Chapter 6

38 2 0
                                    

Third Person's POV

*exo*

"Sabi ko sa inyo eh sisiw lang yung kalaban natin ni hindi ko nga nagamit yung kaliwa kong kamay eh!" Payabang na sabi ni Baekhyun sa kaniyang ka-grupo.

Katatapos lang kasi ng laban nila sa White Devil. At usually nanalo na naman sila.

"Alam nyo kahit wala naman talaga kayo matatalo ko naman yung mga yun eh!" Hingal na sabi ni Chanyeol. Sya kasi ang pinaka-napuruhan sa kanila.

"Ah! Oo nga no? Matatalo mo nga sila kaso bangas bangas ka muna! Tsk! Tsk! Tsk!" Xiumin.

Hindi na lang nagsalita si Chanyeol dahil alam nyang talo na naman sya.

Pabalik na ang EXO sa kanilang bahay. Oo, nakatira sila sa iisang bahay. Hindi lang sya basta bahay. Higanteng bahay. Parang mansyon. Pwede ka nga yata doon mag Golf eh.

Hindi nila gusto ang lumabas labas. Ayaw nilang makisalamuha sa iba. Pag lalabas sila baka dumugin o pagka-guluhan sila ng mga tao dahil bukod sa Gangsters sila ay sikat na boygroup din sila sa Pilipinas.

.........

Lay's POV

Ako si Lay. At wala akong balak magpakilala sa inyo. Marinig nyo lang ang salitang EXO alam nyo na dapat ang gagawin nyo. Wag na wag nyong babanggain ang exo dahil hindi nyo alam ang maaari naming gawin.

Mabait naman kami, sa mga taong dapat pakitaan ng kabaitan.

"D.O Hindi pa ako nakain ng hapunan. Mag luto ka naman gutom na kami oh!" Si Kris ang laging taga-utos sa amin. (Feeling Leader) actually second leader naman talaga sya. Pero mas madami pa syang utos kesa kay Suho. Hindi pa kasi umorder na lang tutal nasa labas naman kami kanina. Ang aarte!

"Ang gagaling nyo din ano? Hindi nyo ba alam na 5 ang nasuntok ko kanina? Ang titigas kaya ng mukha nung mga kalaban natin kanina!" Tama nga si D.O. ang titigas nga ng mukha. Pero kahit ganun napatumba naman namin sila. Magaling lang naman yung mga yun dahil iisa ang nakaharap nila noon. Hindi sila patas lumaban.

"Ako na! Ako na ang magluluto!" Wala din namang magpi-prisintang magluto. Edi AKO NA LANG. "Wag na! Wag na wag kang magluluto LAY! Ayaw na naming kumain ng sunog! Umupo ka na lang ako na ang magluluto" bwishit talaga itong si Baekhyun akala mo naman ang sarap magluto....... Sige na nga! Masarap na!

Pare-parehas kaming pumapasok sa iisang paaralan. (EMPIRE UNIVERSITY) at magkakaklase kami. Bullies din kami sa School. Kahit principal suko sa kasamaan ng ugali namin. Si Luhan nga nasapak yung teacher namin sa Math.
Nung hindi kasi naka-sagot si Luhan. Sinigawan sya nung teacher at pinahiya. Pero kahit wala naman talaga kay Luhan ang pagsigaw nung teacher sinapak nya parin ito. Boring daw eh.

Boygroup din kami. Actually kami ang 1st boygroup sa pilipinas. Merong 10 magagaling na boy/girl group. At lingo linggo o buwan buwan ay napapalitan ang ranking nito. Dahil pwede silang talunin nung mga wala sa top 10. Ilan taon na kaming nananatili sa top 1. Halos lahat ng grupo ay nagkakandarapa makuha lang kahit 2nd place manlang.

OO! Sikat kami!

Love Between UsWhere stories live. Discover now