Chapter 3

64 6 1
                                        


CARMELLA...

THE SCORCHING heat of summer, can't beat the hot tempered I have. Mainit na mainit ang ulo ko. Period. Basta mainit ang ulo hindi dahil sa init ng panahon, mainit lang talaga.

Anong oras na, wala pa rin kasing kahit na anong lead akong naririnig sa mga tauhan ng kasama ko.

"Relax, ang ganda ng bikini mo. Red. Tapos ang mukha hay naku," bulong sa 'kin ni Hanna.

Kung wala lang maraming tao rito baka kanina pa ako nakasigaw dito sa bruha kong kapatid. Ano naman ang problema sa mukha ko, ang ganda ko kaya.

"I will assumed that Zeus is here again," bulong ko na si Hanna lang ang nakarinig.

Tumawa lang ang bruha, kaya mas nag-init ang ulo ko. Itong si Zeus ang panira ng buhay ko kahit kailan, nasisiguro ko talaga na nandito na naman ang Olympus. Naiinis na ako sa agency namin, bakit ba palagi na lang kaming nakikihati. Kapag ako talaga ang naging head PIO o Philippines Intelligence Office, susugurin ko na ang Olympus. May isa pa kaming mahigpit na kakumpetensya, that only me and my mother know about them. The SIS or Secret Intelligence Service. Ang dalawang agency na ito ang palaging kino-contact ng gobyerno para sa mga trabahong tulad nito.

Kaibahan lang namin sa dalawang Agency na iyon, ang Olympus at SIS purely government issues ang inaatupag nila. Kami may mga private assignment kami galing sa mga private institution or personality. Any job that needs a secret agency and the like, pinapatos namin. Kaso ang malaking market talaga ngayon ay ang gobyerno, kaya dito kami nagsisiksikan na mga agency. Unahan na makatapos ng trabaho, kung sino ang nauna sila ang may buong bayad. Sa mga hindi nakatapos, kalahati lang or worst walang bayad talaga.

"Buko juice Cammy?" Ani Minard, na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

May iniabot siya sa 'kin na buko juice and same with Hanna. Falcon and Minard are the same person, ang partner ko sa PIO.

"Thanks Minard," sabi ni Hanna.

Napailing ako, kinikilig na naman ang bruha. Kilala ko ang babaeng itong. Kapatid ko eh, mula pagkabata close na kami. Laging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Kaya alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito.

"Anong ginagawa mo dito? Bakasyon ko, malamang bakasyon mo rin 'di ba?" tanong ko na lang.

Nagkibit balikat naman si Minard bago naupo sa beach lounge kung saan ako nakaupo. Kinuha nito ang sunblock lotion ko at basta na lang akong nilagyan sa legs ko. I don't mind at all anyway, para ko na ring kapatid ang may sayad na ito. Nakababatang kapatid na ang tingin ko kay Minard at halos nasubaybayan ko rin naman siya mula noong pumasok ito sa college. Ako pa nga ang nagpasok sa kanya sa PIO bilang agent namin.

"Kung nasaan ang Ate ko, ando'n din dapat ako." Anito habang minamasahe ang legs ko.

Nilingon ko si Hanna, nakangiti ito habang nakatingin kay Minard. Sure na naman ako iba na naman ang lipad ng utak ng kapatid ko. Kinikilig na naman ang mani ng hitad kong kapatid, feeling kasi nito kaya ako tinatawag na ate ni Minard ay dahil sa kanya.

"Minard, pwede mo ba akong lagyan ng lotion sa likod ko." Sabi ni Hanna na nagpapa-cute na talaga.

"Sure," sagot naman ni Minard.

Mas napailing na ako nang sila Hanna at Minard na ang naghaharutan sa harapan ko. Bakit kasi hindi pa umamin ang dalawang ito sa totoong score ng buhay nila. Halata naman ang dalawang ito na may something mga animal.

"Paalala ko lang Daisy, nasa Palawan tayo. Hindi dahil sa bakasyon ko," sabi ko sa kapatid ko, na parang hindi naman ako narinig.

Nasa Palawan kami dahil sa mission ni Hanna. Iyon ay ang hulihin ang leader ng limousine gang. Mga high end syndicate na nagpapanggap na mga mayayaman na bibili ng sasakyan. Mga high end or luxury cars ang mga puntirya ng mga ito.

A Memory to BuildWhere stories live. Discover now