Sa nabasa ay may kumulong tubig sa akin na binuhusan kaagad ng nagliliyab sa lamig na tubig. Pabaling-baling ang tingin ko sa screen at paulit-ulit na binabasa. Nararamdaman ko ang pagtigil-tigil ng mundo at muling pagbilis. Sa huli ay dinutdot ko rin ang keypad.

Ako:
Bakit daw? May problema ba?

Halos ngatngatin ko na ang mga kuko sa kaba. Natutuliro ako kapag nadidinig o nababalitaan ang mga taong maling bunga ay ako. Hindi ako binibisita ni Papa pero may sustento siya sa akin na bihira ko namang galawin. Hindi ako marunong manumbat pero iyon ang nanaisin kong gawin kapag nagkita na kaming muli. Kailan naman kaya mangyayari iyon?

Tumunog ang aking cellphone. Napatalon ako sa gulat at sa mapait na kaba.

Kuya Ish calling...

Pumikit akong madiin. Sinagot ko ang tawag.

"Chrissy..." 

Nagtiim-bagang ako. "Bakit daw, kuya?"

Nanlalamig ang dugo ko. Ano ang kailangan niya sa anak niya sa labas? Sobrang yaman ng Papa ko at ang mga ganoong klase ng tao ay hindi nagaaksaya ng laway man lang para sa mga taong katulad ko. 

"Cristina," buntong hininga nito. "May event si Papa sa Linggo next week. He asks if you wanna come..."

Ang mga kapatid ko na dapat ay galit sa akin ay siyang nagmamalasakit pa. Si Kuya Ish ay siya lahat ang halos sumasagot ng gastos pang matrikula ko. Nahihiya ako dahil may anak na siya. Wala siyang galit sa akin pero namamait ako dahil siya itong nagtatanong.

"He asked me to, Chrissy. Walang pumipilit. If you don't wanna come then its fine. I'll reason with him pero kung gusto mo ay miski ako ang sumundo sa'yo d'yan," aniya.

Nawawalan ako ng hangin sa dibdib. Ilang beses akong nanghingi dati pero wala akong natanggap. Masikip sa dibdib pero natanggap ko na hanggang sila na ang kusang nagpapadala ng pera. Tanggap ko. Tanggap na tanggap ko.

"Ano ba iyang event?" Tumingala ako at humugot ng hininga. 

"Its the opening of the orphanage at home for the aged na project nila. May charity event na rin sa loob, of course..." Bumuntong hininga si Kuya sa kabilang linya. "I don't really know, Cristina...but its his birthday the next day after that so..."

Naghanap ako ng sagot sa mga nagmo-mop kong kasamahan at sinabing pag-iisipan ko pa.

"Okay. You ring me when something happens..." matigas niyang paalam.

Binaba ko ang telepono. Natutulala ako sa aking mga kasamahang nagmo-mop. Umayos din naman ako ng upo saka hinanap si Mirna. Papunta na ito sa akin nang nakataas ang kilay.

"O, may nangyari ba? Ganyan mukha mo?" Tinaas-baba niya ako ng tingin.

Naningkit ang mga mata ko atsaka umiling na lamang.

Lumabas kami ni Mirna ng bistro. Gaya ng mga gabi ay sabay kaming umuuwi at kung hindi ay kahit sino sa amin ang nauuna. Ang bistro ay malapit lang sa apartment na inuupahan ko pati na rin ng kay Mirna na isang malaking advantage dahil isa pang gastusin iyong pamasahe.

"Gusto mo inom tayo?" Tumagilid ang ulo niya sa akin nang nasa tapat na kami ng kaniyang gate. "Ang lungkot mo, e! Hindi ka man lang magsalita."

"Hindi! Nag-iisip lang," paliwanag ko.

Naningkit ang kanyang mga mata sa akin. "May boyfriend ka? Nag-break kayo?"

Humalakhak ako nang madinig ang kanyang kuro-kuro. "Ako? Boyfriend? Mas marami pa akong iintindihin sa mga boyfriend, Mirna. Ikaw siguro, meron."

Hindi naman kasi ako mahilig sa mga lalaki o kaya ay dependent sa lalaki. Natuto na ako base sa pamilya. Hindi nga ba't dahil sa lalaki ay nagkandaleche-leche ang buhay ng ina ko kaya ako nabuo kaya mas naging leche pa ang buhay niya at buhay ko?

"Naghahanap sa Tinder ng ka-MOMOL!" Humalakhak si Mirna atsaka nagpaalam. 

