Saglit akong nag-type ng sagot:
> France:
Good to hear. Anytime, Dave. Matulog ka na. May klase ka pa.
Ipinikit kong muli ang mga mata—pero sa pagkakataong ito, hindi na lang basta antok ang dahilan. Kundi 'yong kakaibang gaan ng damdaming unti-unting bumabalot sa akin.
At bago pa man ako tuluyang dalawin ng antok… isang pangalan ang huling nasa isip ko.
Dave
Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid na kasing-kulit niya. ‘Yong tipo ng tao na kahit paulit-ulit ang kwento, nakakatawa pa rin. Nakakagaan ng loob. Nakakawala ng pagod at stress.
Pero… sad to say, wala akong kapatid.
Ako lang mag-isa.
Noong bata ako, palagi kong iniisip kung anong klaseng kuya kaya ako kung nabigyan ako ng kapatid. Siguro protective. Siguro madamot.
“Maybe…” Bulong ko sa sarili kahit nakapikit. “Maybe, puwede ko naman siyang ituring na kapatid, ‘di ba?”
Walang masama ro’n.
Walang problema ro’n.
Dahil alam kong napakabait niyang bata.
At kung may taong karapat-dapat ituring na pamilya… isa na siya ro’n.
Kinabukasan.
Nagising ako mula sa banayad na sinag ng araw na tumatama sa bintana. Hindi pa ako ganap na gising pero una kong hinanap ang cellphone ko.
Agad ko itong kinuha mula sa bedside table.
1 New Message.
From the same unknown number—pero alam ko na kung sino ito.
> Dave:
Good morning, France. Don’t skip breakfast, ha? Alam kong busy ka, pero kahit pandesal lang, okay na ’yon. :)
Ingat ka palagi.
Napangiti ako.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito kaaga tumatawa. Hindi ko rin alam kung bakit parang may kung anong gumaan sa dibdib ko nang mabasa ko ang maikling mensaheng iyon.
Simpleng paalala lang. Pero ramdam ko ang sincerity.
Iba siya.
Sa dami ng taong nasa paligid ko—mga taong mas malapit sa akin, mga kaibigan sa business, mga kakilala sa alta sosyedad—bakit parang sa isang working student pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng concern?
At bakit ang gaan sa pakiramdam?
Saglit akong natigilan.
Hinubad ko ang kumot, bumangon, at habang papunta sa kitchen, nagta-type na ako ng sagot:
> France:
Ikaw talaga, parang nanay ka mag-remind.
Don’t worry, kakain ako. Good luck sa class mo today.
Napangiti ako habang nagtitimpla ng kape.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Pero gusto kong mas makilala pa siya.
Late afternoon.
Galing ako sa isang business meeting sa Pasig. Pagod na ako, gutom pa. Hindi ko alam kung bakit pero imbes na dumiretso ako sa bahay, nagdesisyon akong dumaan muna sa mall na nadaanan ko kanina.
Wala akong balak bumili. Gusto ko lang maglakad-lakad. Magpalamig. Mag-isip.
At makalimot.
Habang naglalakad ako sa loob ng mall, paakyat na sana ako sa escalator nang mapatigil ako bigla.
Parang bumagal ang oras.
Dahil doon, sa tapat ng isang café kiosk, nakita ko sila.
Si Kieth.
At si Athena.
YOU ARE READING
The Thin Line Between Us
Romance"There's always a thin line between love and friendship... and sometimes, it blurs when you least expect it." France Leo Salvejo grew up angry at the world-broken, unloved, and alone. Hardened by the past and haunted by wounds he never asked for, he...
CHAPTER 4: TEXTMATE
Start from the beginning
