Nagsimula na ang klase at nakamasid lamang si Zoe samin.
Habang si Rylee nmn ay sumasakit pa din ang pisngi. Sana hindi na gumaling yan.
Ang boring nmn tong klase. Tumingin na lang ako sa bintana. Puno nmn ng building dito, tumingin ako sa baba at may nakita akong nagc-cutting classes.
Akala ko ba private school toh? Wala manlang mga CCTV sa mga lugar. Eto pa nmn ang pinaka sikat na highschool.
May tumapik sakin, kaya naputol ang pagiisip ko. Si Rylee pala "tapos na ang klase, tara sa Canteen?" Bago ako sumagot ay hinanap ng mata ko si Zoe. Natutulog sya.
Iniisip ko kung sasama ako or hindi. Well gusto kung sumama sakanya, sino ba ang hindi? Si Rylee na yan oh. Ang inaasam ng karamihan na mapasakanila, pero ayoko din mapatalsik.
"Sasama ka ba, brecky?" Naputol ang pag dedesisyon ko "Ha? Of course no!" Pasigaw ko na sabi, dahilan para magising si Zoe at tinarayan ko si Rylee.
Lumabas na lng ako at hinabol namn ako ni Rylee "Brecky, Wait!" Hindi ko sya nilingon at patuloy lamang ang paglalakad sa hallway.
Hindi ko na alam kung ano nangyare kay Rylee, basta ayoko na muna sya makita.
Tumungo ako sa Court at nakita kong naglalaro si Shia. Kaibigan kase sya ni Rylee at hinintay ko matapos ang paglalaro nya saka ko sya kinausap.
"Uy! Shia" tawag ko sakanya "oh breccia nu ginagawa mo dto?" Tanong nya. "Ano kase.." Pano ko ba to sisimulan?
Bahala na"Alam mo namang gusto ako ni Rylee at oo na gusto ko din sya" alam ko nmng mapag kaka tiwalaan tong si Shia eh, kaya nga sya binansagang Secret Keeper.
"Secret lng yun ah! Pag sinabi mo lagot ka sakin" babala ko sakanya at pinakita pa ang kamao ko. Napatawa pa sya at yumungo yungo nmn sya bilang pagsang-ayon.
"Pero hindi kami pwede" malungkot na sabi ko. "Bakit nmn?" Patanong nyang medyo concern.
Ipinaliwanag ko sakanya ang tungkol sa sinabi sakin ni Zoe.
"ohh, gusto mo ba talaga si Rylee?" napaisip ako dun. Mga 3 minuto ko ata nahanap ang sagot don "Oo, sa tuwing nakikita ko sya my heart is melting" naka ngiti kong sagot.
"Kung ganon ay hayaan mo lng na mapatalsik ka dito sa Frieza, kung ganun ay hahanap ako ng paraan para magkita kayo uli ni Rylee" Naka ngiti nyang tugon.
Pag iisipan ko muna.
YOU ARE READING
T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑
HumorTatlong teenager na iba't iba ang landas ng buhay. nagkahiwalay, dahilan para mawala ang spark nila. magkikita kaya sila muli?
