Listening to OPM become my comfort lately, pero meron talagang isang kanta na talagang nagpapagalaw ng puso ko. Para akong ikakasal sa tuwing mapapakinggan ko, at ito ay ang Pasilyo ng Sunkissed Lola.
I remembered, may isang concert nga kaming pinuntahan noon nina George at Hugo para s'yang funfest kung saan maraming artist ang kumakanta for fundraising, na-enjoy ko yung araw na 'yon at hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking nagpayong sa 'kin noong umuulan ng malakas habang hinihintay ko ang mga kasama ko doon sa waiting center ng venue.
*FLASHBACK*
"Hello, George? Where are you?" banggit ko habang naka speaker mode dahil inaayos ko ang sintas ng aking sapatos.
Tumingin ako sa orasan at napansin na malapit na magsimulang kumanta ang mga musikero. "1 hour before the program starts..." bulong ko sa sarili. Medyo naiinip lang siguro ako pero kaya ko pa naman hintayin si George, siya rin kasi ang nagyaya sa 'kin dito kaya it's better to wait for her than to go home and miss the funfest.
"Makulimlim, Cielo. May dala ka ba na payong d'yan?" George said at the call, I can hear the buzz of the streets habang nasa phone call which indicates na nasa biyahe na talaga s'ya.
"Wala eh, pero I'm here na sa waiting center ng venue, puntahan mo nalang ako dito." I replied.
"Wala kang payong? Paano na 'yan kung umulan? malayo pa ata ang silungan d'yan." Banggit naman ni George sa kabilang linya, may halong pag-aalala.
I look around and saw na puno ng mga tao ang mga buildings na may silong at nandito ako sa parte na walang silong, mas gusto ko kasing mas makikita ako ni George pagdating niya. I don't have a choice and I know she's worth the wait.
Unfortunately, unti-unting pumapatak ang ambon, alam ko na hindi magtatagal at bubuhos na ang malakas na ulan ngunit wala pa rin si George.
I was confused and under a lot of pressure dahil wala na 'akong mapuntahan at unti-unti nang nagsisimula ang pag s-sound check ng mga nasa entablado. Hindi ko alam ang gagawin, tinanong ko si George pero 10 minutes away pa siya at lumalakas na talaga ang ambon na nag-iiwan ng malalaking butil ng tubig sa kalsada at unti-unti na rin akong nababasa.
Sa kamalasan, nahulog at gumulong pa yung tumbler ko sa lapag, It was a relief because hindi pa masyadong basa ang sahig, nagulat ako nang biglang may kamay na umabot nito at inabot sa akin.
"Here, Miss." he said while slowly handing me my tumbler, as I was about to reach for it hindi ko napigilan na mapatingin sa kaniya.
Wala akong masabi pagkatingin ko, tila ba tumigil ang mundo panandalian at binigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Sabay naman ng pagbagal ng mundo ko ang pagpapatugtog nila ng "Uhaw". Iniling ko ang aking ulo para magbalik sa kasalukuyan at inabot ang tumbler ko, ang sunod niyang ginawa ay mas lalong ikinagulat ko.
"Sumilong ka muna." He initiated after giving my tumbler.
I noticed everything from the way he styled his hair to his simple look na white sando na pinatungan pa ng open-buttoned sky blue polo shirt partnered with his white jeans in which his dark-colored belt added to his simple yet elegant vibe.
YOU ARE READING
The Knots Between Us (Red String Series #1)
RomanceSylus knew-from the very beginning to the unstoppable twists of life-that he and Cielo are always bound to be together. However, as their destinies make way for the knots and hurdles in their relationship, making them face distortions and tragedies...