Nanlalamig ang mga braso ko habang naglalakad sa malamig na simoy ng madaling araw. Tanaw ko ang mga nag-e-aero sa clubhouse, nag-jojoging at iilang mga taong nasa court na. 

"Miles! Dito!" Tinaas ng lalaking naka-jersey ang dalawang kamay para sa bola.

Hindi noon iyon pinasa ngunit tinakbo papuntang ring. Pumasok ang bola at nag-up here ang dalawang lalaki. Sumulyap ako sa dalawang sasakyang nakaparada saka binalik sa kanila. Nakilala ko silang nga customers ko kanina sa bistro.

Naalala ko ang aking pagkakadapa at napanguso. Sila nga iyon!

"Tanga mo naman!" Sumigaw ang lalaking kulot ang buhok.

Dito ba sila nakatira? Hindi ko nakikita ang mga mukha nila dito? Dayo? O, bagong upa? Hindi naman sila mukhang magrerenta sa lugar na ito...

Habang naglalakad ay natataw ko ang matikas na pigura. May kinukuha ito sa kanyang sasakyan at nang umahon ang mukha ay napitpit ko ang labi. Ibang klase ang ilumina ng streetlight sa clean cut na buhok nito pati ang mga aninong nagsasayaw sa kanyang matangkad na bulto. Parang gusto kong matawa dahil nakasalubong ko nanaman ito.

"Hello...yeah...Andito pa kami sa homes. Kita na lang tayo sa heights....well..." Matigas na mamalat-malat ang kanyang boses na ilang beses ko nang nadinig. Sumasayaw ang mga ilaw sa kanyang mga matang kulay itim ngunit kapag titingnan talaga ay isang madiin na shade ng blue. 

"Yeah...sure." Binaba niya ang cellphone saka napatitig sa aking dumadaan lamang.

Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay humihina ang aking tuhod dahil nang hihigop ito ng lakas kung tumingin.

Iba talaga ang hulma ng kanyang mga mata, aking napansin. Masungit. Strikto ang tingin. Ngunit kumikinang. Iyon ang hanap ng mga babae at ang mga iilan na nakatagpo panigurado ay umuwi ring luhaan dahil mata pa lamang ay mapanlinlang na ang kanya. Playboy.

Sumingkit ang kanyang mga mata sa akin bago tumaas ang arko ng kilay. 

"Hey..."

Napatalon ako sa kanyang boses. Ako ba 'yon? Nanliit ang mga mata ko nang mapagtantong ako nga.

"Sir? Bakit po?" Sumagot akong bilang waitress.

Nadulas ako kanina. Tinawanan niya ako. Naalala niya ako na waitress. Napigil ko ang hininga.

"Waitress ka sa bistro. Can you...set me up with the manager?" Humilig ito sa kanyang kotse at humalukipkip.

"Sir? May reklamo po ba kayo sa pag-serve namin? Hindi naman po-" Suminghap ako sa kanyang pag-iling.

"Nothing's wrong. I heard, sikat ang bistro niyo? I will set something up..." Ang bawat pagbikas ng ingles ay namumuro sa pagkapropesyunal. Tumango siya sa bistro sa likod ko.

Humugot akong hininga. Anong gusto niya sa bistro? Mukha siyang mayaman pero hindi mga mayayaman na tipo niya ang dadayo dito.

"I'm interested." Kinagat niya ang labi at nag-iwas ng tingin.

Nanatili ang tingin ko sa mga mata niyang sumusulyap saglit sa nagbaba-basketball na mga kasama. Namulsa siya gamit ang isang kamay at ang isa ay umakyat sa dibdib para tanggalin ang pang-unang butones ng polo.

Anong gusto niya sa bistro? Bibilhin niya? Papaano kami?

Kahit pagod ay umikot ako at hinarap ang direksyon ng bistro. May malakas na ingay ng nagkikiskisang gulong bago  rumehistro ang nakakabulag na liwanag.

Hindi ako nakaiwas dala ng pagkakabigla. Parang nagsarado ang aking isip habang unti-unti nang nakakalapit ang isang napakabilis na bagay pasalpok sa aking katawan sa gitna ng kalsada.

"Holy shit!" Mabilis ang hablutang nangyari. Sumikip ang aking bewang sa lakas ng kaniyang pagkakahiklat sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi kaalaman ang gagawin habang pinagmamasdan ang kabilang kalsada.

Mabilis ang paghinga ko dala ng gulat habang pinagmamasdan ang isang Ford na sumalpok sa nakaparadang sports car na ngayon ay wasak ang tagiliran.

The PristineWhere stories live. Discover now