CHAPTER 18: UNREAD MESSAGES

7 4 0
                                        

Chapter 18

Unread Messages

---

Pinilit kong iwasan si France.

Mga text niya, mga tawag niya — hindi ko sinasagot. Kahit gusto ko. Kahit halos mabaliw ako sa kakatingin kung siya ba ‘yung nag-notify. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Mahirap. Masakit. Pero kailangan.

Bihira na rin kaming magpang-abot sa bahay. Maaga akong umaalis, late siyang umuuwi — o baka sadyang iniiwasan na rin niya akong istorbohin. Nagpaduplicate ako ng susi ng apartment. Iniabot ko ‘yon sa kanya isang hapon na wala akong gana makipag-usap.

"Para makapasok ka kahit wala ako," maikling paliwanag ko. Walang dagdag. Walang paliwanag kung bakit bigla akong naging tahimik. Wala rin naman siyang tinanong. Baka ramdam niya. Baka rin wala siyang pakialam.

Ang gusto ko lang ay tapusin kung ano man ‘to. Putulin bago pa ako tuluyang mahulog.

Nagsimula lang naman ito noong...

Noong nakita ko siyang umiiyak. Noong sinabi niyang ako lang ang nakakaintindi sa kanya. Noong naramdaman kong hindi na lang awa ang nadarama ko kundi isang bagay na ayokong pangalanan.

Noong una, inisip kong pansamantala lang. Baka dala lang ng init ng sandali. Baka nakakaawa lang siya. Baka nahulog lang ako sa ipinakita niyang mahalaga ako.

Pero hindi pala. Kasi kahit ilang araw na ang lumipas — nandito pa rin. Kahit anong iwas ang gawin ko, dala-dala ko pa rin

Kahit obvious naman — kahit sa bawat kilos ko, sa bawat iwas at sa bawat sulyap na palihim — lumalalim na nga ang nararamdaman ko sa kanya, pinipilit ko pa rin ang sarili ko na wala lang ‘yon.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko:
“Magaan lang ang loob ko sa kanya.”
Dahil siguro... dahil siguro naaalala ko sa kanya si Kuya.

Pareho silang mapag-alaga. Pareho ‘yung paraan ng pagyakap, ‘yung mga titig na parang kaya kang buuin kahit pakiramdam mo wasak ka. Kaya siguro may koneksyon agad. Kaya siguro hindi ko maiwasang lumapit sa kanya kahit alam kong mapapaso ako.

Sinisiksik ko sa utak ko na awa lang ‘to.
Na kaibigan ko siya, at natural lang na mag-alala ako. Na ako lang talaga ang meron siya sa ngayon, kaya siguro ako rin ay hindi maka-atras.

Pero kahit anong paliwanag, hindi ko mapaniwala ang sarili ko. Kasi sa bawat pag-iwas ko, lalo lang siyang pumapasok sa isip ko. At mas nakakatakot, sa puso ko.

“Kaibigan lang.”
‘Yan ang mantra ko gabi-gabi.

Upang tuluyang mawala siya sa isip ko, hindi ako agad umuwi isang gabi.
Tinawagan ko si Grace. Kailangan kong patayin ang oras kasama siya—para pag-uwi ko, sana tulog na si France. O kung maaari, sana sa condo na lang siya umuwi. Ayokong makita siya. Ayokong maramdaman ulit ang gulong dala ng presensya niya.

"May problema ka ba?"
Agad na tanong ni Grace habang naglalakad kami sa kahabaan ng kalsada, magkatabi, magkahawak ang malamig naming tasa ng milktea.

Hindi ako sumagot.

"Baka gusto mong pag-usapan natin?"
Dugtong niya, mahina pero may pag-aalalang laman.

Tumingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya nang mariin—hindi dahil may gusto akong sabihin, kundi dahil hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan.

"Thank you… for always being there."
Mahina kong sabi.

"Ano ka ba, okay lang 'yon."
Pabirong ani niya, sabay tapik sa braso ko. Pero ramdam ko. Totoo ang sinabi niya. Buo.

At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang bigla kong tanungin:

The Thin Line Between UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя