Sulat para kay Ex

1.3K 18 23
                                    

A/N: Click the external link for my on going teen fiction story.

***

12:59am

Ryder Devera

Elle, tatlong taon na simula nung maghiwalay tayo. Pero yung totoo? Ngayon ko pa lang makakayang sabihin na sa wakas naka-move on na ako. Sa loob ng tatlong taong yun tinago ko na mahal pa din kita. Kasi alam ko ayaw mo na talaga. Pero salamat kay Jolene at nakalimutan na kita. Ngayon kaya ko nang makipagusap sayo ng hindi nasasaktan. So uhm, kumusta?

Dear Ryder,

                                Hi ex! Hindi na kita na-replyan dun sa message mo sa’kin sa FB kasi matapos kong basahin yun, nagkaroon ako ng heart attack. Haha. De, joke. At kung binura mo ang message mo sakin, ayan nilagay ko sa taas. Ulit-ulitin mong basahin yung mga salitang muling nagpaiyak sa’kin.

                               

                                Oo Rye, iyak ako ng iyak nung binasa ko yan. Grabe ka eh. Grabe lang talaga Rye. Tatlong taon mong tinago? Bakit di mo na lang tuluyang tinago? Bakit kasi ngayon mo pang sinabi kung kelan may JOLENE ka na?! Inaamin kong bitter ako Rye. Sobra sobrang bitter ako kasi pinagpalit mo na ako. Pero yung mas masakit dun? TATLONG TAON KO DING TINAGO NA MAHAL NA MAHAL PA KITA. Bakit ganun Rye? Ikaw yung lalaki, sana ikaw na yung nagkusa na umamin. Kasi kung umamin ka nun, aamin din ako. Edi sana tayo pa din. Dagdag pa sa sakit yung salitang “sana”. SANA sinabi ko sayo na mahal pa kita. SANA sinabi ko agad na ayokong magkahiwalay tayo. Paano kaya sana tayo ngayon? Pero wala eh. Naduwag ka. Naduwag din ako. Ngayon wala ng tayo at meron nang kayo.

                                Rye natatandaan mo ba nung una tayong naging magka-klase nung 2nd year high school? Ayoko sayo nung unang kita ko, kasi masiyado kang gwapo. At pag gwapo, marami nang nagkakagusto. Hindi ko gustong maghabol sa maraming humahabol, kasi ang gusto ko ako ang hinahabol. Ang ambisyosa ko lang. Pero dahil na din sa kagwapuhan mo, insecure yung guys at nahihiya yung girls sa section natin. Ang malas mo dahil wala kang kakilala kasi bukod sa galing ka sa first section at napunta ka sa second section (na section nga natin nung sophomores tayo) eh suplado ka pa kaya wala kang friends. Nakakatawa, kasi ako yung unang lumapit sayo dahil nasa sulok ka lang at ayaw mong makisali sa groupings. Ayos ka din eh, batas?

Sulat [KathNiel Short Story]Where stories live. Discover now