BMDN Chapter 47

113K 2.9K 257
                                    

"Hello! Tito Daniel, Tito James, Tito Cc"


Natawa ako sa huling sinabi ni Scarlet. Nakaharap kaming tatlo sa laptop at ka skype sila Daniel sa Canada, gabi dito at umaga sa kanila.



"Ate! Ate! May babalita ako sayo. Si Kuya Cc single na ulet!" Natatawang sabi ni James.



"Huh? Bakit? Buti pinakawalan ka ni Martina?" Tanong ko, Matina ay ang girlfriend nya Canadian na patay na patay sakanya.



"Imbyerna Ate, gusto ba naman akong gahasain. Bwisit yung babaeng 'yon!" Aniya, napailing nalang ako, habang nakatingin kay Cc ay hindi ako makapaniwala na ganito sya ka gwapo. Lalaking-lalaki na sya, at hindi ko na makita ang Cc na nakasama ko dito sa Pilipinas. Kaya lang minsan lumalabas ang pag ka bakla nya lalo na pag mag sasalita, pero hanga ako kay Martina dahil nagawa nyang lalaki si Cc. Pero salamat kay Martina at sa kuya nyang gangster dahil kung hindi sa kanila baka ngayon ay transgender na si Cc.







"Styler, what's up?" Ani Daniel kay Styler,





"Im great Tito" ani Styler saka ngumiti sa tito nya.



"Tito! Tito! He bit me kanina" sumbong manaman ni Scarlet sa mga tito nya, naiiling nalang ako.



"She touched my ears" dipensa naman ni Styler, ayaw na ayaw ni Styler na hinahawakan ang tenga nya kahit kanino pwera nalang sakin.




"Diba sabi ko wag na kayong mag fi-fight?" Sabi ko sa kanila, pareho silang tumango saka masayang nakipag kwentuhan sa mga tito nila.



"Mom, I'm sleepy" ani Styler saka yumakap sakin.



"Me too" sabi rin ni Scarlet.




"Sige na, say good bye to your Tito" nag paalam silang dalawa kila Daniel saka pumunta sa kama.


Nag paalam narin ako pero natigilan ako sa tanong ni Daniel.


"Ate, nag kita naba kayo?" Tanong nya, kahit wala syang sabihin na pangalan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nya. Ngumiti ako saka umiling, akala ko nang una ay handa na ko pero nang muli akong makaapak sa pilipinas ay parang tinakasan ako ng tapang. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon ni Kisza, paano kung lalo lang syang magalit lalo na at umalis ako at tatlong taon bago bumalik.





"Ate, kaya ka nga umuwi dyan para sa kanya diba?" Ani Daniel, huminga ako saka tumango.




" baka naman may iba kang dahilan kung bakit ka nandyan" muling sabi ni Daniel ramdam ko ang pag dududa sa boses nya. Muli akong mag pakawala ng malalim na hininga saka sya hinarap.



"Si Kisza lang ang dahilan ko" sabi ko sakanya, tumango sya pero kita sa mukha nya na hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.




"Siguraduhin mo lang ate, isipin mo kung paano ka nya pinag tabuyan noon" aniya bago nag paalam.




Sa loob ng tatlong taon lalong naging over protective si Daniel sakin, para ngang mag matanda pa sya sakin kung magsalita. Si Kuya Scott naman ay ganon din naman pero nasa Greece sila ngayon kasama si Ate Denise, hindi rin sya pabor sa pag balik ko sa Pilipinas, pero hindi ko na kasi matiis gustong gusto ko ng makita si Kisza. Pero nawawalan ako ng lakas ng loob.



Pinag timpla ko muna ng gatas ang dalawa bago humiga sa tabi nila. May sarili silang room pero pag gabi sa kwarto ko sila natutulog. Si Styler kasi ang pasimuno, tinatakot nya ang kapatid nya.




Become My Daughter's NannyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora