Tumaas ang kilay ko nang makitang naroon pa rin ang matandang mula kanina ay hindi binibitiwan ang telepono kahit na nanlalamig na ang in-order na mga pagkain.

Sumilay ang iritasyon sa may katandaang mukha ngunit ebidente ang mayamang buhay dahil sa pagka-mestizo. Panay ang dutdot niya sa phone at iling din. Tumayo ito bigla at saka naglagay ng isang gintong papel bago umalis sa bistro.

Kinaumagahan, nagluluto na akong almusal. Hindi tulad kahapon na isang matamlay na itlog, Spam ang ulam ko saka may pan at coffee pang kasama dahil sa malaking tip ng matanda kagabi. Pasayaw-sayaw ako habang nagpe-prepare na rin ng baon ko mamaya sa university.

Maingay kaagad sa classroom kahit na kulob ng aircon. Sa dulo ako naupo dahil doon ang kalimitang bakante. Swerte na lang dahil wala pa naman ang instructor namin.

"Hi, Chrissy!" Pulang-pula ang labi ni Lucy nang makita ko siya. Bagay na bagay sa morenang kutis.

"Hello!" Ngumiti ako sabay kinawit ng buhok sa tenga.

"Late ka nanaman, ah," utas niya sabay tingin-tingin sa maingay na paligid.

Nagkibit-balikat ako. 

Tumango lamang siya atsaka binunot ang cellphone gaya ng ibang kong mga kaklase. Ngumingiti ako sa ibang mga kakilala tapos ay kumakanta na lamang sa isip pampalipas oras.

Dumating na rin naman ang instructor. Nag-lecture lang kami ng mahaba ngunit ang ibang nasa likod ay tulog dahil pipicturan na lang nila ang lecture saka ipapa-print. Gusto ko rin sana dahil inaantok ako gawa ng maraming tao sa bistro kahapon, kaso malabo naman ang camera ng second hand cellphone ko. Matapos naming mag-lecture ay napag-usapan ang nalalapit na Lantern Festival.

"Ilang colleges ang andito?" Inayos ng trainor ang kanyang salamin.

Pabaling-baling ang ballpen ko habang nakikinig.

"Pito, sir!"

Muli ay in-adjust nito ang salamin at saka tumango. Nakikipaghuntahan siya sa amin tungkol sa mga disgrasyang malimit mangyari kapag Lantern Parade. Nakangisi ito at tinanong kung sino ang muse sa aming mga departamento.


"Ako, sir, sa Agriculture!" Sumigaw ang isang bading kaya naman humalakhak si Mr. San Juan.

Humalakhak si Lucy sa tabi ko atsaka sumigaw, "Si Miss Cajucom po sa Nursing!"

Pinagtinginan ako ng aking mga ka-block at ka-department dahil sa deklarasyon ni Lucy. Sinipat ako ng instructor. 

Nanlaki ang mga mata ko habang umaakyat ang dugo sa aking pisngi!

"H-hindi po! Lucy!" Hinarap ko si Lucy nang tagilid ang labi ko. Ngumisi siya sa akin.

Nagbulungan na ang mga mukhang kilalang kong mga ka- block ko habang karamihan ng lalaki ay sumisipol. Nalukot ang mukha ko. Hindi ako ang muse! Wala akong planong mag-muse!

"Maganda ka naman! Pwede ka talagang lumaban ng kahit na simpleng pageant lang kung sinasabi mong working student ka?" katwiran ni Lucy habang naglalakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.

Humuhuni ang mga matataas na puno ng university.

"Kahit na sumali ako ng Miss Universe ay sira na ang araw ko sa Monday. Ang dami pa namang magaganda sa department namin, ang daming mas maganda at mas maputi!" sabi kong umaasim pa rin ang mukha.

Hindi basta-bastang pera ang tuition sa  university lalo na sa mga units ng course na kinuha ko na gusto ko naman. Nagpapadala naman sa akin ang kuya ko at ang tatay ko pero naiipon silang lahat sa bangko. Kapag hindi ko na kaya ay saka lamang ako kukuha ng karampot. 

The PristineWhere stories live. Discover now