14

20 0 0
                                        









Mas lalo kaming naging malapit ni Primo after that night. I don't know if it's because of what I told him. Mas napansin ko din ang mga kilos nya sa akin pero hindi padin ako nagtanong ng diretso. I know there's something going on but I still feel like it's early to ask. I know what to do something is holding me back.











Hinahayaan ko ang mga nangyari hanggang sa dumating ang birthday ko at doon unti unting naging malinaw ang lahat hindi lang para sa aming dalawa kundi para din sa lahat.













"Happy birthday, babe."











Maagang dumating sa bahay sina Aubrey at Kate. I haven't seen them in a while. Pareho ko silang niyakap at binati ko din si Je, the guy Kate's currently dating. They also greeted my father and my cousins who are here since last night.











"How are you? Kamusta tayo?"













We had some girls talk at hinayaan muna namin si Je sa mga pinsan kong lalaki. The celebration is not yet started but we're having fun already. I'm just so happy to see my close friends again. Madalas ko padin silang kausap pero hindi na kami nagkikita ever since we resigned from our job before.











"Fine, I guess." Sumandal ako at pareho akong tiningnan ng mga kaibigan ko. "What? I've been telling you about my life recently. Come on, girls."












Tinaasaan ako ng kilay ni Kate. "Are we gonna meet this Primo guy later?"












"Oh gosh! What are you two really? Talking?" Tanong din ni Aubs. "Baka pinapaasa ka lang nyan, ha? He knows that you like him, right?"











Sa kanilang dalawa ni Kate ay sya itong nahihiwagaan sa sitwasyon namin ni Primo. Kate is just letting me because obviously, she's just playing around. Wala sa kanya ang ganitong mga bagay.











"Knowing Seah, baka sya pa ang magpaasa sa mga lalaki. Don't take it seriously, Aubs. Just let them."











Hindi ako nagsalita at hinayaan ko ang dalawa. Again, I get their point kahit gaano pa 'yon kalayo sa isa't isa. They have different personalities so I'm expecting that I will also get different opinions from them.












Maingay ang bahay dahil sa kwentuhan at tawanan ng mga bisita ko. My cousins started drinking and I just let them. Binibigyan nila ako ng shots at pailan ilan lang ang tinatanggap ko. Hindi ako pwedeng malasing agad. It's too early and I need to stay alive until this day ends.











Hapon nang isa isa nading dumating ang iba ko pang bisita. They greeted me and handed me their gifts. Mas lalong umingay ang buong bahay at mas lalo ko ding na enjoy ang araw ko. I didn't know that having a celebration like this will be this fun.












Huling dumating ang mga kaibigan ko sa trabaho at doon ako nagsimulang kabahan. I saw Primo got out of kuya Theo's car. We've been talking all day so he knows what's up here in our house. I smiled at him when he looked at me until our friends run into me to greet me.











A string of fateOnde histórias criam vida. Descubra agora