CHAPTER- 6<Carlos Pov>

2 0 0
                                        


Andito ako sa School. Kumakain mag isa pinapanood ang aking mga kaklase na may mga kanya kanyang bondingan. Yung iba naglalaro ng Tongits, naglalaro ng ML, Nagma-make up at iba pa.

Nakaka inggit sila. Sana may gusto ding makapag kaibigan sakin.

Tumingin ako sa aking gilid na bintana. Punong puno ng mga berde ang tanawin dito.
Binuksan ko ang bintana at nilasap ko ang malamig na dinadala nitong hangin.

Nang biglang umambon. "Malas nmn" sabi ko sa sarili. Tinignan ko ang orasan at mayroon pang 30 minutes para sa breaktime.

Pumunta ako ng canteen at bumili ng Ice candy. Naiwanan ko pala ang Wallet ko, dahilan para tumakbo ako sa silid aralan nmin.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may nadanggi na pala akong babae.

"Ang sama mo!" Sigaw ng kaibigan nya sakin na doon ko lng napansin na naka danggi na pala ako.

Lumingon ako sa nadanggi kong babae na ngayon ay pinupulot ang kaniyang mga libro. Hindi ko makita ang kaniyang mukha,dahil naka harang ang buhok nya. Patuloy lamang ang kanyang kaibigan sa paglalabas ng galit sakin "D kase nag iingat!"

"P-pasensya na" tinulungan ko itong dumampot nang kaniyang mga libro. Nakita ko nmn ang nakalagay na Pangalan sa libro "Lovely", iniabot ko sa kanya ang huling libro at inipit nya ang kanyang buhok sa kanyang tenga.

" Salamat" matamis nyang sabi at ngumiti. Lovely nga talaga sya. Mula sa kaniyang matamis na ngiti ay gusto ko na syang halikan at tumakbo palayo.

"Mag welcome ka namn! Walang galang eh" Masungit na sabi nung kaibigin nya. Sabay taray. Nabasa ko nmn ang kaniyang I,d "Alexie mae"

"Welcome" sabi ko sabay takbo sa Comfort room. Binuksan ko agad ang gripo at binasa ko ang aking mukha, gamit ang aking dalawang kamay.

"Na love at first sight ba ako?" Tanong ko sa sarili ko na parang nahihibang na.

T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑Where stories live. Discover now