Chapter 5: Testing

53 35 0
                                        

Chapter 5: Testing

Chapter 5: Testing

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Jineses' POV

Kinabukasan, halos sabay-sabay kaming nagising. Tahimik ang paligid pero ramdam mo ang tensyon sa bawat hakbang. Today is the day. The first live scan test of Project Hill.

Nasa main deck na kami ni Ann nang dumating si Ronee at Crissa. Pare-pareho kaming may bitbit na maliit na tablets—each containing test procedures, emergency protocols, at emotional safety thresholds.

"Ready na kayo?" tanong ko.

Tumango sila.

"Ann," utos ko, "Initialize the system. Set parameters to first-tier scan only. No deep sync. Just enough to capture a short-term memory."

"Copy," sagot niya habang abala sa console. "C.O.R.E., boot protocol sequence: Hill Phase 1."

C.O.R.E.: "Booting memory scanner system. Safety protocols engaged. Neural sync chamber active."

Ang helmet ay kumislap habang inaayos ng auto-mech arm ang bagong platform—isang convertible folding bed na may head-mount lock at cushioned surface. In-upgrade na namin ito mula sa dating naka-kabit sa motor para maging mas komportable ang user habang nasa proseso ng paglalakbay sa oras.

"Ann, ayos na ba ang adjustments sa bed?" tanong ko habang tinitingnan ang mga bolts at wiring.

"Oo, Jin. Na-optimize ko na rin ang spinal support para mas relaxed ang neural tension ng user. Gamit na rin 'yung nanofiber padding na may pressure equalization," sagot niya. Nakangiti si Ann habang ine-explain ang mechanical enhancements—isa rin kasi siyang robotics engineer, kaya sa kanya kami umaasa pagdating sa ganitong mga physical modules.

"Good job. At least mas safe na sa first live scan."

"Sinong magvo-volunteer?" tanong ni Ronee, sabay silip sa helmet na nakasabit sa chamber.

Tahimik ang lahat. Tumingin sa akin si Ann. "Ikaw dapat, Jin. You know the system better than all of us."

Napa-exhale ako. "Alright. Let's do this."


Inside the Chamber

Nakahiga na ako sa bagong folding bed na nilagyan din ng biometric pads at gel-cooled head rest. Inilagay ni Crissa ang biometric band sa wrist ko. "Heartbeat monitor ready."

Ann gently placed the helmet on my head. "Just think of a safe, simple memory. Something you're okay with sharing."

"Got it. Something light lang."

Project HillTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang