CHAPTER 8 <Breccia's Pov>

2 0 0
                                        


Eto na nga katabi ko na sya. "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko" may pagka dismaydong sabi nya sakin

Tinignan ko sya nang nang naka kunot noo "Anong tanong ba?" May hinala na ako kung ano yun, Pero baka iba eh

"Yung tanong na gusto mo rin ba ako?"
Nahihiya nyang sabi at yumuko Agad sa arm chair nya.

Ano ba dapat isagot ko? Kung mag oo nmn ako ay malamang sa malamang ay maraming magagalit sakin, kasama na si Zoe, isa kase  si Rylee sa Campus crush

"Magsimula na tayo" pagputol ni Sir Rovin sa malalim na pag iisip ko. Life saver ka talaga Sir. Salamat Sir Rovin.

Habang nag d-disscuss si Sir ay nagt-take down notes ako.

Kaso hindi ako maka pag focus dahil pinagmamasdan ako ni Rylee "Tumigil ka
nga" tinignan ko sya ng masama, yung tipo na papatay na ako HAHAHHA

"okay okay Chillax" sabay tingin nya kay Sir na patuloy lng sa pag disscuss.

Napansin ko nmn si Zoe na kanina pa pala tumititig saming dalawa ang kaniyang mga mata ay nanlilisik.

Biglang nag ring ang bell, na nagpapahiwatig na Break time na. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso ako sa library.

Hindi ako pumunta dito para matuto, HAHAHHA. Yumuko ako sa lamesa at inalalay ang aking mga braso. Saka ako umiglip.

Nagising ako nang magring ang bell. Pagkamulat ng aking mata ay mukha agad ni Rylee ang aking nasilayan. "HUY!" sigaw ko at nasampal ko sya

"SHHH!" sigaw ng librarian sakin. Dun ko lng naalala na nasa library nga pala ako at lumabas.

Sumunod nmn sakin si Rylee hawak hawak pa din nya ang pisngi nya, na kung saan ay sinampal ko "A-ansakit nun ah" utal utal nyang sabi, dahIl napapangiwi sya sa sakit.

"Pa bigla bigla ka din kase eh, what are you doing dun ba at pinagmamasdan moko matulog?! " galit na tanong ko sakanya.

"Gusto ko lng makita ang mala diyosa mong mukha" feeling ko namumula ang pisngi ko kaya tumakbo na ako sa klase.

Nilingon Ko nmn sya, baka kase sumunod nnmn to eh. Buti na lng at dinumog sya ng mga fans nya

"Deserve" sabi ko na ako lng din ang naka rinig sabay tawa.

"Hoy!" Sigaw ni Zoe sakin.

"Whats your problem ba?"tanong ko at naka taas pa ang isa kong kilay. hindi ko na rin nmn sya kaibigan. Kaya masasabi ko na ang gusto ko.

" Layuan mo si Rylee o hindi kaya ipapatalsik kita sa tatay ko" oo nga pala ang tatay nya ay mayor samin na si Mayor Ezekiel. Corrupt nmn tatay nya eh.

Tinarayan ko lng sya sabay pasok na sa Silid namin. Ayokong mapatalsik sa paaralan na to nangako ako kay papa na pagbubutihin ko ang pag aaral dito.

T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑Where stories live. Discover now