Simula

17.6K 218 14
                                    

Please forgive my typos and grammars. tnx ahead! Ang kwentong ito ay tungkol lamang sa Love story ng dalawang Muslim at hindi ang tungkol sa background ng ISLAM o ng isang Muslim.Kung may mga maling impormasyon, pakiunawa nalang. 

Basta Love story ito at hindi history! heheheheh.... huwag lang po sana maging mean. kung ayaw mo sa story ko, you are free to leave and remove my story from your list. thank you ahead! 

Hi Aliyah! hahahaha... alam ko babasahin mo talaga ito. basa lang basta wag mamintas ha? then tahimik lang at wag kang maingay. nakakahiya kaya malaman nila... hahahahaha... 


SIMULA

"Assalammu Alaikum" bati ko pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin. Mabilis kong nilapag ang bag ko sa mahabang upuan nasa tabi ng pinto at tumakbo na agad papunta sa kwarto ko.

"Zarra!" napatigil ako sa tawag ni Mama. Ayaw na ayaw nyang tumatakbo kami paakyat o pababa sa hagdan.

"Mama sandali lang, hindi pa ako nakapagpray ng luhr" at mabilis akong pumasok sa kwarto ko at naghanda para sa pagpray.

Half-muslim lang ako. Dating christian ang Mama ko at pure muslim naman ang Papa ko. Sa amin, kapag kalahati kalang, hindi rin buo ang mapapangasawa mo. Kadalasan kapareho mo rin na half-muslim ang makakasama mo habang buhay, minsan may mga mga maswerteng nagkakaroon ng asawang buo at tanggap din sila ng buo.

Lumabas ako pagkatapos kong magpray, bumaba ako para kunin ang bag ko. Palabas na sana ako nang marinig ko si Mama na may kausap sa kusina.

"nakausap nyo na ba sya ulit?" tanong ng kausap ni Mama. Sumilip ako para tingnan kong sino ang kasama nya. Napangiti ako nang makita si Tita Jamila.

"salam Tita?" bati ko sa kanya at kumaway. Tumayo sya at lumapit sa akin, niyakap nya ako at nakipagpalitan ng halik sa pisngi. "alaikummisalam anak, kamusta?" tanong nya sa akin.

"okay naman po tita, medyo nabubusy na ng kaunti sa pag-aaral" sabi ko. Ngumiti sya at tumango sa akin. "mauna po muna ako" sabi ko. "Mama punta lang po ako sa City Library babalik ako agad" paalam ko sa kanya habang naghihiwa ito ng mga gulay.

"Zarra mag-ingat ka" pahabol ni Mama sa akin bago ako nakalabas ng pintuan. Inayos ko ng mabuti ang suot kong hijab bago ako lumabas ng bahay.

Sa aming magkakapatid, ako nalang ang nagsusuot nito ng maayos. Ang ate kong si Farra at bunso naming si Jarra hindi na nagsusuot nito, kung sakali man isinasabit lang nila ito sa leeg nila.

Islam ang dala naming religion, devoted muslims ang parents ko pero dahil nasa syudad kami nakatira, maliit lang ang mga mga muslim na nagpapatuloy sa tradisyon namin at pagsunod sa kinalakihan pero kahit na binigyan kami ng pagkakataon na mamuhay ng katulad sa mga kristiyano, pagdating sa pag-aasawa ang mga magulang namin ang masusunod.

Kaya nga mas pinili ko nalang mamuhay ng may pagkakonsirbatibo para hindi na ako mahirapan pa sa huli. Malay mo sa isang Imam pa ako ipapakasal ng mga magulang ko tapos hindi ako nasanay, ako rin ang kawawa sa huli.

Pagdating ko ng City Library, ngumiti ako agad sa nakaduty na librarian. "Hi Zar" bati nya sa akin. Suki ako rito kaya medyo kilala ko na silang lahat.

"Maam Joy, maghihiram ako ulit ng tatlong libro" sabi ko at tumango lang sya. Nagsimula na akong mag-ikot at hinanap ang librong hihiramin.

Pagdating ko sa dulo, nakita ko si Asha ang kaibigan kong muslim din pero kung titingnan para na talaga syang kristiyano dahil sa nakashorts narin ito at may kulay ang buhok.

Nag ngitian lang kami at nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng librong kailangan ko.

Agad akong nagtungo kay Maam Joy para i-out ang tatlong librong hihiramin ko.



My Heart for DowryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon