Kinatok ni Drake yung bintana ng sasakyan niya. Binaba ko yung bintana at umiling. "Ayoko."

"Stubborn."

"Ayoko nga! Ang pangit pangit ko!"

Inirapan niya ako. OMO Namiss ko yun! "Don't worry, my cousins are ugly as well. You'll blend in."

Wow! Akala ko, don't worry, you look beautiful, Alys. Bakit nga ba ako nag expect? Si Drake yan eh!

In the end, napalabas niya din ako sa sasakyan niya. War pa din kami ni Drake, pinalampas ko lang yung moment ngayon! After nito, hindi ko siya kakausapin hanggang hindi niya sinasabi sa akin kung bakit sila magkasama ni Shaira pugita!

"Alys!!" sabi ni Tito Steve! WAAAAAAAAAH! Katabi niya si Tita Katrina! Halatang halata na buntis siya sa isang bata na for sure unang matututunang word ay Tss!

Niyakap ako ni Tito Steve. Ang tagal naming hindi nagkita eh! Nafeel ko naman bigla yung tensyon kay Drake at Tita Katrina! Nag uusap kaya sila dati? Hmmm. Ayoko ng problemahin yan. Si Shaira nga, sobrang sakit na sa ulo. Dadagdagan ko pa ba ng Katrina? Hindi naman ako masokista!

Niyakap din ni Tito Steve si Drake at pumasok kami sa loob. Ang daming tao, shemas! Napaka dugyot kong tignan! Hindi ito ang iniisip kong Meet The Family scenario!

Pinakilala ako ni Tito Steve sa mga Tita, Tito, Pinsan, and everywhere. OMO. Puro Palma in the house! Ano bang sinasabi ni Drake na pangit?! Ang gaganda at pogi ng mga pinsan niya, I mean, third cousin pala dahil sila lang ni Drake and first cousin. Bwisit na yan!

"Tristan," sabi ni Tito Steve nung napalapit kami kay Tripp na prenteng prenteng umiinom ng cola. Bwisit na yan! Balak niya bang patayin ako sa sama ng loob at nerbyos?! "Girlfriend nga pala ni Drake, si Alys."

Mukhang naweirduhan ng todo si Tito Tristan. Kasalanan po yan ng anak niyo! Inosente ako!

"Girlfriend?" Tanong niya. Buti na lang at wala si Drake, medyo naharang ng mga Tito niya. Si Tito Steve lang kasi mapilit na ipakilala ako at iparada sa buong angkan nila. Bago pa masagot ni Tito Steve ng oo si Tito Tristan, may tumawag sa kanya. Naiwan ako, si Tripp, at si Tito Tristan na magkakaharap. Spell awkward?

"Ah-eh--" sasagot sana ako pero nagsalita si Tripp.

"I dumped her. Boring eh. Tapos sila na ni Drake. Ice no?" sabi niya sa tatay niya tapos hinatak niya ako papunta sa backdoor nila Drake. 

Hinampas ko siya ng malakas. "Sira ulo ka! Ano ko, playgirl?!"

Tatawa tawa siya sa akin. Bwisit talaga 'to!

"Joke lang naman."

"Anong joke?! Sana sinabi mong joke sa tatay mo! Mamaya isipin nun madumi akong babae!"

Umarte siyang nasasaktan. "Aray naman. Para mo namang sinabi na madumi akong lalaki."

Piningot ko yung tenga niya. "Hindi na uubra sakin yang drama mo. Kainis ka!! Bawiin mo yun sa Papa mo!"

Umiling siya. "Ayoko nga."

"Tripp naman kasi!!"

"Ayoko." Sabi niya tapos naupo siya sa edge ng pool. Nasa backpart kami ng bahay nila Drake eh. Nandito yung wonderful pool nila. Mas okay na 'to kaysa sa fish pond sa loob ng bahay namin. "Minsan lang naman, pagbigyan mo na ko."

Mukhang malungkot siya. Minsan ang weird ni Tripp. Sobrang lakas niyang mang asar pero minsan sobrang lungkot niya din. Minsan nga gusto ko na lang siyang yakapin kasi nakakaawa yung kalungkutan niya. Siguro dahil wala siyang mommy?

