chapter 6

69 4 0
                                        

CARMELLA...

BALAK ko sanang surpresahin ang jowa ko. Pero ako ang nasurpresa. May isang nilalang sa lahi ni Adan ang nadatnan ko sa unit ni Neo —nickname ko kaya Napoleon ang haba kasi ng name niya.

"Hi I'm Luther, Kuya Nap's younger and only brother."

Napataas ang kilay ko sa way ng pagsasalita. May sabit eh, parang feeling ko Pa nga may pilantik ang pinky finger nito.

"Carmella, girlfriend ng Kuya mo."

"OMG really?" Gulat na gulat ito sa pagpapakilala ko.

And that's my confirmation, baklush ang hitad na kapatid ni Napoleon. Hindi naman ako against sa mga bakla, I find them fun to be with pa nga. I smile at him genuinely, I want to get along with him too. Mukhang close naman yata ito kay Napoleon. I might as well be close with him too.

"Yes, nauto ako ng kapatid mo eh. Pinakitaan ba naman ako ng matigas na—"

"TMI Ate, TMI. I have that too no need to tell me how hard my kuya's genitalia," exaggerated na awat niya sa sasabihin ko.

Ako naman natawa ako sa sinabi niya. "I didn't mean that, I was refering to his abs and biceps," tawa ako nang tawa habang nagsasalita.

Mas natawa ako nang makita Kong namula ang pisngi ni Luther. "Ilang taon ka na?"

Pinanghabaan niya ako ng nguso, "eighteen po," ang galang masyado.

Naupo na ako sa sofa, mamaya ko na ilalagay sa kitchen ang mga pinamili ko. Balak Kong ipagluto ng kare-kare si Neo ngayon for our dinner. Iyong mga ingredients ang mga dala-dala ko.

"Ang galang mo naman masyado neh! Wag mo na akong i-po. Feeling ko ang tanda ko tuloy," makikipagkwentuhan na muna ako.

"Why did you call me neh? Ate hindi ako girl, kita mo naman 'di ba? I'm a man," anito na ikinatawa ko na naman.

"I can smell you, Luther. No need to hide it," sabi ko na lang.

Hindi ko naman siya nakitaan na nagulat or something. Malalim na buntong hininga lang ang sinagot nito sa Akin.

"Halatang-halata na ba ako?" tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.

"Nope, malakas lang siguro ang radar ko." Totoo naman ang sinabi ko. Hindi naman talaga siya mukhang bakla. Malambot lang talaga siyang kumilos at may lantik ang kamay. Mahinhin din sa pananalita, pero kung titignan mo naman lalaking-lalaki naman siya talaga.

"Anyway, I'll cook tonight. Dito ka na kumain saluhan mo na kami ni Neo. I will cook kare-kare for him," tumayo na ako at binitbit na ang mga dala-dala ko.

"Oh! I think you didn't know it yet but Kuya is allergic in peanuts and seafoods. So it's a no no for Kare-kare, may peanut at alamang iyan eh." Ani Luther na ikinatigil ko.

Honestly hindi ko naman talaga alam iyon. Napatingin ako sa dala Kong mga ingredients. "Sayang naman 'to. Akala ko magugustuhan niya ang Kare-kare ko," malungkot ako. Favorite ko Pa naman ang kare-kare.

"Kuya loves adobo and sinigang, maybe we can cook it for him. Tulungan kita ate," presinta naman ni Luther.

Well I need to adjust, hindi ako mawawalan nang gana sa nalaman ko. Hindi ko pa naman ganoon kakilala si Neo at least ngayon may isa nang nadagdag sa mga alam ko tungkol sa kanya.

"How did you and my Kuya end up together? Sorry ha, hindi sa hindi kita gusto para sa kanya. It's just that..."

"Nakakabigla? Believe me kahit ako nabigla sa lahat. I was just having a vacation in Palawan, pagbalik ko ng Manila may Napoleon na akong sabit," sagot ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kusina.

A Memory to BuildWhere stories live. Discover now