Nakayakap sa akin si Evah habang hawak nya ang binili naming kiddie meal para sa kanya. Mukhang napagsabihan sya ng kuya nya kanina dahil wala din sya sa mood nang dumating kami. Bibihira ang mga ganong pagkakataon dahil spoiled sya sa kuya nya.
"Do you wanna eat that? I'll open it for you."
Nung una ay umiiling pa si Evah hanggang sya na mismo ang nag abot sa akin ng food nya. Umalis sya sa pagkakayakap sa akin at binuksan ko nadin ang pagkain na para sa kanya.
I'm not actually good with kids. Wala akong pasensya sa pagpapaamo sa kanila lalo na kapag umiiyak sila. Mabilis din akong mapikon kapag maingay at makulit sila. Nagkataon lang siguro na pinsan ko si Evah at hindi ko kailangan mag effort ng sobra para lang makuha sya dahil kilala nya naman ako at lumaki syang malapit sa amin.
Hinayaan kong kumain si Evah sa tabi ko habang pinapanood ang mga pinsan kong naglalaro ng billiards. Kasali ako kanina at umayaw ako sandali. Maingay ang bahay nila CK dahil kumpleto kaming magpipinsan. Siguradong mas maingay kami sa family gathering bukas lalo't pupunta din ang iba naming kamag anak.
"Let's eat sa PN mamaya then let's drink here after."
Pinag usapan nila ang gagawin mamayang gabi. This is the reason why they want to get together ngayon palang. It's fine with me. Gusto kong magpahinga at matulog pero sa tingin ko ay hindi 'yon mangyayari. I'd rather just go out and let myself enjoy.
"Then what? Pare pareho tayong may hangover bukas? We still need to decorate sa resort." Umirap si Ace na syang punong abala sa celebration bukas.
"Well, hindi ka malalasing kung maghihinay hinay ka. Ikaw lang naman ang walang control." Sabi ni Sam at nagtawanan namin. "Baka umiyak ka na naman mamaya kapag nalasing ka, ha?"
Well, it's true. Ilang inuman na ang dumaan na umiiyak si Ace kapag lasing. She's good but she has some things na sa inuman nya lang nalalabas. She's not a very vocal person. Kaya ang mga pagkakataon na lasing sya at naglalabas ng saloobin ay hinahayaan lang namin.
Sandaling nawala ang atensyon ko sa mga kasama ko nang tumunog ang phone ko dahil sa isang message mula kay Primo. He sent me a photo of a hard liquor. I know he has plans today as well. He has this one instagram story. May kasama syang dalawang lalaki sa picture. Mga kaibigan nya siguro.
Primo Abadiano:
This reminds me of you.
I reacted to that message and I start typing in a reply. Hindi ko nadin maiwasang maalala ang nangyari nung unang beses ko syang makasama sa isang ganap. It's like a core memory.
Ako:
I hope you won't make a mess wherever you are.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang sarili kong kausap si Primo sa phone. Humaba ang usapan namin tungkol sa ibang bagay. I enjoy talking to him. Kung paano ko sya makausap sa personal ay ganon din sya sa phone. He's currently drinking with his friends pero mabilis syang magreply. Ako ay medyo late dahil sumasabay din ako sa usapan ng mga pinsan ko.
ESTÁS LEYENDO
A string of fate
Romance"Did we really wait for you to be ready? Or I was just waiting to be chosen?" - Chelseah Stephanie Mendez
