BMDN Chapter 29

109K 2.7K 204
                                    

"Ate wala ka nabang balak umalis doon?"


Napatingin ako kay Daniel ng umupo sya sa tabi ko, nakatingin kami kay Kisza na nag lalaro kasama si James at Cc. Sumama sila ni Spencer sa pag uwi ko, si Spencer ay nasa labas at may kausap sa telepono. Kasama rin namin silang nag simba kanina, at ang dami nyang dalang pag kain na hindi ko alam kung kailan nya pinaluto.



"Ate, alam kong masaya ka dahil nakasama mo na ulit ang anak mo pero huwag mo sanang kalimutan na minsan may kapalit ang lahat ng kasiyahan." Aniya, napahinga ako ng malalim. Alam ko yon  alam ko na hindi mag tatagal ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon, na lahat ng sayang ito may kapalit lalo na kung malalaman nila ang sikreto ko.



"Alam ko Daniel, hindi rin madali sakin ito. Maraming pwedeng mangyari pag nalaman nila na anak ko si Kisza, pwedeng gumawa si Spencer ng paraan para hindi na muli ako makalapit kay Kisza, pero hangga't kaya ko gusto kong itago. Hindi pa ako handang malayo ulit sa anak ko, ni hindi ko nga alam kung magiging handa pa ako." Sabi ko saka ngumiti ng makitang nag tatatalon si Kisza at si James ay napakamot ng ulo.




"Mahal mo ba talaga si Kuya Spencer?" Tanong nya para mapabaling ako sakanya, "Oo" sagot ko tumango tango sya, alam kong sumagi sa isip nya na baka ginagamit ko si Spencer para hindi na muling malayo kay Kisza pero hindi ako ganoon kasama para gawin iyon, tama nang hindi ako tupad sa usapan namin ni Raquel na hindi na muling pupuntahan ang anak ko.








Dalawang araw na simula ng sabihin nya sakin ma mahal nya ako, nang una nagulat ako dahil dis oras ng gabi nang kumatok sya at bigla nalang akong halikan. Aaminin ko na masaya ako ng marinig ko iyon, pero kaakibat ng sayang iyon ay takot. Takot sa mga susunod na mangyayari, ayokong saktan sya pero ayoko ring sabihin sakanya ang totoo. Hangga't maaari ay itago ko muna iyon at sasabihin sakanya sa tamang panahon.


Umalis si Daniel ng pumasok si Spencer sa loob ng bahay, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Nakasuot lang sya ng kulay blue na tshirt at naka denim short na kulay puti, medyo magulo ang buhok nya dahil sa hangin sa labas. Tumabi sya sakin at agad na hinawakan ang kamay ko, hanggang ngayon hindi ako sanay sa ipinapakita nya sakin. Yung pag halik nya sakin pag papasok na sya sa trabaho at biglaang pag yakap nya sakin, wala syang pakialam kahit na may nakakakita kahit kay Mang Mandy, Venus o kay Leslie ay hindi sya nahihiyang mag pakita ng ka sweetan sakin, pero ako hiyang hiya lalo na pag tinutukso ako ni Venus at pag ngingiti si Mang Mandy ng makahulugan pero si Leslie masamang tingin ang nakukuha ko.





Minsan nabibilisan parin ang sa mga pangyayari, parang kailan lang ng gusto akong maging Nanny ni Kisza pero tinanggihan ko dahil baka magalit si Raquel. Pero nang si Spencer na ang gustong maging Nanny ako ni Kisza ay wala akong nagawa dahil pinapabayaran nya ang nagastos nya sakin sa ospital, at nang pinalayas nya ako dahil sa pag tatanong ko kung sya ba talaga ang ama ni Kisza ay nakatanggap ako ng isang malutong na sampal pero isang linggo lang ang nakaraan ay bumalik ulit ako dahil sa pan ba-black mail naman nya sakin. Hindi ko inakala na magiging ganito, na aabot sa puntong mamahalin ko sya kahit na hindi naman kami mag kasundo.


Marami akong nalaman sakanya nitong mga nakaraang araw, yung tungkol sa kabataan nya. Mahigpit sakanya ang mga magulang nya dahil nag iisa lang syang anak, pero umabot sa puntong nasasakal na sya sa mga ito dahil ang daming bawal ,aniya tinatrato syang dalaga ng mga ito na nag patawa sakin ng bongga. Dumating sya sa puntong nag rebelde na sya sa mga ito, nagbisyo at hindi na umuuwi sakanila. Sumali sa fraternity at halos hindi na pumapasok sa eskwelahan, nag tino lang sya ng makilala si Raquel niligawan nya ito pero hindi sya pumasa dito dahil ang wala daw direction ang buhay nya. Kaya pinatunayan nya kay Raquel at sa mga magulang nito na seryoso sya kay Raquel, sa huli nakuha nya rin ang tiwala ng mga ito pero hindi sya malapit sa mother-in-law nya dahil sa ugali nito. Habang kinukwento nya sakin iyon hindi ko maiwasamg mainggit kay Raquel dahil nakatagpo sya ng lalaking katulad ni Spencer, pero sa huli swerte rin pala ko dahil natagpuan ko si Spencer pero hindi nawawala ang takot na nararamdaman ko. Kahit anong saya ko nag susumiksik parin ang pangamba.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon