CHAPTER 4: TEXTMATE

9 5 0
                                        

Chapter 4

Textmate

---

Nababakas ko sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Hindi niya man sabihin, ramdam kong mahalaga sa kanya ang cellphone na iyon—baka ito lang ang paraan niya para makausap ang pamilya niya. Ang simpleng bagay, para sa kanya, ay tulay sa koneksyon at pag-asa.

Napangiti rin ako. “By the way,” sabi ko habang nilalagay ko ang kamay sa bulsa, “don’t call me sir. First of all, hindi ako teacher. Then secondly, I’m not your boss.”
Bahagya akong tumingin sa kanya, seryoso pero may halong biro. “So, you just call me France, okay?”

Ngumiti siya. Hindi 'yong pormal—kundi 'yong tunay. Malambing at hindi pilit.

“Okay.” Simple niyang sagot, pero may laman. Parang ipinahiwatig niya roon ang pagtanggap… hindi lang sa pangalan ko, kundi sa presensiya ko.

Sa saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa,hindi ko alam kung bakit parang gumaan ang pakiramdam ko. Na sa kabila ng lahat ng gulo sa buhay ko, may isang tao akong napasaya… kahit sandali lang.

“Bago ko pala makalimutan ito. Para sa’yo,”
ani ko sabay abot ng paper bag sa kanya.

Tahimik siyang tumingin, halatang hindi inaasahan.

Binili ko iyon kanina, habang pauwi—nang makadaan ako sa isang mall malapit sa amin. Isang simpleng regalo. Pero mula sa puso.

Pagbukas niya ng bag, nakita niya ang laman—isang bagong touchscreen cellphone.

Napatigil siya. Napakunot ang noo, pero hindi dahil sa pagdududa—kundi sa gulat.
Hindi siya makapaniwala.

“Para saan ’to?” tanong niya, naguguluhan pa rin.

“Gusto ko lang magpasalamat sa’yo,”
mahina kong tugon, pero sinsero.
“For saving me from those hold-uppers… and for keeping me safe that night.”

Tahimik siya. Hawak-hawak ang cellphone, pero parang hindi pa rin sigurado kung totoong para sa kanya nga iyon.

“Mura lang ’yan,” biro ko, sabay tawa nang mahina. “Don’t overthink it. Consider it a thank you gift, okay?”

Tumingin siyang muli sa akin. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may nababasa ako sa mga mata niya— kagulatan, pasasalamat, at 'yong halatang bihira siyang makatanggap ng ganito.

“Pasensiya na po, pero hindi po kasi ako tumatanggap ng bayad,” sabi niya, sabay abot pabalik ng paper bag.

Agad ko iyong pinigilan. Hinawakan ko ang kamay niya, mahinang itinulak pabalik ang bag sa kanya.

“Dave,” malumanay kong sabi, “I know you need it. Palitan mo na 'yang luma mong cellphone.”

Tumingin siya sa akin, parang gusto pa rin tumanggi.

“I know you’re a good person. May mabuti kang puso. Alam ko ang sakripisyo mo para sa pamilya mo. Being a working student? That’s not easy. Kaya please… tanggapin mo ’yan. Hindi 'yan bayad. Regalo ’yan, mula sa puso.”

Natahimik siya.

Pero hindi niya maitago ang ngiti—'yong ngiting pinipigilan, pero kusang lumilitaw.
Ramdam kong pinipigilan niya rin ang pag-iyak. At doon ko napatunayan... tama ang ginawa ko.

“Maraming salamat po,” sabi niya sa wakas, halos pabulong. “Maraming salamat, Sir France.”

Napailing ako, sabay ngiti. “I told you, don’t call me ‘sir.’ Babawiin ko ’yan.”

The Thin Line Between UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя