Sulat para kay Ex

Start from the beginning
                                    

                                Then naboto kang escort, ako naman yung Secretary. Tapos dahil sa mga meetings ng officers ay naging close tayo. Paano, ako lang kumakausap sayo. Natatandaan ko pa yung time na hinila kita sa wrist para bilisan mo maglakad. Tapos ang sungit-sungit mo at sinabi mong bumitaw ako. Hindi kita crush nun pero nasaktan ako sa sinabi mo. Then later on nalaman kong kaya mo sinabi yun, bigla ka palang kinabahan. Dun ka pala unang nagka-crush sa akin. Mehehe, kinikilig pa din ako.

                                Eventually, nagkaroon ng way yung mga girls na makilala at maka-close ka kasi pinamigay mo yung number mo. Landi mo. Anyway, parati akong nakakatanggap ng GM ng mga ka-klase nating babae na name mo ang laman. Then ang dami mong naging ka-close sa text. Ang daming nagtatanong sa akin kung sino ang crush mo kasi feeling nila crush mo sila. Pano may endearment ka sa kanila, tapos ang sweet mo daw. Nakaka-bobo na nga sumagot ng hindi ko alam eh kasi paulit-ulit sila. Salamat na lang sa kanila kasi hindi agad ako na-fall sayo dahil nalaman kong pati sa ibang babae sweet ka. Sabi ko nga sa sarili ko, wow ang landi ah.

                                Isang araw, recess natin yun tapos naglolokohan kami ng classmates nating boys. Nagtatawagan kami ng ‘beh’ kasi uso eh. Bigla ka na lang nagwalk-out. Nagtext agad ako sa’yo. Yun pala sabi mo nagseselos ka dahil dun sa beh. At dahil dun, tinawag mo akong prinsesa. Namimiss ko na ngang tawagin kang prinsipe ko, eh. :’(

                                Pero Rye promise na-inlove ako sayo agad-agad hindi dahil gwapo ka kung hindi dahil sa ugali mo. Dinadala mo yung shoulder bag ko pag uwian. Nililibre mo ako ng snacks. Sinusuklayan mo ako sa room. Binubulungan mo ako na ang ganda-ganda ko kahit pawisan ako dahil sa PE. Tinatabihan mo ako sa upuan kahit may seating arrangement tayo mehehe. In short, pinaramdam mong prinsesa mo ako. Paano akong hindi main-love sayo? Nagpakipot ako ng one year kasi gusto kong malaman kung seryoso ka sa pangliligaw mo. Dapat hindi pa kita sasagutin nung third year tayo kaso natakot ako dahil ang daming lumalandi sa’yo.

                                Rye ang saya-saya ko nung naging tayo. First boyfriend kita kahit pang-apat na girlfriend mo na ako. Babaero, psh. Akala ko perfect BF ka pero abnormal ka kasi nakalimutan mo yung monthsarry natin. Ang sakit sakit lang grabe, first time kong mag-celebrate sana ng monthsarry kaso nakalimot ka. Pero bawing bawi nung sinabi mong “sorry na prinsesa ko, ikaw pa lang kasi sineryoso ko kaya hindi ko alam yung rules ng serious relationship.”

                                Natatandaan mo pa ba yung mga yan? Kasi ako oo eh. Hindi ako makalimot kasi sobrang pinahalagahan ko yung kung anong meron tayo.

                              Tapos nagkaroon tayo ng play. Todo suporta ka kasi lead role ako. Pero nakakainis kasi kalagitnaan pa lang ng play nakita kong wala ka na sa room. Tapos na yung lahat ng scenes mo nun kaya nakaalis ka agad. Yun pala, nakikipagsuntukan ka sa taga-ibang section na nakinuod sa play natin kasi binabastos pala ako. Salamat dun Rye ha? Kasi pakiramdam ko sobrang haba ng hair ko dahil sa ginawa mo. At lalo pa akong na-in love sayo. :)

                                Lumipas yung intrams na todo suporta ako sa game niyo ng basketball kahit talo kayo. Kahit sa volleyball talo pa din. Hahaha. Pero ayos lang, gwapo ka naman. :P Tapos inis na inis ka nun pero nung hinawakan ko yung kamay mo, sobrang lapad ng ngiti mo. Ang gwapo gwapo mo nun, prinsipe ko. Sabi mo “talo man sa laro, panalo naman sa girlfriend.” Hayyy. Sobrang miss na kita Rye.

                              Dalawang JS prom natin na ONLY dance natin ang isa’t isa. Sinolo natin yung isa’t isa pero sobrang saya pa din natin. In love eh. :)

                             Nung graduation practice, bigla  kang nag-iba sa’kin. Puro ka na lang DOTA, pero kahit ganun sinusuportahan pa din kita. Kahit nagmumuka na akong tanga kakahintay sayo sa loob mismo ng shop. Hindi ko naman kasi naiintindihan yung nilalaro mo eh. Kaya pala ganon kasi kinausap ka ng mama mo na kung pwede sana mag-focus ka sa pag-aaral pag college ka na. Hindi ka makapili kaya pala nalilito ka sa kung anong ipapakita mo sa akin.

                             Bago yung graduation, sinabi sa’kin ni mommy na sa Manila na ako mag-aaral at dun na muna ako titira. Sinabi ko sayo yun. Nagulat ako kasi pumayag ka. Sabi mo college na eh. Iba na. Sabi mo sundin natin yung parents natin. Anong nangyari sa pagiging prinsipe mo nun Rye? Alam mo, kung sinabi mong ayaw mo… kung sinabi mong mahal na mahal mo ako at ayaw mong lumayo ako… hindi ako aalis Rye. Hindi sana ako umalis. Pero hinayaan mo ako. Hinintay kong sabihin mo na “Elle, wag mo akong iwan. Hindi ko kaya” pero Rye yung sinabi mo nun “Okay lang sa’kin Elle. Mas makakabuti to sa ating dalawa.” Maling mali ka dun Rye. Sobrang hindi nakabuti sa akin. Sa atin. Minu-minuto akong namamatay sa sakit tuwing iniisip ko na hindi ka na sa akin. :’(

                            Rye bakit ganto? Bakit sa ganito lang tayo nauwi? Mahal na mahal kita Rye eh. Mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Ako na lang ulit please? Iwan mo na si Jolene. Oo makapal na muka ko pero hindi ko kaya Rye. Iba pala yung sakit kapag nalaman kong pinagpalit mo na ako.

                       Gabi-gabi pa din kitang napapanaginipan. Tuwing magbubukas ako ng FB gusto kong i-chat ka pero natatakot ako na baka mapunit lang lalo yung iniwan mong sugat sa puso ko. Rye ikaw pa rin dito eh. Ikaw lang, wala ng ibang pumalit. Mahal na mahal kita at maghihintay pa din ako na maging malaya ka.

                         Miss na miss na kita. Yung yakap mo, yung ngiti mo, yung boses mo, yung tingin mo sa akin. Lahat ng bagay tungkol sayo. Sana wag kang tuluyang mawala sa akin… kasi this time baka hindi ko na kayanin.

Ang dati mong prinsesa,

 ღ Elle          

P.S: Hihintayin ko ang sagot mo.

P.P.S: Kasama nito yung favourite picture ko na magkasama tayo. Yung itsura ko kilig na kilig, tapos ikaw ang tapang na parang sasaktan mo kung sino man ang aagaw sakin mula sayo. I love you Ryder.

Sulat [KathNiel Short Story]Where stories live. Discover now