CHAPTER 4: TEXTMATE

Start from the beginning
                                        

Magkasama. Magkaharap.
At magkahawak ang kamay.

Parang wala lang. Parang walang taong nasaktan. Parang hindi ko sila minahal at pinagkatiwalaan.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

Wala silang kaalam-alam na naroroon ako.
Tawa sila nang tawa. Si Kieth, 'yong pamilyar niyang ngiti. Si Athena, 'yong tawa niyang dati, para sa akin lang.

Ang sakit.

Akala ko okay na ako. Akala ko, nalampasan ko na. Pero bakit ganito?

Parang biglang binuksan ang sugat na matagal ko nang pilit tinatakpan.

I turned away.

Wala silang naramdaman. Wala silang napansin. At masakit na totoo—wala silang pake.

I was about to turn away. Willing na akong ibalik lahat ng sakit sa tahimik na pagkilos—hanggang sa mapansin ko ang pagkilos ni Kieth.

Napalingon siya. Diretso sa direksyon ko.

Shit.

Agad kong dinukot ang phone ko sa bulsa. Wala nang pag-iisip. Nag-scroll ako sa contacts... Napindot ko si Dave. At halos sabay sa pag-ring, itinapat ko sa tainga ko ang cellphone.

“Hello?” Pilit kong pinanatiling kalmado ang boses. “Hey. Sorry, ang tagal kong di nag-reply. May meeting kasi kanina.”

Hindi ko alam kung naririnig ako ni Dave, o kung nasagot niya man. Pero tuloy-tuloy ako.

“Yeah. Nasa mall ako ngayon. May nadaanan lang…”

Pasimpleng sulyap kay Kieth. Nakatitig pa rin sa akin.  Mabilis niyang inalis ang tingin.
Kasama pa rin niya si Athena—ngayon ay nakaharap na rin sa direksyon ko.

Ramdam ko ang lalamunan kong tuyo. Pero hindi ako nagpahalata.

At bago pa ako lamunin ng kaba o pait…

“Love you too.”

Sabi ko, diretso. Walang paki. Sapat na lakas ng boses para marinig nila. Sapat na ngiti sa labi para mukhang totoo.

Naglakad ako palayo. Hindi ko sila tinignan ulit. Hindi ko na kailangang marinig ang reaksyon nila. Ang mahalaga—hindi nila nakita akong durog.

Sa kabilang linya, may mahina akong narinig.

“…hello?”

Si Dave.

Napahinto ako sa pagkilos.

Hindi ko sinasadyang mapindot siya. Hindi ko sinasadyang masabi ang mga salitang—
“Love you.”

Ang hindi ako sigurado, baka narinig niya ang mga sinasabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya

Shit.

Muli akong tumigil sa paglalakad at bahagyang napapikit.

Narinig niya.

Si Dave… Narinig niya ’yong “I love you.”

Hindi ko alam kung tatawa ako o matutunaw sa hiya.

Hindi ko naman siya talaga tinawagan para sabihin ’yon. Hindi ko nga siya intensyon tawagan sa una, 'di ba? It was all… instinct.

Self-defense. Ego armor. Para lang hindi nila makita na nasasaktan pa rin ako. Pero bakit si Dave pa ang napindot ko?

At bakit sa lahat ng taong posibleng makapiling ko sa eksenang ito… siya ang naging saksi sa kasinungalingan ko?

Napahawak ako sa sentido. Tumigil muna ako sa isang gilid ng hallway ng mall.

Hindi ko alam kung tatawagan ko siya ulit para magpaliwanag. Sabihin ko bang hindi totoo ’yon? Sabihin kong eksena lang ’yon para lang hindi ako magmukhang kawawa?

Pero… bakit ba ako natatakot sa iisipin niya?

Nag-vibrate ang phone ko.

1 New Message.
From: Dave.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Bumukas ako agad.

> Dave:
Uhm... hello? May sinabi ka kanina bago naputol? Haha. Okay ka lang?

Napakagat ako sa labi.

Hindi siya nagtanong kung totoo. Hindi rin niya pinansin ’yong I love you. Pero ramdam kong… narinig niya.

At hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw— ‘yong nahuli ako sa kasinungalingan, o ’yong posibilidad na baka isipin niyang totoo iyong sinasabi ko.

The Thin Line Between Us
____

 

The Thin Line Between UsWhere stories live. Discover now