Medyo binunggo ko yung balikat ko sa balikat niya. "Sige na nga. Pero last na yun ha? Wag mo ng uulitin."

Nginitian niya ako. "Masyado kang mabait, alam mo yun?"

Nginitian ko din siya. Mabait ako kasi hindi ko kayang maging masama. Weird ba?

"Alam ko."

"Minsan try mong magsungit. Masyado kang nakaka in love eh."

Binatukan ko siya. "Isa pa, tatamaan ka na sa'kin!"

Natawa siya sa akin tapos ginulo niya yung buhok niya. "Yan hirap sa'yo eh. Masyado mong hindi sineseryoso sinasabi ko sa'yo. Magkakaproblema ka niyan, sige ka."

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. These past weeks kasi, ang daming sinasabi ni Tripp sa akin. Madalas hindi ko na lang pinapansin kasi kadamihan dun ay puro pickup lines. Minsan masarap na lang mag t(-_-t) sa kanya pero syempre good girl ako kaya hindi ko ginagawa yan. Isang malakas na batok lang bawat pickup lines ang nakukuha niya. Akala tuloy ng ibang tao, boyfriend number 2 ko si Tripp! Masyado daw kaming close. Aba, may choice ba naman kasi ako?!

Nagkwentuhan lang kami, medyo nakalimutan kong si Drake nga pala yung dapat kasama ko. Ang sarap kasing kausap ni Tripp. Puro jokes lang sinasabi niya sa akin. Minsan sumasakit na yung panga ko katatawa sa kanya. Pag nga pumupunta kami sa coffee shop para mag aral, ginagawan niya ng kwento yung mga tao sa coffee shop. Minsan, horror story, kadalasan suspense. Promise, ang sarap lang iuwi sa bahay ni Tripp tapos ikulong sa cage at gawing pet parrot!

"Tripp, bakit lagi kang malungkot?"

"Ha? Ako, malungkot?"

Tumango ako. "Kahit naman nakatawa ka, halata na malungkot ka. Akala ko ba friends tayo? Share ka naman jan..."

Ngumiti siya tapos binitawan niya yung can ng cola na kanina niya pa hawak. "Sorry kung ang weird ko. Ano kasi eh..." Natahimik lang ako at hinayaan kong magsalita si Tripp. "Nag asawa na kasi yung Mama ko. Akala ko kasi may pag asa pa silang magkabalikan ni Papa, wala na pala." 

Niyakap ko si Tripp after nun. Naaawa ako sa kanya! Alam ko kasi yung feeling ng mawalan ng pamilya, madalas kong mabasa sa libro eh. Tapos ewan ko, malungkot din ako kasi hindi ko kakilala yung mga lolo ko kay dad. Alam ko naman na may reason pero syempre malungkot ako. Sabi naman niya papakilala ako after kong mag18. Haay. Mahirap talaga pag family problem kaya naiintindihan ko yung pagka weird ni Tripp.

Nakasandal lang yung ulo niya sa balikat ko.

"Alys?"

"Hmmm?"

Bigla niya akong kiniss sa cheeks at tumayo. "Sorry, hindi ko mapigilan. Sige, alis na ko."

O_________O

Bago pa ako makapagsalita, wala na siya sa harapan ko. What... the fudge happened?!

After ilang minutes, bumalik ako sa bahay nila. Medyo tulala pa din ako sa mga nangyayari. Wala na talaga si Tripp, umalis na yata. Aba dapat lang! Sasapakin ko talaga siya!! Kakainis!! Argh!!

"Where have you been?" Narinig kong may bumulong sa tenga ko. Oh, jusko. 

"W-wala. N-nagpahangin lang ako."

Nginitian ako ni Drake at hinawakan niya yung kamay ko. Shemas, nagguilty ako! Bakit nabaliktad yung sitwasyon?! Bakit parang ako yung naging masamang girlfriend at hindi si Drake ang masamang boyfriend?! Ugh! Tripp, ikaw talaga may kasalanan nito!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon