami papuntang cafeteria enjoy na enjoy ako. Andaming umiikot na storya sa utak ko. Lahat.. Pang PBB Teens! 

A walk to remember ang walk to cafeteria :"> 

Nasa kalagitnaan ako ng pagiimagine na sinusubuan ako ni Enzo ng biglang--

"Hope! You're here!"

SNAP SNAP. Hope to Earth. May nagsalita.

Pagtingin ko, maganda. Si Venice Buenaventura. So.. Siya ang naginvite sa akin dito?

"Buti nakarating ka! I really want to eat lunch with you! :> Super fun mo kasi kasama!"

So siya nga ang naginvite? Hindi to date? :(

"Are you okay, Hope?" sabi ni Venice. Nagsmile na lang ako nagsmile din siya. Maya maya dumating na si Bryle. 

"Oh Bryle bakit late ka? Si Mico?"

"Nagbabalik pa ng bola. Napagalitan ni coach eh." tapos  napatingin siya sa akin. "Oh nandito pala si Love eh."

(_ _") Hope ang pangalan ko! 

"Gutierrez! Ano na namang ginagawa mo?" tanong niya sabay yakap kay Enzo.

Habang tumatagal nakikilala ko din sila. Si Bryle yung pinakamadaldal sa lahat. Parang pinakakuya? Basta siya yung nagbibind sa Tres Gwapitos. 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon