CHAPTER- 9 <Carlos Pov>

2 0 0
                                        


Andito ako sa labas ng classroom nila ni Lovely. Napakaganda nya talaga. Tumatawa sya habang nagbibiro ang kaibigan nya na si Alexie.

Nagring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase kaya pumunta na ako sa aking silid.

Si lovely lamang ang aking iniisip sa bawat subject. Hindi ko napapansin na nadrawing ko na pala sya. Shit ang ganda nya.

"Guape!" Tinatawag na pala ako ni Sir Noah. Bigla akong napatayo "A-Ano po yun, Sir?" Nauutal ko na sagot.

"Paki solve nitong Problem, pansin ko kase na hindi ka naka focus" at tinuro pa nya ang ipapasolve sakin.

Pumunta nmn ako sa harapan at kumuha agad ng chalk. Buti na lng ay napag aralan ko to kagabi.

Dalawang minuto lamang ay tinapos ko na ang pagsasagot dito.

"Very Good! " naka ngiting sabi ni Sir habang pumapalakpak. 

Naglakad na ako sa aking kinauupuan. Naririnig ko nmn ang mga bulungan ng aking mga kaklase "Bida bida" "Kaya nmn ng lahat yan" "Tssk star star" hindi ko na lang pinansin kase sanay na din ako.

Nag ring na ang bell. Gagawin ko na ba? Nilabas ko ang mga bulaklak sa aking bag puno ito ng mga pulang rosas.

Base kase sa pag stalk ko kagabi sa kanya ay paborito nya Ito. Dali dali akong lumabas ay tinungo ko ang Silid nila ni Lovely.

Sakto nmng mag isa lng sya sa loob. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Tinatago ko lamang ang bulaklak ko sa aking likoran.

Bawat hakbang ko ay kasabay rin ng pagtibok ng puso ko. Mag oo ka, pakiusap. Hindi nya nmn ako napapansin dahil nagbabasa sya ng libro.

Eto na kakalabitin ko na sya "L-Loveyly.. " kalabit ko at agad syang humarap.

Lumuhod nmn ako sa kanya sabay pakita ng bulaklak "M-Maari ba akong manligaw?" Alam kong namumula ako, pero bahala na.

"P-pasensya na, pero may boyfriend na ako. Pwede mo nmn akong maging kaibigan" pagkatapos nya sabihin iyun ay ngumiti pa sya sakin na mala anghel.

Ang sakit. Hindi, sobrang sakit pala. Hindi ko na kaya at tumakbo agad ako sa silid nmin. Wala na rin nmng tao dito.

Napaiyak nmn ako. Iiwasan ko na lng sya. Hiyang hiya ako sa sarili ko.

T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑Where stories live. Discover now