CHAPTER 5 <Breccia's Pov>

2 0 0
                                        


Napaka saya na ka chat ko sila. Sana kasama ko na lng sila.

Humiga na ako sa aking higaan at inilagay ang aking cellphone katabi ng aking alarm clock.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

𝘉𝘳𝘦𝘤𝘤𝘪𝘢'𝘴 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮

Masaya kaming nagtatawanan ni Angel sa hagdan ng clubhouse. Habang si Carlos ay nasa gitna ng damuhan

Pano ba namn ay magtatanim  daw ng dahon si Carl. Diniligan nmn nya ito ng Zesto. Wala talagang utak.

"Sira talaga oh!" Sigaw ko, habang tumatawa kay Carlos

"Para healthy sya at mamunga ng oranges" sabi ni Carl at ipinakita ang Flavor ng Zesto na Orange.

"Sge sge, balikan natin kapag namunga na" si Angel.

Tumabi nmn samin si Carlos, pumagitna sya.
Sabay silang tumingin sakin at sinabing "Punta ka na breccia"

Nagising ako bigla. Parang totoo ang panaginip ko, sana hindi na lng ako nagising dun. Miss na miss ko na sila

Nakita ko ang oras at nabigla ako "6:49 na?! Hindi nmn gumana ang alarm clock ko"

tinignan ko ito at hindi pala ako naka pag set. "Ay ang tanga"  dali dali akong bumaba

naka upo si mama sa sofa "Bat hindi nyo po ako ginising?" Tanong ko sabay takbo sa Cr para maligo.

Hindi ko na iniisip kong anong rason ni mama kung bakit hindi nya ako ginising. Binilisan ko na lng ang pagkukuskos.

Pagkatapos ay hindi na ako kumain ng hapunan at lumabas agad. Sakto nmng andun na ang bus at sumakay na ako.

Naghahanap ako ng bakanteng upuan, kaso sa minamalas talaga ako ngayong araw. Nasa tabi ni Zoe ang natitirang bakante.

Dibale tatayo na lng ako. Tumayo lng ako habang ang kamay ko ay naka hawak sa gilid ng upuan na hindi ko kilalang estudyante rin sa Frieza high school.

Nakita ko nmn sa bintana na masama ang tingin sakin ni Zoe. Nagrereflect kase ito sa bintana. Ang mga titig nya ay punong puno ng kainggitan.

Hanggang sa maka rating rin kami. Ay sawakas. Nagmamadali  akong bumaba, dahilan para mauna ako maka labas.

Tumungo na ako sa aming silid aralan at umupo sa aking arm chair.

Pumasok na din si Sir Rovin. Tumayo kami at sabay sabay nmin syang binati "Good morning Sir Rovin"

"you may take your seat" magalang na sabi samin ni Sir. Inayos ko muna ang palda ko bago ako umupo.

"Lets change the Seatting arrangement" naku po! Sana hindi ko katabi si Zoe.

Inabot kami ng 30 minutes dito at huli pa akong pinaupo. Bali may 2 na lang bakante sa tabi ni Rylee or sa Tabi ng classmate nmin na hindi ko ka close.

"And Breccia dun kana tumabi kay Rylee"
Tumigil ang mundo ko nang narinig ko yun. Mas okay pa sakin walang katabi eh.

T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑Where stories live. Discover now