Niyakap ako ni Tita at kiniss niya yung noo ko, "aww. My baby Alys is finally a lady. I'm so proud of you."

Niyakap ko din si Tita. Parang second mom ko na kasi siya. Syempre parang mom ko na din sila Tita Sara, Tita Kim, at Tita Nof. Mas lamang nga lang si Tita Liana kasi fiancé siya ni dad.

"By the way, kiddo. What do you want for your birthday?" Excited na tanong ni Tita. Shems! Sobrang nawala na sa isip ko yung debut ko! Next, next week na nga pala yun!

Matagal kong pinag isipan yung gusto kong maging regalo. Siguro naman kayang ibigay ni dad yun. "Uhm, Tita?"

"Yes?"

"Sa tingin mo po ba bibigyan ako ni dad ng condo?"

Nagsmile si Tita. "Condo? Why? Don't you want to live with your mom? She's too loud kasi, no?" Natawa ako! Hahaha! Kung narinig to ni mommy sigurado magbabangayan na naman sila ni Tita. Minsan talaga naccurious na ako kung bakit sila hindi magkasundo. Tanong ko nga minsan kay dad.

Umiling ako. "No, of course I love my mom. It's just that... I wanna live next to Drake." I admitted. Oo na ulit, ang tanga ko. Sorry naman. Ang tagal na naming magkakilala ni Drake, halos magoone year na. Sa loob ng one year na yun, ang dami kong natutunan, ang dami kong naging memories. Naging masaya ako, syempre hindi naman ako basta magggive up. I've been through a lot. Ngayon pa ba ako susuko?

She smiled at me warmly, "do you really want that?"

I nodded.

"Alright, then. I'll tell your dad and convince him for you."

"Wah! Thanks, Tita! I so love you talaga!"

"I love you, too, kiddo."

Binigay ko yung address ng condo ni Drake. Tama na yung pananahimik ko, I think it's time to be territorial.

Umalis na si Tita. Sana pumayag si dad! Pag hindi siya pumayag, sana pumayag si daddy. Kahit sino bigyan niyo ako ng condo!! Susunod kahit si Tito Clarence lalapitan ko na din! Nadedesperado na ako.

After sometime, dumating na si mommy at daddy.

"Where's Drake?" Tanong ni mommy muntik na tuloy akong mabulunan! Kumakain kasi kami tapos bigla bigla na lang siyang nagsasalita ng ganyan!

Inabutan ako ni daddy ng tubig. "Ah-eh, nasa condo niya po?"

"Well, tell him to come by tomorrow. Siya ang escort mo sa debut, right?"

"Ah-eh... Sige po," sabi ko na lang. Ayoko ng magpaliwanag ngayon. So tired and everything. Si Sheen na lang siguro ang kapartner ko. For sure naman kasi, hindi papayag si Drake. Tss. Okay fine! Kakausapin ko siya mamaya. Sa phone na lang. Hindi ko kaya sa personal eh, nakakakaba.

"By the way, Dane will come home next week," sabi ni mommy.

"WEH?"

Pinanlakihan ako ni mommy ng mata tapos natawa si daddy. "Sorry po," sabi ko. Sorry naman sa reaction ko! Nagulat lang!

"Yes. Since it's your debut next, next week, Dane will spend a week here. Since Spring break naman nila dun," mommy explained. My gosh! Naexcite ako bigla sa mga mangyayari!

Nangiti ako. "Matutuwa si Felice nito!"

Mom nodded, "yes. She'll come as well. Your debut will be very beautiful, Alys."

Sana nga, mom. Sana nga.

After dinner, umakyat na ako sa kwarto. Tatawagan ko si Drake. Maybe magsosorry ako sa nasabi ko?

"Hello?"

("Why are you calling?!")

Binabawi ko na. Bakit ako magsosorry?!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon