"Naku, hindi na kailangan. Likas na manyak asawa ko kahit na hindi ko na suotan ng kulambo. Mas gusto pa niya na wala na akong suot sa gabi−"
Nagtakip ako ng tenga ko, alam ko na ang susunod. Walang preno ang bibig ng lukaret na ito, minsan in detailed pa kung magkwento sa sex life nito.
"TMI Jasmine! Tama na, alam ko pakiramdam ng may asawa. Remember I'm also five years married just like you." Awat ko sa iba na naman niyang sasabihin.
Pinanghabaan niya ako ng nguso, "ikaw limang taon ka na ngang kasal. Pero wala ka pa rin anak, tinutulungan na kita para magkaanak ka na. Mahirap tumanda na wala kayong anak, maniwala ka sa akin. Been there, maniwala ka sa ate. Mahirap tumanda na walang tagapagmana. Kita mo naman si Preston, naghabol ng bongga. Kung sa nga-nga lang, baka magreklamo na ang pempem ko sa kakapanganak at nakanganga na nga ng bongga. Ilang bata na rin ang lumabas sa..." marami pa siyang sinasabi. Ang iba narinig ko na dati pa, ilang taon na rin naman na kaming magkasamang dalawa sa negosyong ito.
Kung alam lang niya, hindi naman siguro ako mahirap magbuntis. Ang problema lang talaga hindi pa ako pwedeng magbuntis dahil sa mga mission na kinukuha ko.
"Uuwi na ako," paalam ko sa kanya.
"Iyong bilin ko, galingan mong gumiling mamaya. Sayawan mo kung kinakailangan, tapos kantahan mo rin. Maganda iyong 34 plus 35 ni Ariana Grande, parehas kayong mag-e-enjoy promise!" pasigaw na habol sa akin ni Jasmine.
Napapailing na lang ako hanggang sa makarating na ako sa sasakyan ko.
......................................
PAGDATING KO sa bahay, agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang sasakyan ng asawa ko sa garahe namin.
At dahil sa hindi naman tinted ang sasakyan niya, kitang-kita ko siyang nakaupo pa rin sa loob ng sasakyan. Hindi ko tuloy alam kung kararating lang niya o kanina pa siya sa garahe namin at hinihintay akong dumating.
Pero malabong hinihintay niya ako, dahil nakasindi ang sasakyan niya. Para pa nga itong aalis na naman kung hindi lang ako humarang sa likuran niya.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan para tignan siya at tanungin na rin kung bakit nasa loob pa ito ng sasakyan at hindi pa pumapasok ng bahay.
Pero laking gulat ko nang pagbaba rin ni Napoleon nakita ko ang malaking pasa nito sa mukha na siyang ipinag-alala ko. Mas bumilis ang paglalakad ko para makalapit na ako sa kanya at matignan ang pasa niya sa mukha.
This is the first time, na makita kong may pasa sa mukha ang asawa ko. Hindi siya pala-away na klase ng tao, ni hindi nga yata marunong magalit ang asawa ko. Kaya nakakapanibagong makitang may pasa sa mukha ang asawa ko ngayon.
"What happened? Sinong may gawa niyan sa 'yo?" tanong ko agad nang magkalapit na kaming dalawa.
Tinignan ko na agad ang pasa niya sa mukha, I held his face and look closely. Baka may iba pa itong pasa na hindi ko agad makita o baka may sugat ito. I need to be attentive, hindi ako pwedeng basta na lang magpaka-kampante na pasa lang ang nakikita ko.
"Some client, with whom I had a misunderstanding." Malumanay na sagot niya sa akin.
My blood boils hearing that, sino ang lapastangan na taong basta na lang sinuntok ang asawa ko. Hindi ako papayag na maargrabyado ang asawa ko ng gano'n lang. His the most calm and nice person I've ever met. Hindi basta-basta nagagalit ang asawa ko, baka ipusta ko pa ang pera ko na hindi magagawang gumante ng suntok ang asawa ko.
"Where did it happen? Why did you let him punch you? Who is this client?" sunod-sunod na tanong ko.
But none of my question was answered properly, parang hindi pa makapag-isip mabuti ang asawa ko. Pakiramdam ko naalog ang utak ng asawa ko kaya hindi ito masyadong nagsasalita. Or maybe his been traumatized kaya hindi makapagsalita si Napoleon. Neither of this reason, mas lalo lang akong naiinis sa mga naiisip ko. At lalo lang lumalala ang galit ko sa taong sumuntok sa asawa ko.
Hinila ko na siya papasok sa loob ng bahay, kailangan ko nang gamutin ang pasa niya. Baka kung ano pa ang maging bunga ng mga pasa niyang ito. Tawagin na akong OA na asawa, hindi niyo alam ang pakiramdam nang unang beses na makitang uuwi ang asawa niyo na may pasa.
"We will sue that person. Hindi niya pwedeng gawin ito sa 'yo," paulit-ulit ko ng nasabi iyon.
Hindi talaga ako matitigil hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko. Baka nga ipahanap ko pa kay Minard ang taong gumawa nito sa asawa ko.
Busy akong nilalagyan ng cold compress ang pasa ni Napoleon nang hawakan niya ang kamay ko at pisilin. When I look at his face, nakatitig siya sa akin na para bang ako lang ang taong makikita niya habang buhay. As if that I'm the only person in this world with him, kung paano niya ako titigan ngayon.
Kinikilig ako, hindi naman nawawala ang kilig sa amin ni Napoleon. Kahit na limang taon na ang nakalipas mula ng ikasal kami. Pero hindi rin mawawala sa akin na parang ang boring na nga nang buhay naming dalawa. Sa umaga pagkagising gagawin ko ang tungkulin ko bilang asawa, papasok kami na magkahiwalay ang sasakyan. Sa gabi kakain nag sabay tapos matutulog na, paulit-ulit na routine na namin iyon sa tuwing magkasama kami at walang out of town si Napoleon.
"No need my sweet Carmel. Nagka-usap na kami, parehas kaming mainit ang ulo kanina kaya nagsalubong kami kaya sumabog ang galit naming parehas. But really we're fine now and nothing to be worried," anito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
Napangiti ako, bakit ba ang bait-bait ng asawa ko. Sa paraan din ng pagkakatitig niya sa akin ngayon alam ko na mahal na mahal niya ako. Nakalimutan ko na ang mga sinabi ni Hanna sa akin kaninang umaga. Na baka may ibang babae raw ang asawa ko, na kesyo ganito, ganyan na hindi na ako mahal ni Napoleon.
I held his hand too and squeezed it tight. Just to notice something is not right. Napakunot ang noo ko, pilit kong sinasalat ang isang bagay na alam kong dapat ay makakapa ko sa kamay niya. Unti-unting nawala ang ngiti ko habang nakatitig ako sa mukha ng asawa ko.
"Where is your ring?" tanong ko sa kanya.
Napataas pa ang kilay ko nang makita kong parang napapalunok si Napoleon at hindi magawang ibuka ang bibig para sagutin ako.
"Nasaan ang singsing mo, Napoleon." Pag-uulit ko ng tanong ko sa kanya.
"Honey," nakangiti ito na parang mas magandang sabihin na nakangiwi.
Iyong pag-aalala ko sa pasa niya sa mukha, napalitan ng inis. Parang gusto ko tuloy siyang bigyan ng isa pang suntok sa kabila naman nang mapantay ang pasa niya sa mukha.
Chapter 11
Magsimula sa umpisa
