BMDN Chapter 49

118K 3.2K 337
                                    

Maaga akong nagising ngayong umaga, pakiramdam ko nililipad lang ng hangin ang mga nagdaang araw. Hinatid ko kahapon ng hapon si Kisza sa bahay nila Mam Gracia dahil susunduin sya ng Daddy nya kinagabihan. Binigay ko lahat ng uwi ko galing Korea at Canada na binili ko talaga para sa kanya.


Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ayos na kami nu Kisza, tama nga ang sinabi ni Kuya Scott na Time's heal the wound dahil iyon ang nangyari kay Kisza. Ginamot sya ng tatlong taong nagdaan at maraming salamat kay Mam Gracia dahil alam kong sya ang nag paliwanag kay Kisza ng lahat.


Sa dalawang gabing nag daan ay nag kwentuhan kaming dalawa, nag tanong sya kung ano ang nangyari sa akin ng mga nakalipas na taon. Tinanong nya ako ng tungkol sa mga kapatid nya, at lahat ng gusto nyang malaman ay sinabi ko sa kanya. Hiniling ko rin kahapon sa kanya bago ko sya inuwi na huwag munang sasabihi sa  Daddy nya na nag kikita kami at ang tungkol sa kambal , dahil ako ang magsasabi kay Spencer sa oras na mag kita kami.




"No! Guren is the best knightmare!"




"Guren is weak! Lancelot is stronger than Guren"





Napailing ako ng marinig ang dalawa na mukhang nag tatalo nanaman. Hula ko ay tungkol nanaman ito sa anime na pinanuod nila kagabi.


"Kain na" sabi ko sanila ng makita ko sila sa kusina. Nakasuot ng kulay pink na ternong pajama si Scarlet at blue naman ang kay Styler.




"Mommi, di punta Ate?" Tanong ni Scarlet sumampa sa upuan.




"Hindi eh, mag iis-school sya" sabi ko saka inahanda ang pag kain nila.
Nag timpla din ako ng gatas nila, ako naman ay nag timpla ng kape para sakin.



"Mom, do we have Dad?" Tanong ni Styler na ikinabigla ko, ibinaba ko ang tasa ng kape na hawak ko at napahawak sa labi ko. Napaso ako ng mainit na kape, nakalimutan ko na mainit ang kape dahil sa tanong ni Styler. Bigla parang nanlaki ang ulo ko sa tinanong nya.




"Y-yes baby, you have" nauutal na sagot ko. Ito ang unang pag kakataon na ang tanong si Styler tungkol sa Daddy nya. Bigla kong pinawisan ng malamig.





"Really? Where is he?" Tanong nya.
Nangapa ako ng sasabihin, kailangan ko nabang makipag kita kay Spencer para iharap sa dalawa naming anak?  Lumapit ako kay Styler at binuhat sya at kinandong.




"Your Dad is busy right now, but you'll gonna meet him soon. When times come." sabi ko saka hinalikan sya sa pisngi.




"Mommy, who does he look like?" Tanong naman nj Scarlet saka kinuha ang hotdog at kinain.




"He look like just you and Scarlet" nakangiting sabi ko.



"Woa, he's handsome then" aniya, hindi ko mapigilan ang matawa sa komento nya.



Natigil kami sa kwentuhan ng marinig kong may mag door bell, napakunot ang noo ko wala akong inaasahang bisita ngayon. Ibinaba ko si Styler at nag lakad papunta sa pinto, naalala ko ang sabi ni Mam Gracia na bibisita sa sa bahay kaya baka sila itong nasa labas.  Inuksan ko ang pinto at.....







"Suprise!!!"


Napatanga ko sa mga taong nasa harap ko, si Kuya Scott, at Cc ang nasa labas.


"Bakit hindi nyo sinabing uuwi kayo?!" Sigaw ko sakanila, ang lakad ng tibok ng puso ko sa pag kagulat, bigla nalang silang sumusulpot.




"Edi hindi na suprise?!" Mataray na sabi ni Cc, minsan hindi habagay ang pananalita nya sa itsura at tindig nya. Hinawi nya ang daan sa pagitan ko at ng pinto saka dumaan papasok ng bahay bitbit ang bagahe nya.





Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon