"Of course Mommy, I've never been this sure in my life. Mahal na mahal ko si Napoleon Mommy, I can't imagine my future without him." Sagot ko naman sa kanya na sobrang saya.

Iyon naman talaga ang nararamdaman ko para kay Napoleon, maraming magsasabi na masyado kaming nagmamadali ni Napoleon. Na kakakilala lang namin tapos magpapakasal na kami agad. Ni hindi pa namin kilala ang isa't isang nang mabuti.

Pero anong magagawa nila sa iyon nga ang gusto namin na mangyari ni Napoleon. Rason naman namin makikilala naman namin ang isa't isa kahit na kasal na kami. Bakit pa namin patatagalin ang lahat kung pwede naman na ngayon na ikasal kami.

"Hindi kita tinatanong dahil sa kakikilala mo lang sa kanya, wala pa nga kayong isang taon na magkakilala tapos magpapakasal na kayo. Ang sa akin lang, Carmella hindi parehas ang mundong ginagalawan ninyong dalawa. Mahirap para sa isang normal na mamamayan ang matanggap na ang asawa niya ay isang secret agent. Siguro kung magkabaliktad ang pangyayari medyo katanggap-tanggap pa, pero sa inyong dalawa ikaw na babae ang agent." Paliwanag ni Mommy na ikinatigil ko.

"hindi sa minamaliit kita anak, dahil sa babae ka. Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na hindi madali ang papasukin mong buhay. Napoleon is a civilian, maaaring malagay siya sa panganib sa oras na malaman niya ang totoong trabaho mo. Hindi mo mapipigilan si napoleon na hindi mag-alala sa 'yo sa oras na malaman niya ang trabaho mo. And that's the word danger enters in your married life with him, hindi mo siya mapipigilan kung iisipin niyang gawin na sundan ka sa mga mission mo. Ang makialam sa mga mapanganib na mission na makukuha mo. At higit sa lahat hindi mo siya pwedeng diktahan na huwag siyang magselos sa oras na ang mission na nakuha mo at ang akitin ang target mo. Naiintindihan mo ba ako anak? kung ang daddy mo noon na kaparehas ko ang trabaho nahihirapan na tanggapin at intindihin ang ibang mga mission na ginagawa ko noon. Ano pa kaya si Napoleon na hindi alam ang mga ganitong bagay."

Hindi ako makapagsalita ng mga oras na ito, ano ba ang naiisip ko. Biglang nablangko ang utak ko, tama lahat ng sinasabi ni Mommy sa akin. Bakit ba hindi ko naisip ang mga bagay na iyon noon.

"Hindi kita pipigilan kung darating ang araw na sasabihin mo kay Napoleon ang totoong trabaho mo, ang Agency natin. Karapatan ni Napoleon na malaman iyon anak, lalo na at gusto mo siyang maging asawa mo. Dapat din na sabihin mo kay Napoleon na hindi ka pwedeng basta mabuntis ngayon dahil sa mga mission na gagawin mo. Pero kung gusto niyo nang magka-anak sabihan mo lang ako, handa naman akong bigyan ka ng mahabang bakasyon," dagdag pa ni Mommy.

Hanggang sa makabalik kami sa lamesa kung saan naroon sila Hanna at Napoleon hindi na ako nakapagsalita. Maging nang dumating na ang pamilya naman ni Napoleon, wala pa rin akong masyadong imik.

Nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong gawin, ang dapat kong maging desisyon sa bagay na ito. Pinakatitigan ko si Napoleon na bakas ang sobrang kaligayan sa mukha niya habang kausap ang Mommy ko. Then I also look at my mother who is laughing at Napoleon's simple jokes, chatting with Tita Aileen, Napoleon step-mother.

Bakit ang Mommy ko, nagawa niya kaming itaguyod kahit na siya lang ang kasama namin sa paglaki. Napangalagaan niya kami nang maayos, napalaki niya kami nang maayos, nailayo niya kami sa panganib kahit na siya na ang namumuno sa PIO.

Magagawa ko rin iyon, tumingin ako kay Napoleon na nakatingin na rin pala sa akin. He mouthed i love you to me, so I answer him back.

Magagawa ko rin ang nagawa ng Mommy ko, lalo pa at nasa tabi ko naman si Napoleon. Alam ko darating talaga ang araw na malalaman niya ang tungkol sa totoong trabaho ko. At kapag nangyari iyon, hiling ko na sana maintindihan niya ako at tanggapin pa rin sa buhay niya.

END OF FLASHBACK...

.....................................................

PARANG KAILAN LANG naiisip ko na madali lang siguro kapag dumating ang araw na kailangan ko nang sabihin kay Napoleon ang mga pinaggagagawa ko. Pero sa totoo mahirap pala, ang hirap umisip ng mga tamang salita para ipaliwanag kay Napoleon ang lahat. Ang hirap umamin sa mga kasinungalingan ko na hinabi sa loob ng limang taon na pagsasama namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Memory to BuildWhere stories live. Discover now