Chapter 11

61 4 3
                                        

CARMELLA...

HOW can I describe this? Kanina ko pa natapos ang trabaho ko. I've been sitting inside my car for a couple of minutes now, nearly one hour na nga. Pero hindi pa rin ako umaalis sa lugar. I can see what is happening, curious people are roaming around. Police are scattered, investigating what happened. The place is totally in chaos, a mess, a total crime scene.

Pero hindi iyong ang dahilan kung bakit ako hindi makaalis sa lugar.

It is my husband.

I saw him, hindi ko alam kung nakita niya ako. Pero sa nakitang kong pag-aalala sa mukha niya, may hinala na akong nakita nga niya ako. Hiling ko lang hindi niya ako nakita habang ginagawa ko ang trabaho ko. I can't imagine my husband confronting me about my work, hindi ko kayang makita na galit siya sa akin.

"WF nasaan ka na?" it's Falcon.

Mariin akong pumikit bago huminga nang malalim, kailangan kong kumalma. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot at kaba. I can't lose my husband, si Napoleon na ang sa lahat sa akin. I can give up everything for him, kahit na pangarap kong pamunuan ang PIO kung ang kapalit naman ay ang asawa ko, hindi na lang. Nand'yan pa naman si Hanna na pwedeng humalili kay Mommy sa oras na kailangan nang magretiro ni Mommy.

Nang masiguro kong kalmante na ang pakiramdam ko saka lang ako nagmaneho paalis sa lugar na ito. Hindi ako nakipag-communicate sa PIO Head Quarters, dumeretso ako sa boutique at inabala ang sarili ko sa isa ko pang trabaho. Kailangan kong libangin ang sarili ko, kailangan makalimutan ko muna ang mga nangyari ngayong araw bago ako umuwi.

Kahit pa alam ko naman na hindi uuwi ang asawa ko ngayon dahil ang alam ko may out of town project itong kailangan na puntahan.

Pero hindi rin ako mapakali sa loob ng boutique kahit na dinagsa ako ng mga client namin nang malaman na nasa boutique ako ngayon. Bihira lang talaga kasi akong magpunta sa boutique, mas hands on ako sa PIO kaysa sa boutique ko. Pero ewan ko ba at sikat ako sa mga kilalang personalidad sa lipunan. Karamihan ng mga client ko ay mga mayayaman, asawa ng mga pulitiko, mga artista o mga model. Siguro isa na rin sa dahilan kung bakit ako kilala ay dahil nasa likod ko ang PIO. They're boosting my image for my cover.

"Jane, aalis na ako. Kung may mga client na maghahanap sa akin sabihin mo umuwi na ako masakit ang ulo ko." Pagpapaalam ko sa secretary ko.

"Yes, Ma'am Ella."

Kaya makalipas lang ang ilang oras nagpasya na akong umuwi. Hindi rin naman ako nakakagawa ng mga designs ng damit kapag ganitong wala ako sa mood.

"Oy! Saan ang punta?" awat sa akin ni Jasmine.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Sinong mag-aakalang nearly forty na itong bruhang business partner ko. Pinakilala siya sa akin ni Frederico Hidalgo, kapatid ng out coming President ng bansa. Na siyang number one client namin, ang presidente ng bansa.

Jasmine is step-daughter of Frederico Hidalgo, hindi naman mahirap pakisamahan ang lukaret na ito. May sarili itong maliit na tahian dati, pero dahil sa mga bigatin na ang mga naging client nito kinailangan na nito ng isang business partner at ako ang napili nito.

"Uuwi," walang ganang sagot ko sa kanya.

"Sus, papa-jerjer ka lang sa asawa mo. Galingan mo kasing gumiling, isuot mo rin palagi ang kulambong regalo ko sa 'yo no'ng last na birthday mo nang sa gano'n mabundat ka na," anito sabay tawa nang malakas.

Napangiti na naman ako, "gano'n ba ginagawa mo kay Preston? Kahit na matanda na kayo?" tukoy ko sa asawa nito.

Na isa ring kilalang personalidad, Jasmine happened to be surrounded with great people. Asawa lang naman ito ng sikat na race car driver na si Preston Martin na anak naman ng dating Senador na si Hilda Martin at isang bilyonaryong si Philip Martin.

A Memory to BuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon