CHAPTER- 2 <Carlos Pov>

3 0 0
                                        


Naka higa lamang ako sa double deck nmin, habang nag s-scroll sa aking cellphone.

Punong puno ang aking fyp ng masasayang moment kasama ang kanilang kaibigan dahilan,para iturn off ko ang phone ko.

"Manonood na nga lang ako ng tv" iritang sabi ko at tumungo sa aming living room at umupo sa sofa. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv.

Pagkabukas nang pagkabukas ko ay naglalarong mga kabataan naman ang bumungad "Ay grabe na!" SIgaw ko sabay patay ng tv.

Huminga ako ng malamim sabay nag salita"Maka gala na nga lng". Lumabas ako kasama ang scooter ko.

Paikot ikot lang akong nag iiscooter sa kalye nmin. Padyak dito padyak doon. Nakita ko nmn na bumibili ng kwekwek  ni Yuri at Angel.

"Buti pa si Angel may kasama" malungkot sabi ko na ako lang din nmn ang nakakarinig.

Nagtatawanan sila habang naghihintay maluto ang kwekwek. Nakakainggit sila tignan. Sana ako na lng si Yuri.

Natapos na din ang pagluluto ng kwek kwek at pabalik na sila. Dali dali nmn akong pumasok sa bahay.

Hindi ko alm kung bakit ayaw kong magpakita kay Angel nahihiya ba ako or ayaw ko lng maistorbo sya sa kanyang kaligayahan kay   Yuri.

Magpinsan lng nmn sila pero bakit parang sa tingin ko ay may tinatago silang higit pa ron?

Augh pake ko ba? Hindi ko nmn Jowa si Angel para alamin ko kung may relasyon ba sila ni Yuri.

Ang boring nmn. Tinurn on ko nmn ang cell phone ko. Nagsaing na ako habang iniintay yun, dahil naka randam na din ako ng gutom

Pagkatapos ko mag saing ay nag scroll uli ako sa cellphone ko at naka tanggap nmn ako ng message si mama (Nak kumain ka naba? Iinit mo na lng yung tirang kare kare sa ref)

"Saktong sakto! " masayang hiyaw ko at ininit ko na ang kare kare.

Pagkatapos ko iinit ay sakto nmng natapos na rin ang pagsaing at kumain na ako. Habang kumakain ay naka randam ako ng lungkot uli, dahil wala akong kasabay kumain at wala ring kakwentuhan.

"Kung may kaibigan lng sana akong may time sakin" bulong ni Carl sa kanyang sarili at hindi nya namamalayan na lumuluha na pala sya.

T͜͡a͜͡t͜͡l͜͡o͜͡n͜͡g͜͡ m͜͡a͜͡h͜͡a͜͡r͜͡l͜͡i͜͡k͜͡a͜͡ 👑Where stories live. Discover now