Chapter 1

83 4 0
                                    

Taeyeon's POV

Sabi nila kapag inlove ka tumitigil ang mundo mo, bumibilis ang tibok ng puso mo, at.

At... At... At...

"TAEYEON!!!!! Tanghali na! Bumangon ka na jan!" Ay kabayo ka!!!

Ano ba yan! Pag sinu-swerte ka nga naman. Ganda ganda na ng panaginip ko eh. Minsan talaga itong si mama may pagka-kontrabida. Tsk tsk.

"TAEYEON! Ayaw mo na bang bumangon? Wag kang aalis dyan ha?! Pag nakita lang kitang umalis ng higaan mo. Makakatikim ka sa akin. ISA!" Ayan na! Magsisimula na naman ang araw kong punong puno ng grrrrr!

"Ito na po bababa na ho!" Bumangon na ako ng higaan ko. Agang aga baka makatikim pa ako ng SUPER MEGA PALO ni mama.

"Ano pong ulam ma?" Sabi ko kay mama habang nakaharap sa kanya.

"Kadiri kang bata ka! Mag-tooth brush ka nga muna dun! Ambaho ng hininga mo!" Ay! Si mama masyado!

"Okie" sabi ko habang papuntang CR malapit lang sa kusina.

Nang matapos na ako. Nakahain na yung ibang ulam. Kakain na ako.

"Kain na Ma."

"Geh. May niluluto pa ako dito bilisan mo dyan at maghugas ka ng plato ha" ay ibang klase din. Hindi pa ako nakakasubo ng lima, pinaghugas agad ng plato. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Sya nga pala anak!" Panibagong utos na naman ba to? "Naka-usap ko ang kumpare ko at........ " OmyG!

"Mama may kabit ka? At kumpare mo pa? OmyG mama! Isusumbong kita kay papa!" Hala si Mama!

"Pag hindi ka tumigil jan isasalaksak ko sa'yo itong hawak ko!"

Taeyeon!! Tumahimik ka muna! SANDOK ang hawak ni mama.

*tahimik muna*

"Sinabi sa akin ni Pare na pagaaralin ka daw nya. Matagal na kumpare na namin yun ng papa mo. Matalik na kaibigan namin yun" pag-aaralin? Aba! Rich!

"Wag kang mag-alala dun din nya papapasukin yung mga anak nya. Ka-edad mo lang naman siguro yun eh kaya hindi ka masyadong mabobored doon" feeling ko talaga tinataboy na ako ni Mama.

"Mama wala naman akong ginawang masama ah. Sinusunod ko naman lahat ng utos mo. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Bakit ma? Bakit?" Huhuhuhu

"Dumali na naman yang saltik mo Taeyeon! Pumayag ako na pumasok ka dun dahil gusto kong ma-ipakita mo pa yang talent mo sa ibang tao. Hindi yung sa kwarto ka laang lagi." Ay si mama oh! CONCERN! Ayiee.

"Sige sige mama. Saan ba po yan? Pupunta na ako? Ano pong address?" Excited kong sabi.

"Taeyeon bakasyon pa wag kang excited masyado." Ay! Oo nga pala Mayo palang. Excited masyado si Taeyeon. "Tapos ka ng kumain? Maghugas ka ng plato." So ayun na nga po. Hindi na ako nakaligtas sa paghuhugas ng plato.

"Opo" sabi ko habang kinukuha yung mga plato kong ginamit sa lamesa.

Kung nagtataka kayo kung nasan ang papa ko. Nasa ibang bansa sya. Dun sya nagta-trabaho malamang. Alangang nag-shopping lang. Hindi kami masyadong rich no.

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon